Bilang Wikang Pambansa Panahon ng Rebolusyong Pilipino Sa panahon pa lamang ng Rebolusyong Pilipino ay mayroon nang unang hakbang tungo sa pagbuo ng isang wikang pambansa. Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano Aralin 4: Mga Konseptong Pangwika Dayalek Ang dayalek ay ang pagbabago ng isang wika batay sa heograpikal na kondisyon ng isang lugar. Maaaring nagbabago ito sa tono ng pananalita, impit o diin ng ilang salita, o kaya sa mga salitang kakaiba. Ang salitang dayalek ay mula sa dalawang kataga: dia- na nangangahulugang "mula sa iba't ibang lugar" at lect na nangangahulugang tiyak na anyo ng wika. Pansinin ang pagkakaroon ng pagkakaiba ng dalawang dayalek ng Tagalog, mula sa magkaibang probinsyang Bulacan at Batangas: Sosyolek
Ang sosyolek ay tumutukoy sa uri ng wika na
nagbabago dahil sa katangiang panlipunan. Mula sa dalawang salita ang sosyolek: socio- na nangangahulugang lipunan at lect na nangangahulugang tiyak na anyo ng wika. May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa sosyolek. Idyolek Ang idyolek ay ang indibidwal na paggamit ng wika. Nagmula sa dalawang salita ang idyolek: idio- na ngangahulugang sarili at lect na nangangahulugang tiyak na anyo ng wika. Katulad ng thumbmark nating mga tao at ang guhit ng mga zebra sa kanilang balat, walang dalawang tao na may iisang idyolek. Halimbawa, ang kambal, kahit na lumaki sa iisang pamilya, may parehong kaibigan, at pareho ang pinasukang paaralan ay magkaiba pa rin ang paggamit ng wika dahil hindi iisa ang pamamaraan at pagproseso ng bawat utak sa mga nakikitang bagay. Dayalek, Sosyolek, at Idyolek sa Modernong Teknolohiya Dayalek Sosyolek Idyolek Isang halimbawa upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng tao sa wika ay sa pamamagitan ng text messaging. Halimbawa, sa nais itanong na "nasaan ka na?" ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pag-text sa mensaheng ito. Idyolek Gawain 2: 1. Suriin at ipaliwanag iba’t ibang yugto sa kasaysayan ng wikang Filipino. 2. Isa-isahin ang mga personalidad na may malaking ambag sa pagkakaroon ng wikang Pambansa at ibigay ang kanilang mga nagawa para sa wika. 3. Ano-ano ang iba’t ibang konseptong pangwika? Ipaliwanag. 4. Batay sa iyong naoobserbahan, paano ipinapakita ang mga konseptong pangwika sa telebisyon at modernong teknolohiya?