You are on page 1of 5

Sa mga mapanuring taga-pakinig / isang makasaysayang araw sa ating lahat.

Ako po si Loren Grace P. Castillo/ na naglalayong ipaabot sa inyo ang aking


talumpati.

Agawan sa Kalayaan
• Patuloy na tumitindi ang agawan sa teritoryo / sa West Philippine
Sea sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Kamakailan lang ay umusbong
muli ang agawan / dahil sa pambobomba ng Tsina / sa bangka ng
Pilipinas na patungong sa Ayungin Shoal. Pilit na iginiit ng Tsina na
pagmamay-ari nila ang isla sa West Philippine Sea / kaya patuloy
silang namamalagi sa teritoryo ng Pilipinas / kahit na ang desisyon
ng Permanent Court of Arbitration / na pag-aari ng Pilipinas ang mga
ito. Namamalagi pa rin sa ating teritoryo ang mga barko ng tsina sa /
kabila ng desisyong nabanggit.
• Ang mga mamamayan sa mga nasabing Isla / ay nahihirapan sa
sitwasyonng ito / dahil hindi sila makapangisda / sa kadahilanang
papalapit pa lamang sila / ay itinataboy na sila ng mga malalaking
barko ng Tsina. Dahil dito, apektado ang kanilang hanap buhay at
hirap sila sa kanilang mga pangangailangan. Ang dagat sa West
Philippine Sea ay mayaman sa mga yamang dagat / kung kaya lalong
gustong angkinin ng Tsina ang mga ito.
• Ayon sa mga nabasa kong datos / nagtayo na ang Tsina ng Artificial
Island sa ating teritoryo. Kamakailan nga ay pinaalis na ng Tsina ang
lumang barko ng Pilipinas, ang “sierra Madre” na base ng Pilipinas
sa West Philippine Sea. Dagdag pa rito ang dalawang piloto na
niradyo ng Tsina na lumalagpas na sila sa eritoryo ng Pilipinas. Si
Senador Ping Lacson din na pumunta sa Pag-asa Island ay
nakatanggap ng text message na “Welcome to China” kamakailan /
• sa kabila nito, / para sa akin ay dapat pa rin nating ipaglaban ang
ating teritoryo / kahit pa ang tsina ay isang malaking bansa na may
mas malalaking barko kaysa sa atin. Sa tingin ko ay kakayanin nating
mabawi kung ano ang atin kasama ang suporta ng ibang mga bansa.

You might also like