You are on page 1of 13

Sintaks

VINCE | KING | DHYDCX


Sintaks
- pag aaral ng istruktura ng mga pangungusap
- pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng
mga parirala o mga pangungusap
- uri ng pangungusap ayon sa gamit
- uri ng pangungusap ayon sa kayarian
Sintaks (dagdag kaalaman)

- estruktura ng pangungusap
- tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
Pangungusap ayon sa gamit
Pasalaysay (declarative) – pangungusap na nagsasabi
o nagpapahayag ng isang bagay na paturol o
pasalaysay.
Hal.
Maraming magagandang lugar na maaaring puntahan
dito sa ating bansa.
Pangungusap ayon sa gamit
Patanong (interrogative) – pangungusap na
nagtatanong ng isang bagay o mga bagay.
Hal.
Saan ba tayo pupunta mamayang gabi?
Pangungusap ayon sa gamit
Pautos (Imperative) – pangungusap na nag-uutos.
Hal.
King, sabihan mo naman yung mga kagrupo natin
tungkol sa ating takdang-aralin.
Dhydcx, pakisamahan mo naman siya tumawid.
Pangungusap ayon sa gamit
Padamdam (exclamatory) – pangungusap na
nagpapahayag ng di-karaniwang damdamin.
Ginagamitan ng tandang padamdam (!).
Hal.
Mayaman na ako ngayon!
Pangungusap ayon sa kayarian
Payak o Simple
Ang isang simpleng pangungusap ay  may  isang simuno, isang
panaguri, at isang  ideya.
Halimbawa:
1. Kumakanta si Eliza.  (Ang salitang "Eliza" ay ang simuno.
Ang panag-uri ay ang salitang-kilos na "kumakanta“). 
Pangungusap ayon sa kayarian
Tambalan
Ang isang tambalan na pangungusap ay may dalawang buong diwa. Ang mga ito
ay inuugnay ng mga pangatnig. 

dahil, at, ngunit, pero, kaya, o, habang, kapag, sapagkat, upang

Hal.
1.Naghintay si Joe kay Lina ngunit si Lina ay nasa opisina pa. 
Pangungusap ayon sa kayarian
Hugnayan

Ang isang hugnayan  ay binubuo ng sugnay na makapag-iisa at di-makapag-iisa

Ang sugnay na makapag-iisa  ay may buong diwa. Ito ay may simuno at panaguri.

Halimbawa:

Kinuha ng aso ang bola. 

Pakihugas ng mga plato.


Pangungusap ayon sa kayarian
Ang sugnay na di-makapag-iisa ay walang buong diwa kahit may simuno at panag-uri ito.

Ang mga sugnay na di makapag-iisa  ay nagsisimula sa mga sumusunod:


•samantalang

• pagkatapos

• bilang

• dahil

• bago

• kung

• maliban kung
Pangungusap ayon sa kayarian
Sugnay na di-makapagiisa

Hal.

Halimbawa:

- ang mga plato

- nagulat ako kasi

- umalis ako dahil


Pangungusap ayon sa kayarian
Langkapan

Ang langkapan ay isang kayarian ng pangungusap na binubuo ng dalawang sugnay na


makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa.

Hal.

- Kung may piyesta, si nanay ay nagluluto ng mga pagkain at ako naman ang
tumutulong sa pag-ayos sa bahay.

You might also like