You are on page 1of 17

MAGANDANG

UMAGA GRADE 10
Naniniwala ka ba sa hula? Sa iyong
palagay nagkakatotoo bang mahuhulaan
ang kapalaran ng tao?
Anu-ano pang mga pamahiin ang
iyong pinaniniwalaan?
ARALIN 13:
AKING PANINIWALA AT GAWI, SANG-AYON BA SA DIYOS?
PAMAHIIN NG PILIPINO
Geoffrey S. Ogale
Tayong mga Pilipino katulad ng ating mga kapitbahay
na mga ibang lahi sa Asya ay masasabing mapamahiin
kahit anumang aspeto sa buhay. Ang mga nasabing
paniniwala ay nakaaapekto sa paraan ng pamumuhay,
pagbibigay pasya at pakikisalamuha sa kapwa. Hindi
iilang henerasyon ang nagsabuhay nang mga ganitong
uri ng paniniwala.
halimbawa ng mga paniniwala

• Sa pag-aasawa ay marami sa atin ang mga


naniniwala na bawal ang sukob.
• Sa paglipat ng bahay ay naniniwala ang marami na
dapat unahing iakyat sa bahay na lilipatan ang asin
at bigas.
• Bawal ang pag-ligo sa lugar kung saan idinadaos ang
burol.
halimbawa ng mga paniniwala

• Sa mga dalaga, huwag kakanta sa harap ng kalan


habang nagluluto dahil hindi raw siya makakapag-
asawa.
• Kung aalis naman o tatayo na sa hapag-kainan lahat
ng naiwang kumakain pa ay kailangan paikutin ang
mga plato upang hindi raw siya tatandang dalaga.
Ang mga tradisyong ito ay nagmula pa noong unang panahon. Sa
makabagong panahon, iilan na lamang ang sumusunod rito. Sabi ng iba,
wala naman daw mawawala kung susundin ito. Ngunit mayroon ding
mga sumusunod sa sinasabi ng Bibliya na hindi dapat ilagay ang tiwala
sa swerte at malas at sa kahit anong bagay na kaakibat ng masamang
espiritu. Nasa iyo pa rin ang desisyon kung susundin mo ang mga
pamahiin. Kahit ano pa man, isa lamang ang sigurado: Ang magandang
pagsasama o pakikipagkapwa ay nagsisimula kapag binigyang
importansya niyo ang Diyos at binigyang respeto ninyo ang paniniwala
ng inyong kapwa. Kailangan din ang bukas na komunikasyon at
pagkakaunawaan upang malutas agad ang mga problema o suliranin na
maaring kakaharapin ninyo pagdating ng takdang panahon.
MGA KONSEPTONG MAHALAGANG MALAMAN AT DAPAT MAUNAWAAN
Omniscient
· – na ang ibig sabihin ay nakakaalam ng lahat ng bagay. Batid Niya
ang mga naisin, kasaysayan, gawi, suliranin ng bawat indibidwal
bago pa man ito idasal sa Kaniya.
Dahil dito ang tugon ng mga nananampalataya sa
Kanya dahil sa katangian Niyang ito ay ang mga
sumusunod:
• Humihingi ng Kanyang gabay sa bawat pagpapasyang gagawin

• Magtiwala na lahat ng dasal ay Kanyang pakikinggan

• Ipagkatiwala sa Kanya ang buhay na taglay at;

• Sundin ang Kanyang utos


Omnipresent
·– nasa lahat ng dako kaya’t kasama Siya ng Kanyang mga
nilalang saan man sila dumako. Bagamat espiritu ang Diyos at
walang katawan ay mahalaga na maramdaman at mabatid ang
kanyang presenya sa araw-araw na pamumuhay. Sa kabila ng
suliranin sa buhay, ang isang naniniwala sa Diyos ay may
pananalig na hindi siya iiwan ng Maykapal at patuloy na
gagabayan. Ninanais ng Diyos na mapalapit sa Kanyang mga
nilalang.
Omnipotent
– nangangahulugan na makapangyarihan sa lahat.
Nasa pamamahala Niya ang lahat at itatakda ang
bagay na ipatutupad Niya ayon sa kanyang
pagpapasya. Ito ang dahilan kaya’t ang mga taong
naniniwala sa Kaniya ay idinudulog ang kanilang
mga pangangailangan. Walang limitasyon ang
nagagawa ng Diyos. Anumang nais ng mga taong
nilalang Niya mula sa Kanyang kabutihan.
Immutable
– sa kabila ng kanyang mga kapangyarihan ay hindi siya
nagbabago. Ang kanyang pagmamahal ay hindi nagmamaliw o
maglalaho maniwala man sa Kaniya ang mga tao o hindi. Ang
katangiang ito ng Diyos ay nagmumula sa Kanyang
kabutihan.Bagamat ang tao ang siyang lumalayo sa Lumikha sa
kanya ay hindi siya iiwan ng Maykapal. Hindi nagbago at
magbabago ang Kanyang pagmamahal bagkus lalo pa itong
ipinapadama ng Diyos na kumakalinga sa bawat tao lalo na sa
panahon ng pagsubok.
GAWAIN 1
PANUTO: Magsaliksik ng iba pang pamahiin na pinaniniwalaan sa inyong pamilya
at isulat ito sa unang kolum. Mga epekto naman nito sa buhay ng mga taong
naniniwala dito ang isulat sa kaliwang kolumn.
GAWAIN 2
PANUTO: Sumulat ng sanaysay kung paano mo
mapapatibay ang iyong paniniwala at pananalig sa
Diyos.
MARAMING SALAMAT SA INYONG
PAKIKINIG !

You might also like