You are on page 1of 7

“Community Pantry”

Pagbabahagi sa Makabagong
Konsepto ng Bayanihan

Jonie V. Robles
•Ang bayanihan ay tumutukoy sa kaugalian ng pagkakaisa ng mga mamamayan upang
tugunan ang isang layunin ng bayan. Nakaugat rin sa konsepto nito ang diwa ng
pagdadamayan at pagkakaisa ng mga mamayang Filipino.
• (Color in History, 2016)
•Ayon sa artikulong Bayanihan (1972), “Ang Bayanihan ay isang ugaling Pilipino na nagmula
sa salitang ‘bayan’ na ang literal na ibig sabihin ay ‘maging kasapi sa iisang pamayanan,’ na
tumutukoy sa diwa ng pakikipag-isa sa komunal, trabaho at pakikipagtulungan upang
makamit ang isang partikular na layunin sa komunidad.”
• (Color in History, 2016)
BAYANIHAN BILANG ISTRATEHIYA
NG PAGKAYA
Ayon sa pag-aaral na “Perception, Resiliency and Coping Strategies of Filipinos
amidst Disasters,” isa ang bayanihan sa paraan ng mga Filipino para makayanan ang
mga sakuna. Gayun din, ang diwa ng bayanihan ay nakaugat sa sistema ng
pagdadamayan ng lipunan o bayan, at ito rin ay nakaugat sa diwa ng pakikisama at
pakikisalamuha ng mga taong bayan.
(Ang & Diaz, akin ang salin)
BAYANIHANG COMMUNITY PANTRY
Batay sa artikulo na “Community Pantry: Bayanihan, Filipinos for Filipinos,”
umusbong ang gawain ng community pantry, at ang pilosopiya sa likod nito na
“Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan,” upang tugunan
ang kasalukuyang panlipunang suliranin sanhi pandemya sa kasalukuyang panahon.
Kung gayon, ang kilos na ito ay nagpapamalas din ng konsepto ng bayanihan bilang
paraan pagkaya at pagbangon sa panahon ng sakuna at kagipitan.
BAYANIHAN SA AUGUSTINIAN
PANTRY
Ayon sa utos ni San Agustin “Tawagin mong walang sa iyo, ngunit hayaan ang lahat
na maging sa iyo sa pangkalahatan. Ang pagkain at damit ay dapat ipamahagi sa
bawat isa sa inyo ng inyong nakatataas, hindi pantay-pantay sa lahat, sapagkat ang
lahat ay hindi nagtatamasa ng pantay na kalusugan, kundi ayon sa pangangailangan
ng bawat isa.”
(Akin ang salin)
TALASANGUNIAN

• (2016). Bayanihan (1972). Nakuha noong Setyembre 21, 2021. Mula sa Color in History
http://www.philhistoryincolor.com/portfolio/bayanihan-1972/

• Ang, M & Diaz, LB. Perception. Resiliency and Coping Strategies of Filipinos amidst Disasters, Di nalathalang tesis, Bulacan State
University, Malolos, Bulacan.
https://www.bulsu.edu.ph/resources/research/publications/perception-resiliency-and-coping-strategies-of-filipinos-amidst-di
sasters.pdf
.

• Calejesan, H (2021) Community Pantry: Bayanihan, Filipinos for Filipinos. Nakuha noong Sityembre 21,2021 mula sa
www.2ndopinion.ph.
https://2ndopinion.ph/community-pantry-bayanihan-filipinos-for-filipinos/

• San Agustin, Rule of Saint Augustine. (chap. 1, no. 4)

You might also like