You are on page 1of 12

ANO-ANO ANG MGA KATANGIAN

NA KAILANGAN MONG
HANAPIN SA ISANG LIDER?
MAY KAKAYAHANG MAGLATAG NG
MAHUSAY NA PLATAPORMA AT
PLANO PARA SA KANYANG
KOMUNIDAD.
Kinakailangan na magaling ang isang tao sa pagdiskurso ng
kanyang mga plataporma upang maipakita sa mga mamamayan
na siya ay may sapat na kaalaman at tunay na adhikain
para sa kanyang bansa. Sa paglatag ng kanyang mga
adhikain, madaling makikita kung kaisa ba ng mga
mamamayan ang kandidato kaya naman hindi dapat
ipinagsasawalang bahala ang pagsuri ng mabuti sa isang
lider.
NAGSASABUHAY NG
KRITIKAL NA PAG-IISIP.
Sapagkat inaasahan na mabigat ang responsibilidad ng
pagiging lider, mahalagang mayroong kritikal na pag-iisip
ang isang kandidato sapagkat nakasalalay sa kanya ang mga
panibagong hakbang upang maasam ang kaunlaran. Ang lider
ang siyang mamumuno at magbibigay ideya sa kanyang mga
mamamayan kung ano ba ang pinakamahusay na paraan upang
mas mapabuti ang kalagayan ng pamumuhay ng kanyang
mga mamamayan.
MAY PANANAGUTAN.
Naturang isang responsibilidad ang pagiging lider,
kinakailangan na may kamalayan ang kandidato sa kanyang
pinapasok upang bago humakbang sa mga pagbabagong
kanyang nilalayon ay mapagisipan munang mabuti ang
kanyang mga plano para sa komunidad. Sa huli, ang lider ay
nararapat na gamitin lamang ang kanyang posisyon upang
mapabuti ang uri ng pamumuhay ng bawat isa.
MALINAW AT MADALAS
MAGPAHAYAG NG MGA
IMPORMASYON.
Sa isang lider inaasahan na siya ay mahusay sa paglatag ng
mga impormasyon ukol sa mga pangyayari hindi lamang sa
labas ng kanyang opisina kung hindi pati na rin sa loob ng
kanyang opisina. Tinutukoy dito ang mga pangyayaring
kasama ang usaping mga alokasyon ng badyet, proyektong
nakatalag, proyektong isinasagawa pa lamang atbp. Sa
pamamagitan nito, makikita ng mga mamamayan kung saan
napupunta ang kanilang buwis.
MAALAM KUMILALA AT
UMUNAWA NG KALAGAYAN
NG KANYANG MGA
KABABAYAN.
Upang masuri kung tapat ba sa kanyang mga mamamayan ang
kandidato, mahalagang suriin ng mabuti kung ito ay lubhang
nauunawaan ang hirap na dinaranas ng ordinaryong
Pilipino. Sapagkat sa pamamagitan ng pag unawa sa kahirapan
ng kanyang mga kababayan, makikita ng mamamayan kung
tunay bang kaisa ang lider sa paghahangad ng pagbabago.
SANGGUNIAN
Warbletoncouncil. (2021).
Retrived from https://tl.warbletoncouncil.org/rasgos-de-
personalidad-lider-3580

You might also like