You are on page 1of 29

Filipino sa piling

larang - akademik
PAGSULAT NG
POSISYONG
PAPEL
PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN PAMPAGKATUTO:

Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon


sa pangangailangan.
CS_FA11/12PU-0p-r-95

MGA TIYAK NA LAYUNIN:


1. Nakatutukoy ng mga dapat tandaan sa pagsulat ng
sulating nangangatwiran.
2. Nakasusulat ng isang organisado at
nakapanghihikayat na posisyong papel.
3. Nakasusulat ng isang posisyong papel na may
batayang pananaliksik ayon sa paksa nito.
Ating TUKLASIN:
ANONG ALAM MO?

May alam ka ba tungkol sa


posisyong papel? Buuin mo
ngayon ang isang concept map
gamit ang mga impormasyong
alam mo na tungkol sa
posisyong papel.
CONCEPT MAP:
1. ______

POSISYON
G PAPEL

3.
2. ______ ______
Mahalagang katangian ng
tao ang pagkakaroon ng
matatag na PANININDIGAN.
Ang pagsulat ng
POSISYONG PAPEL ay isang
paraan ng upang ipahayag
ang PANININDIGAN.
Ating ALAMIN:

ANO BA ANG
POSISYONG
PAPEL?
Ang posisyong papel
ay kagaya ng debate na naglalayong
ipakita ang katotohanan at katibayan
ng isang tiyak na isyung kadalasan ay
napapanahon at nagdudulot ng
magkakaibang pananaw sa karamihan
depende sa persepsiyon ng mga tao.
Ang posisyong papel

Isa itong sanaysay na naglalahad ng


opinyon na naninindigan hinggil sa
isang mahalagang isyu patungkol
sa batas, akademiya, politika, at iba
pang mga larangan.
Ang posisyong papel

Isa rin itong agham na kinapapalooban


ng mga katibayang kinalap sa
pamamagitan ng pananaliksik.
LAYUNIN
NG POSISYONG
PAPEL
Ang layunin ng posisyong papel

 ay maglahad ng mga argumentong


makaiimpluwensiya sa pananaw o
paniniwala ng mga mambabasa.
Sa lohika, ang argumento
 ay pahayag na ginagamit upang
manghikayat at mang-impluwensiya ng iba
o upang ipaliwanag ang mga dahilan sa
pagkiling sa isang posisyon.
- Kailangang pag-aralang mabuti ang pagbuo ng mga argumento
at ang organisasyon ng papel.

- Kailangang alam din ang mga argumento ng kabilang panig. Ito


ay upang mapabulaanan ang mga ito o mapahina ang kanilang
bisa.
KATANGIAN
NG POSISYONG
PAPEL
1. Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at
ipinaliliwanag ang basehan sa likod nito;

2. Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na


nagbibigay ng matibay na pundasyon sa mga inilalatag na
argumento;

3. Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang


kabilang panig;

4. Gumagamit ng mga sangguniang mapagkatiwalaan at may


awtoridad;
5. Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at
kahinaan ng sariling posisyon maging ang sa kabilang
panig;

6. Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring


solusyon at nagmumungkahi ng mga maaaring gawin
upang matamo ang layunin; at

7. Gumagamit ng akademikong lengguwahe.


PAGSULAT
NG POSISYONG
PAPEL
MGA BAHAGI
NG POSISYONG
PAPEL
MGA HAKBANG
SA PAGSULAT
NG POSISYONG
PAPEL
1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso at nakaaantig ng
iyong interes.

2. Magsagawa ng paunang pananaliksik tungkol sa napiling


paksa upang malaman mo kung may sapat bang ebidensya na
maaari mong magamit tungkol dito.

3. Bumuo ng thesis statement na naglalahad ng pangunahin o


sentrong ideya ng posisyong papel na iyong gagawin.

4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong thesis statement o


posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
Mga uri ng sangguniang maaaring gamitin:
 Talatinigan
 Ensayklopedya
 Handbooks
 Aklat
 ulat ng pamahalaan
 dyornal na pang-akademiko
 pahayagan
 magasin
 sangay ng pamahalaan at mga organisasyon/samahan

Dalawang uri ng ebidensya:

Mga Katunayan – ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay
nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama.
Mga Opinyon- pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan
kundi sa ipinalalagay lamang na totoo.
6. Buuin ang balangkas ng posisyong papel pagkatapos ay maaari mo nang isulat
ang kabuuang sipi nito. Narito ang pormat na maaaring gamitin.

I. Panimula – paglalahad ng paksa, maikling pagpapaliwanag at


kahalagahan nito.
II. Paglalahad ng mga Argumentong Tumututol o Kumokontra
(Counterargument) - paglalahad ng mga kailangang impormasyon para
mapasubalian o mapatunayang mali ang mga counterargument na inilahad.
III. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu -
paglalahad ng iyong mga punto o posisyon gamit ang mga patunay at
ebidensya na hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
IV. Kongklusyon – paglalahad muli ng iyong argumento at pagbibigay ng
plano ng gawain na makatutulong sa pagpapabuti ng isyu.
Kailangan ding isaalang-alang ang etika ng bubuoing
posisyong papel.

Iwasan ang pag-atake sa katauhan ng sinumang may


salungat na opinyon. Ang gawaing ito ay tanda ng
kawalan ng respeto at pagkakaroon ng mahinang
argumento.

Maging lohikal at magtuon lamang sa isyu. Maghain ng


mga argumentong sinusuportahan ng mga ebidensiya at
iwasang baluktutin ang impormasyon.
Bilang estudyante, ano ang
nakikita mong
kahalagahan ng pagsulat
ng posisyong papel?
MAHALAGANG
PAGKATUTO
Bahagi ng buhay bilang estudyante ang pagsulat ng
posisyong papel. Ang pagsulat ng posisyong papel ay
pagsasanay sa mapanuring pag-iisip. Sa
pamamagitan nito ay namumulat tayo kung ano ang
tama o mali, o kung ano ang karapat-dapat o di-
karapat-dapat sa mundong ginagalawan natin. Ang
pagsulat nito ay isang paraan ng pakikisangkot at
pagpapahayag ng paninindigan. Bilang
mamamayan, kailangang manindigan upang
maituwid ang mga baluktot na kaayusan sa lipunan.

You might also like