You are on page 1of 7

BAYOK

Presentasyong inihanda ni: Cabase, Mary Grace


Ano nga ba ang bayok?

■ Ang bayok ay isang tradisyon ng mga MARANAO.


Ito ay tula na inaawit sa mabilis na tempo.
■ ang bayok ay isa ring uri ng tulang tagisan ng
karunungan o joustic poetry ng mga Maranaw. Hawig
ito sa mga anyo at estilo sa duplo at balagtasan ng mga
Tagalog, balak ng mga Cebuano at bikal ng mga
Waray.
■ ito’y isang pagtatalong patula ng mga Maranaw na nilalahukan ng isang
lalaki at isang babae na binabayaran ng salapi o kasangkapan pagkatapos
ng palabas.
■ Ang mga kasali rito ay dapat na mahusay sa berso sapagkat ang kaunting
pagkakamali sa pagkakagamit o pagpili ng salita ay maaring humantong
sa mainitang sagutan.
■ Sa ganitong pagkakataon, ito ay maaaring maging dahilan ng pagaaway
ng mga pami-pamilya.
■ Ang mga salaysay ng bayok ay halaw sa Darangan, ang epikong-bayan ng mga
Maranaw na tumatalakay sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga bayaning sina
Bantugen, Indarapatra, at Sulayman
■ Nakapaloob ito sa kanilang buhay dahil inaawit sa kanilang karaniwang gawain, gaya
ng pagpapahayag ng pag-ibig para sa magkasintahan, o kaya sa paghehele ng ina sa
kaniyang sanggol. Bukod pa rito, may mga bayok rin na nagpapapahayag ng tamang
asal at kaugalian o kaya nama’y pagpaparatang sa kasamaan ng tao.
■ Maaaring uriin sa dalawa ang mga nagtatanghal ng bayok: pababaiok ang tawag sa
lalaki samantalang onor naman ang babae
■ Ang paksa ay laging may layuning parangalan ang okasyon o pagdiriwang, magpugay
sa ilang mga natatanging indibidwal o kaya naman ay talakayin ang ilang mahahalagang
punto ukol sa isang ideang pilosopiko. Impromptu ang paglikha ng mga berso para sa
mga kalahok
■ Mula sa tradisyon ng bayok, naisilang ang Sining Kambayoka, isang samahang
panteatro sa Marawi na siyang naglinang ng bayok at kambayoka bilang mga anyong
pandulaan.
Mga Katanungan

■ Ano ang bayok?


■ Saan nahahalaw ang mga salaysay ng bayok?
■ Ano ang dalawang uri ng nagtatanghal ng bayok?
■ Ito ay isang samahang panteatro sa Marawi na siyang naglinang ng bayok at kambayoka
bilang mga anyong pandulaan.
■ Bakit sinasabi na nakapaloob ang bayok sa buhay ng mga Maranao?
Sagot

■ Ang bayok ay isang tradisyon ng mga MARANAO. Ito ay tula na inaawit sa mabilis na
tempo.
■ Ang mga salaysay ng bayok ay halaw sa Darangan
■ Maaaring uriin sa dalawa ang mga nagtatanghal ng bayok: pababaiok ang tawag sa
lalaki samantalang onor naman ang babae
■ Mula sa tradisyon ng bayok, naisilang ang Sining Kambayoka
■ Nakapaloob ito sa kanilang buhay dahil inaawit sa kanilang karaniwang gawain, gaya
ng pagpapahayag ng pag-ibig para sa magkasintahan, o kaya sa paghehele ng ina sa
kaniyang sanggol

You might also like