You are on page 1of 13

ARALIN 2: ANG TUNGKULIN NG

NAGDALAGA AT NAGBIBINATA
ARALIN 2: ANG TUNGKULIN NG
NAGDALAGA AT NAGBIBINATA
 Layuning Pampagkatuto:

 Naiuugnay ang mga gampanin bilang kabataan sa pagkakaroon ng


positibing pananaw sa sarili;
 Natutukoy ang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga o nagbibinata;
 Natataya ang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng mga
tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata;
 Napatutunayan na ang pang-unawa sa mga tungkulin sa sarili at
bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya,
media consumer, at tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan
upang maging mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na
yugto ng buhay; at
 Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng
mga tungkulin sa bawat gampanin.
 Maraming kabataan ngayon ang aktibo sa pagsisimula at
pagtulong sa mga gawaing magpapaunlad sa lipunan. Sa
panig naman ng mga nakakatanda, nagtitiwala sila sa
kakayahan ng mga kabataan. Wala silang pasubaling iatang
ang mahahalagang tungkulin sa balikat ng kabataan.
Sinusuklian naman ng kabataan ang pagtitiwalaang ito ng
mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagpapamalas ng
kasiglahan, kasipagan, at pagsisikap na magampanan ang
lahat. Naipakikita nila ang tunay na diwa ng paggawa at
pakikisangkot sa mga kapaki-pakinabang na gawain. Sa
halip na maging pasanin ng lipunan, sila ang
nakapagbibigay ng malaking tulong sa kaunlaran at
pagsulong ng bayan.
MGA TUNGKULIN NG NAGDADALAGA
AT NAGBIBINATA
1. Tungkulin sa sarili
2. Tungkulin bilang anak
3. Tungkulin bilang mag-aaral
4. Tungkulin bilang mamamayan
5. Tungkulin bilang mananampalataya
6. Tungkulin bilang media consumer
7. Tungkulin bilang tagapangalaga ng
kalikasan
Tungkulin sa sarili
 Ang pagtupad ng tungkulin sa sarili ay
nagbibigay-daan upang makamit ang
tunay na kalayaan para sa iyong sarili. Sa
pamamagitan nito ay nagagawa mong
magkaroon ng kamalayan sa sarili at sa
kapwa
Tungkulin bilang anak
 Bilang isang anak, tungkulin mong
pasayahin ang iyong magulang. Bilang
isang anak, nararapat lamang na gawin mo
ang lahat ng iyong makakaya upang
maabot mo ang iyong pangarap na
magdudulot ng kasiyahan at pagmamalaki
sa iyong magulang.
Tungkulin bilang mag-aaral
 Kung ikaw ay nag-aaral sa isang paaralan, kolehiyo, o
unibersidad na binibigyan ng subsidiya ng
pamahalaan, alalahanin mon a ang mga taong
nagbabayad ng buwis ay may kontribusyon sa iyong
pag aaral. Nararapat lamang na mag-aral ka nang
Mabuti upang hindi masayang ang pagkakataon na
ibinigay sa iyo. Sa pamamagitan ng edukasyon na
iyong makkamit, makatutulong ka sa iyong pamilya at
makapaglilingkod sa bayan balang-araw.
Tungkulin bilang mamamayan
 Tungkulinmong linangin ang mga birtud
ng kooperasyon, paggalang sa karapatan ng
iba, at pakikibahagi sa mga gawaing
pampamayanan. Tungkulin mo ring
pangalagaan ang kapakana ng iyong bansa.
Tungkulin bilang mananampalataya
Bilang nilalang ng Diyos, tungkulin
mong pagtibayin ang iyong
pananampalataya sa Kanya at maging
instrument ng kapayapaan sa
mundong ito.
Tungkulin bilang media consumer
 Bilang isang media consumer, tungkulin mong
maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita at
naririnig sa iba’t ibang midya. Ang mga maling
impormasyon na iyong Nakita o narinig ay huwag
nang ipakalat pa sa iba. Maging aktibo at kritikal sa
pamamagitan ng pagrereport ng mga maling
impormasyon sa anumang midya.
Tungkulin bilang tagapangalaga ng
kalikasan
 Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, narito ang ilan
sa iyong mga tungkulin sa ating kalikasan.
a. Pangalagaan ang likas na yaman sa pamamagitan ng
recycling, regeneration, at restoration.
b. Iwasan ang pagkakalat. Maging masinop.
c. Gamitin ang mga bagay o yaman ng kalikasan sa
tamang paraan.
d. Huwag maging tagaambag dumi.
e. Sikaping bumuo ng programang
pangkalikasan.
Pagsasabuhay
Paano mo gagampanan ang
mga tungkulin bilang isang
nagdadalaga o nagbibinata?

You might also like