Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit
ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga,
makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Pagtutulad (Simile)
• Paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay,
pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp. Pagtutulad (Simile)
a. Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.
b. Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin Pagwawangis (Metaphor)
• Isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng
mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo atbp. Pagwawangis (Metaphor)
a. Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas
ng buhay. b. Si Eugene ay isang ibong humanap ng kalayaan. Pagtatao (Personification)
• Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa
bagay na walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito. Pagtatao (Personification)
a. Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo.
b. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap. Eksaherasyon (Hyperbole)
• Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at
kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp. Eksaherasyon (Hyperbole)
a. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.
b. Nabutas ang bambam ng tainga ni Popot dahil sa ingay. Paguyam (Sarcasm)
• Ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay, tila
kapuri-puring pangungusap ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pag-uyam. Paguyam (Sarcasm)
a. Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo
ng mga taghiyawat. b. Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog maghapon. Paglilipat-saklaw (Synecdoche)
• Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang
katapat ng kabuuan. Paglilipat-saklaw (Synecdoche)
a. Hiningi ni Carl ang kamay ng dalaga.
b. Sampung kamay ang nagtulung-tulong sa pag- aararo. Pagtawag (Apostrophe)
• Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang
nakikipag- usap sa isang buhay na tao. Pagtawag (Apostrophe)
a. O, tukso layuan mo ako.
b. Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na sa mga problema. Tambisan (Antithesis)
• Pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa
kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita. Tambisan (Antithesis)
a. Siya ay isang taong sala sa init,sala sa lamig ayaw ng
tahimik ayaw rin ng magulo,nayayamot sa mayaman at nayayamot din sa mangmang,isang nakalilitong nilalang. Paghihimig (Onomatopoeia)
• Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa pamamagitan ng
tunog o himig ng mga salita. Paghihimig (Onomatopoeia)
a. Dumagundong ang malakas na kulog na sinun dan ng
pagguhit ng matatalim na kidlat b. Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak. Pag-uulit (Alliteration)
• Ito ay gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng
dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap. Pag-uulit (Alliteration)
a. Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang
napakabilis na pagpapasyang nakalikha ng pagkabalisa sa pusong umiibig. b. Lumingap si Romy sa kapaligiran, lumakad ng ilang hakbang, lumingon sa pinanggalingan at nagdudumaling lumabas sa lumang gusaing mahabang panahon ding naging bilangguan ng kanyang yayat na katawan.