You are on page 1of 7

Mga Tayutay

Isa pang uri ng matatalinhagang


pagpapahayag kung saan sadyang
lumalayo ang nagpapahayag sa
karaniwang paraan ng pagsasalita
upang higit na mapaganda o
mabigyang halina ang isinusulat o
sinasabi.
MGA URI NG TAYUTAY

1. Pagtutulad (simili)


Paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay na ginagamitan ng
mga pariralang kutulad ng, gaya ng, at
iba pa.
Hal.
Ang digmaan ay tulad ng halimaw na
sumisira sa bawat madaanan.
2. Pagwawangis (Metapora)
Naghahambing din ito tulad ng
pagtutulad ngunit ito ay tiyakang
naghahambing at hindi gumagamit
ng pariralang tulad ng, gaya ng, at
iba pa.
Hal.
Ang digmaan ay maitim na usok
ng kamatayan.
3. Pagmamalabis (hyperbole)
Lubhang pinalalabis o
pinakukulang ang tunay na
kalagayan ng tao, bagay, o
pangyayari.
Hal.
Bumaha ng dugo sa nangyaring
digmaan.
4.Pagbibigay-Katauhan
(Personification)
Pagbibigay katangian ng isang tao
sa isang bagay na walang buhay.
Hal.
Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may
tanikala.
5.Pagpapalit-saklaw
(Synechdoche)
Pagpapahayag sa pamamagitan ng
pagbanggit sa bahagi bilang
pagtukoy sa kabuoan.
Hal.
Maraming puso ang nadurog sa
kalagayan ng mga batang
nabiktima ng digmaan.
Limang pinto ang pinasok ng
magnanakaw
6. Pagtawag ( Apostrophe)

• Isang Panawagan o pakiusap sa isang bagay na


tila ito isang tao na warin kaharap ngunit wala
naman.

• Halimbawa :

• 1. O Tukso, Layuan mo ako!


• 2. Kamatayan, Nasaan ka na? Wakasan mo
na ang aking kapighatian.
• 3. Araw sumikat ka na at tuyuin ang luhang
dala ng kapighatian.
• 4. Diyos ko, tulungan mo po kami.

You might also like