You are on page 1of 48

Mga Katotohanan sa likod ng mga

Pangyayari

*Unang Sigaw ng Paghihimagsik


*Unang Labanan ng mga Pilipino’t
Kastila
*Dahilan ng Alitan ni Bonifacio at
Aguinaldo
*Dahil sa Halalan ang pagsama ng
Loob ni Bonifacio
*Dinakip si Andres at ang Kapatid nya
*Hinuwad na Lagda
*Hinatulang Barilin ang Magkapatid
 Ang unang Sigaw ng
Paghihimagsik ay nangyari, hindi
sa pook na kinalalagyan ngayon ng
monumento sa Balintawak, kundi sa
Kangkong. Nangyari ito noong ika
25 ng Agosto ng 1896, ayon na rin sa
patunay ng Balo ni Andres
Bonifacio . . .
Dahil sa si Rizal at iba pang
matatalino ng panahong iyon, kabilang
na rin pati si Mabini, ay hindi
kasangayon at kasalungat ng
paghihimagsik, sa matuwid na hindi pa
nahahanda ang bayan para sa ganitong
gawain na ipinalalagay nilang lubhang
mapa-nganib
kaya sina Andres Bonifacio
at Emilio Jacinto ay umisip ng
mabuting paraan upang
maipagpatuloy at huwag
manglamig ang inihanda nilang
paghihimagsik
- ginawa nila ay
ipinangalat na kasabuwat ng Katipunan
ang lalong mga litaw na maginoo at
ma-yayaman sa Maynila, at upang
manibulos sa paniniwala ang bayan,
- ang ginawa pa nila’y lihim
na ipinagsuplong ang mga
mayayamang ito sa mga may
kapangyarihan at nang ipadakip na at
ipabaril ng mga kastila ang mga
nasabing marurunong at mga
mayayaman na kinabibilangan nina
Don Francisco Roxas at iba pa, at ang
iba naman ay ipinatapon,
- tulad nina Luis Yangko at
iba pa, ay lumakas ang loob ng
marami at pati ng mga nag -
aalanganin sa paghihimagsik ay
nakisama na kina Andres
Bonifacio at Emilio Jacinto.
Ang may kagagawan nito ay si
Emilio Jacinto at kaya naman
ginawa  ang gayon ay upang
maipagtagumpay  ang
paghihimagsik, hindi kailangang
puhunanin ang buhay ng ilang ma-
rurunong at mayayaman, yamang
and kalahatan naman ay siyang
makikinabang at mapapabuti.
Unang Labanan ng mga Pilipino’t
Kastila

Ang mga unang labanan ng


mga kastila at ng mga maghihi-
magsik ay nangyari sa Balintawak,
San Juan, Rizal, Pateros,
Mandaluyong, Santa Mesa, at San
Mateo.
Kung hindi man nag-tagumpay
ang mga manghihimagsik sa mga
unang pakikilaban ay naging sanhi
naman ito upang ang Katipunan ay
lumaganap sa iba’t ibang dako,
kabilang na ang Kabite at iba pang
kalapit lalawigan.
Nang magtatapos ang taong
1896 ay dumating sa Kabite si
Andres Bonifacio, bilang
pagbibigay loob sa anyaya nina
heneral Artemio Ricarte at
Mariano Alvarez
. Nang dumating na si Andres
Bonifacio, ang lalawigan ng
Kabite ay nahahati sa dalawang
pangkat, na ang isa’y kilala sa
tawag na Magdiwang na siyang
kina-bibilangan ni Andres
Bonifacio .
pinangunguluhan ni
heneral Mariano Alvarez na
tinawag na “Virey” o
pangalawang hari, na sumasakop
sa mga bayan ng Nobeleta, San
Francisco de Malabon, Indang,
Mendez Nuiiez, Alfonso, Bailen,
Marigundong, Ternate, Naik,
at Salinas at ang isang pangkat
ay tinatawag namang Sangguniang
Magdalo at ang nasasakop ay ang
mga bayan ng Kawit, Imus,
Bakood, Perez Dasmarifias,
Karmona, Silang at Amadeo.
Dahil sa Halalan ang Pagsama ng Loob
ni Bonifacio
Nang makuha ng mga kastila ang
Silang at dahil sa walang awang
pananampalasan ng mga kastila, ang
bayan ay humingi ng pagkakaisa dahil sa
ang mga manghihimagsik ay nahahati nga
sa dalawang pangkat na ang isa’y kilala sa
tawag na Sangguniang Magdiwang at ang
isa’y Sangguniang Magdalo.
Si Jacinto Lum-breras ay
siyang tumawag ng pulong upang
pag-isahin na lamang ang
dalawang pangkat na nasabi at
humirang ng mga magsisi-pamuno
sa Pamahalaan ng Himagsikan.
Sa pulong ay si Jacinto
Lumbreras ang unang nangulo, at
pagkatapos, nang gagawin na ang
halalan ay si Andres Bonifacio ang
pinapangulo at kalihim naman si
“Vibora” (Heneral Artemio
Ricarte).
Bago maghalalan ay
nagsalita si Andres Bonifacio at
hiniling sa kalahatan na
sinomang mahalal ay dapat
kilalanin at igalang.
Nang gawin ang halalan ay si Hen.
Emilio Aguinaldo ang nagwagi, noo’y
hindi kaharap sa pulong, laban kay
Andres Bonifacio at Mariano Trias.

Nang gawin naman ang


paghahalal ng pangalawang pang-ulo ay
si Hen. Mariano Trias ang nagtagumpay
laban kina Andres Bonifacio, Severino de
las Alas at Mariano Alvarez.
Sa pagpili ng Kapitan Heneral ay
si heneral Artemio Ricarte ang nahirang laban
kay Heneral Santiago Alvarez.

Ang nahirang na maging Direktor


de Guerra ay si Heneral Emiliano Riego de
Dios laban kina Ariston Villanueva, Daniel
Tria Tirona at Santiago Alvarez.
Dahil sa malalim na ang gabi ay
dinaan na lang sa pagtata-yuan ang
paghirang sa Sekretario del Interior at
ang nagwagi ay si Andres Bonifacio
laban kina Mariano Alvarez at Pascual
Alvarez.
Dito nagsimula ang gulo pagka’t si
Daniel Tria Tirona ay tumindig at tumutol
sa pagkakahalal kay Andres Bonifacio, sa
matuwid na mayroong ilang may lalong
kakayahan sa gayong tungkulin at ito’y si
Jose del Rosario ng Kabite, kilalang
mana-nanggol.
Dinamdam ni Andres Bonifacio ang
nangyaring pagta-wad sa kanyang
kakayahan kaya’t ipinagunitang hindi lahat
ng mga nahalal ay may kakayahan o
matatalino at sinabi pa rin na bago
maghalalan ay pinagkaisahan nila na sino
mang lumabas ay kanilang kikilalanin at
igagalang.
Dahil sa si Daniel Tria
Tirona ay patuloy rin sa pagtutol
kaya’t sa yamot ni Andres
Bonifacio ay iniwan ang pulong,
kasama ng iba niyang mga kabig at
sinabi sa kalahatan na pinawawalan
niya ng kabuluhan ang kinalabasan
ng halalan
.
Sa sama ng loob ni Andres
Bonifacio ay inisip na patuluyang
humiwalay sa bagong kahihirang
na pangkalahatang pamunuan ng
Himagsikan, sa paraang magtatag
ng bagong pamahalaan.
Si Heneral Pio del Pilar
ay kinausap ni Andres Bonifacio
at inalok na siyang gagawing
Heneralisimo o punong
pangkalahatan ng Hukbong
Naghihimagsik na sinangayunan
naman.
Nang isasa-gawa na lamang  ang bagay na
ito  o  ang pagpipisan ng hukbo sa ilalim ng
pamumuno ni Heneral Pio del Pilar ay hindi
mala-man kung bakit si Heneral del Pilar ay
nagbago ng loob.
Dumulog siya kay Heneral Emilio
Aguinaldo at ipinagsumbong ang tangka ni
Andres Bonifacio, kaya’t ang ginawa naman
ni Heneral Aguinaldo ay nag-utos na sundan at
ipadakip si Andres Bonifacio, pati ng mga
kabig.
Ako ang inaatasan sana upang
dumakip kay Andres Bonifacio at sa
kanyang mga kabig, nguni’t dahil sa
pagkakaroon ko noon ng karamdaman,
gawa ng isang daplis na tama ng punglo
sa aking ulo na noo’y hindi pa
gumagaling, ay sina Koronel Agapito
Bonson, Jose Ignacio Pawa at Felipe To-
pacio ang nagsitupad sa mabigat na
gawaing ito.
Inabutan nila si Andres
Bonifacio sa Pasong Limbon,
munisipio ng Indang, at doo’y
nagkalaban, na ang naging wakas
ay ang pagkakapatay sa isang
kapatid ni Andres Bonifacio na si
Ciriaco, at ang mga kawal naman ni
Andres Bonifacio
at ang mga kawal naman ni
Andres Bonifacio ay nakapatay
ng isang sarhento sa mga
nagsisiusig na taga Imus at
nagngangalang Antero. Nang
mangyari ito ay ika 28 ng Abril
ng 1897.
Dinakip si Andres Bonifacio at ang
Kapatid Niya 
Umagang-umaga ng ika 29 ng
Abril nang idating sa Naik, ang
magkapatid na Bonifacio, na ang
Andres ay nakaduyan at may sugat
sa liig at ang Procopio ay wala ni
gurlis sa katawan.
Nag-kataon naman na
noo’y may tinanggap na balitang
sasalakayin ng mga kastila ang bayan ng
Naik kaya’t ang ginawa ni Heneral
Emilio Aguinaldo ay ipinadala sa
Marigundong ang magkapatid na
Andres at Procopio Bonifacio, kasama
ang asawa ni Andres na si Ginang
Gregoria de Jesus, na natatanurang
mabuti ng mga kawal na sandatahan.
Pagdating sa Marigundong ay
nagtatag ng isang Sangguniang Digma na
pinangunguluhan ni General Ma­riano
Noriel at siyang naatasang gumawa ng
paglilitis.
Si Placido Martinez ang naging
tagapagtanggol ni Andres Bonifacio at sa
kanyang kapatid na Procopio ay si
Teodoro Gonzales. Ang piskal ay si Jose
Elises at ang “Juez Instructor” ay si
Koronel Pedro Lipana.
Hinuwad ang Lagda ni Heneral
Pantaleon Garcia 
Kung paanong ang pangalan ko’y
napasangkot sa bagay na ito na
ipinalalagay na siyang parang  “Juez 
Instructor”  at pati ng lagda ko’y
hinuwaran upang gamitin sa ilang
kasulatan na tunay na wala akong
anomang kinalaman, ay siyang hindi
mawari
Kung ito’y kagagawang sarili
ni Pedro Lipana na siyang tunay
na “Juez Instructor” ay siyang
hindi ko rin mabatid, gayon din
naman kung ang pagkakasagawa
niya nito ay may nag-utos sa
kanya na isang punong
makapangyarihan.
Nang ilathala ni G.
Teodoro M. Kalaw ang sipi ng
mga kasulatang ito ay gumawa
ako ng makailang pagpapabulaan
sa mga pahayagan at
ang ibig ko’y magpaliwanag ang
mga nabubuhay pang may
kinalaman sa mahiwagang
pagkakapatay sa magkapatid na
Andres at Procopio Bonifacio,
nguni’t wala namang magkaroon
ng lakas ng loob na maglahad o
magsiwalat ng buong katotohanan,
kaya’t ako’y lalong
naniniwala ngayon na ang
pagkakapatay sa
magkapatid na Andres at
Procopio Bonifacio ay tunay
na nababalot ng malaking
hiwaga.
Dahil dito, ang ating
masisipag na mananalaysay ay
dapat mag-sikap sa pagtuklas ng
boong katotohanan at nang ang
bayan ay hindi maligaw ng landas,
yamang sa kasaysayan ay
walang dapat mapasulat kundi ang
tunay na nangyari, na wika nga ni
Andres Bonifacio ay dapat katakutan
pagka’t sa kasaysayan ay walang
nalilihim.
Hinatulang Barilin ang
Magkapatid na Bonifacio

Ang naging hatol ng


Sangguniang Digma ay barilin ang mag­
kapatid na Andres at Procopio
Bonifacio at ang kapasiyahang ito ay
inilipat sa kamay ni Heneral Emilio
Aguinaldo upang lagdaan.
Noon naman, ang bayan ng
Marigundong ay pinasimu-lan
namang salakayin ng mga kastila
hanggang sa kaming lahat ay
naitaboy hanggang sa kabundukan,
kaya’t hindi ko na nalaman kung ano
ang nangyari sa magkapatid na
Bonifacio
at nang ma-karaan ang isang
linggo ay saka ko nabalitaan na
binaril ang magkapatid na
Bonifacio ng mga kawal na
pinamumunuan ni Koronel Lazaro
Makapagal.
Nabalitaan ko rin naman na ang
asawa ni Andres Bonifacio, si Ginang
Gregoria de Jesus, ay lumapit kay Heneral
Aguinaldo upang ihingi ng kapatawaran ang
Andres

at ang Procopio, nguni’t ang


kaawawang babae ay hindi man lamang
kinausap at pinagpakitaan ni Heneral
Aguinaldo.
Kailangang isiwalat sa
mga talang ito ang sa mula’t
mula pa ay hindi mabuting
pagkakaunawaan ni Andres
Bonifacio at ni Heneral Emilio
Aguinaldo.
Si Heneral Aguinaldo ay
binibin-tangan ng Andres na
nakikipag-ututang dila sa mga kastila
at ang Aguinaldo ay may gayon ding
hinala sa Andres.
Bago nangyari ang halalan sa
Tejeros ay napatibayan ang
kanilang hindi pagkakasundo
pagka’t tuwing sasalakayin ng
mga kastila ang mga lupaing
sakop ng Sangguniang Magdalo,
nang makaraan ang isang
linggo ay saka ko nabalitaan na
binaril ang magkapatid na
Bonifacio ng mga kawal na
pinamumunuan ni Koronel Lazaro
Makapagal.

You might also like