You are on page 1of 16

Pandiwa- Ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng

kilos o galaw.
Pokus ng Pandiwa- Tawag sa relasyong
ng pandiwa sa simuno.
Pokus sa Tagaganap
(Aktor)

Ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng


kilos.
Magagamit ang mga panlaping -um -mag -ma -
an -han
Pananda ng pokus o paksa ang si/sina at ang
Halimbawa:
a.Naglalakbay si Psyche patungo sa tahanan ng mga diyos.
b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
Pokus sa Layon
(Gol)

Ang pokus ay nasa pokus layon kung ang pinag-


uusapan ang siyang layon ng pangungusap.
Ginangamit na panalapi sa pandiwa ang –in,/-hin
-an/-han, -ma, -paki, -ipa
 Ang pananda ay ang
Halimbawa:
a.Kinuha ni Psyche ang gintong balahibo ng tupa.
Ang ginamit sa pangungusap ay kinuha na tumutukoy sa paksang
ang gintong balahibo ng tupa. Ito ay nasa pokus ng layon at
gumagamit ng panandang ang.
Pokus sa Tagatanggap
(Benepaktibo)

Ang paksa ng pangungusap ay ang tumatanggap o


ipinaglalaanan ng kilos na ipinapahiwatig ng
pandiwa.
Pokus ng Pinaglalaanan
Sumasagot sa tanong na para kanino?
Halimbawa:
a. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.

Ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay ipinagluto na


tumutukoy sa paksang kami. Ito ay nasa pokus sa
Tagatanggap dahil ang paksa o tinutukoy ng pandiwa ang
siyang tatanngap sa kilos.
Pokus sa Kagamitan
(Instrumental)

Ang kasangkapan o ang gamit ang paksa ng


pangungusap upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa.
Pokus sa Gamit
Sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng
ano?”
Halimbawa:
a. Ipapantarak niya ang punyal sa mahal na
asawa.

Ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay


ipantatarak na tumutokoy sa paksang ang punyal
Gamit ng
Pandiwa

1 . Aksiyon – May aksiyon ang pandiwa kapag may


aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos.Mabubuo ang
pandiwang ito sa mga panlaping : -um, -mag, -ma,
-mang, -maki, -mag-an
Mga Halimbawa:
a.Naglalakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga
diyos.
b.Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.

Pandiwa : Naglalakbay , Tumalima


Aktor: Si Bugan , Si Psyche
2. Karanasan – Nagpapahayag ng karanasan ang
pandiwa kapag may damdamin.Dahil ditto, may
nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng
pandiwa.
Mga Halimbawa:
a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.
b. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang
nagyari.

Pandiwa: Tumawa, nalungkot


Aktor: Si Bumabbaker, ang lahat
3.Pangyayari – Ang pandiwa ay resulta ng isang
pangyayari. Maaring kapwa may actor at damdamin
ang pandiwa.
Mga Halimbawa:
a. Sumasaya ang mukha ni Venus dahil sa nakikita niya sa
paligid.
b. Nalunod ang mga tao dahil sa matinding baha.

Pandiwa: Sumasaya , Nalunod


Resulta: Nakita niya sa paligid ,isang matinding baha

You might also like