You are on page 1of 10

Mga Antas ng Wika

Ano-ano nga ba ang mga antas ng wika?

  PAMPANITIKAN

  PAMBANSA

 
LALAWIGANIN
     

KOLOKYAL

BALBAL
Balbal- pinakamababang antas ng
wika. Wikang ginagamit ng mga
impormal na usapan.

Halimbawa nito ay junakis (anak),


mudra (ina), tsikot (kotse), at iba pa.
Kolokyal- mga salitang kinaltasan upang
mapadali ang pagsasalita.

Halimbawa kelan (kailan), tenga (tainga),


meron (mayroon), at iba pa.
Lalawiganin- mga salitang ginagamit sa
mga probinsiya.

Halimbawa ay dinengdeng, manong,


manang, vakul, tinalak, inabel, pinakbet, at
iba pa.
Pambansa- mga salitang ginagamit sa
mga aklat, sa mga korespondesiya at sa
mga pahayagan.

Halimbawa nito ay ina, ama, kapatid,


pamahalaan, at iba pa.
Pampanitikan - mga salitang ginagamit sa
panitikan. Ito ay mga salitang malalalim,
mabubulaklak at matatalinghagang mga
salita. Halimbawa ay katali ng pusod, kahati
ng puso, namamangka ng dalawang ilog, at
iba pa.
Panuto: Tukuyin kung aling katangian ng wika ang ipinapahiwatig
sa bawat aytem.
Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

A. may masistemang balangkas G. komunikasyon

B. sinasalitang tunog H. nakabuhol sa kultura


C. pinipili at isinasaayos I. malikhain
D. arbitraryo J. natatangi
E. pantao
F. nagbabago o dinamiko
1. May mga salitang hindi mahanapan ng katapat na salita sa isang wika.
2. Ang lahat ng tao sa daigdig ay gumagamit ng wika upang makipag-ugnayan sa isa’t isa.
3.Ang bawat titik sa Alpabeto ay may kaniya-kaniyang kumakatawang tunog.
4.Maraming mga salitang umuusbong na ginagamit ngayon ng mga kabataan.
5.Nakapaloob sa wika ang kakayahan at kakanyahan nitong makalikha ng mga walang hanggang mga
pangungusap.
6.Lahat ng wika ay may estrukturang sinusunod at ito ang batayan upang makapaghatid ng mensahe.
7.Ang tao ay kayang matuto ng dalawa o higit pang mga wika bagay na hindi kayang gawin ng mga hayop.
8.Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon tayo ng kamalayan ukol sa pamumuhay, saloobin, at tradisyon ng
mga taong gumagamit nito.
9. Sa paglipas ng panahon may mga salitang nagbabago ang kahulugan batay sa pagkakagamit nito ng mga
tao.
10. Ito ay katangian ng wika na nagpapakita ng proseso ng pakikipagpalitan ng mga opinyon, mensahe, o
idea.
H
G
B
F
I
E
H
F
G
C

You might also like