You are on page 1of 23

Paghahambin

Ito ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay


nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang
paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang
bagay na pinaghahambing.
Dalawang Uri ng
Paghahambing
1. Paghahambing na
magkatulad

-ginagamit ito kung ang dalawang


pinaghahambing ay may patas na
katangian o naglalarawan ng mga
katangiang kapwa taglay ng mga
salitang inilalarawan.
Ginagamitan ito ng mga panlaping:
Kasing-, kasin-, kasim-,
sing,magsing- at magkasing- o
kaya ay ng mga salitang gaya,tulad,
paris, kapwa, kawangis, at pareho.
HALIMBAWA:
Magsingdami ang bilang
ng populasyon sa Pilipinas
at Indonesia.

Ang bilang ng populasyon


sa Pilipinas ay tulad ng
bilang ng populasyon sa
Singapore.
HALIMBAWA:
Kapwa magagandang ugali ang
paggamit ng po at opo sa
pakikipag-usap sa mga
nakatatanda.
Kasing-amo ng anghel ang
mukha ng batang mabait.
2. Paghahambing na di-
magkatulad

-ginagamit ito kung ang


pinaghahambing ay may
magkaibang katangian. May
dalawang uri ito:
Palamang

-nakahihigit sa katangian ang isa


sa dalawang pinaghahambing.
-gumagamit ito ng salitang higit,
labis,lalo, mas, di-hamak.
HALIMBAWA:
1. Higit na maligaya ang
pamilyang nagkakaisa
kaysa sa magkakaaway.

2. Di-hamak na gwapo at
matalino ang nobyo ko sa
nobyo niya.
Pasahol
-kulang sa katangian ang isa sa
dalawang pinaghahambing.
-Ginagamit ang di-gaano, di-gasino,
di-masyado at di-lubha.
HALIMBAWA:
Di-lubhang masikip ang mga
tao noon sa Maynila hindi
tulad ngayon.

Di-gaanong mataas ang halaga ng


piso na tulad ng dolyar.
Sariwa ang hangin na
humihihip sa karagatan. Mas
masarap ang pakiramdam ko
ngayon kaysa noong nakaraang
buwan. Kapansin-pansin din ang
tubig na umaalon sa dagat na
maituturing kong kasinglinaw ng
kristal.
Di-gasino mang maingay
dito, wala man ang ingay na
matagal ko nang kinagisnan,
alam kong masasanay rin
ako.
Naalala ko tuloy ang pook na
pinasyalan namin ni inay noong bata pa
ako. Magkasingganda ang pook na iyon
at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon.
Simputi rin ng bulak ang buhangin doon.

Sanggunian: K12 Teacher’s Guide

 
EBALWASYON

You might also like