You are on page 1of 18

HELE NG INA SA

KANIYANG PANGANAY
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles
ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
PAGKILALA SA MAY AKDA

Si Jack H. Driberg ay naging parte ng


Uganda Protectorate noong 1912 at Ang nag udyok sakanya upang isulat ito
nagsilbi sa Anglo-Egyptian Sudan. ay ang kaniyang magagandang karanasan
Isinulat niya ang The Lango: A Nilotic habang naroon sa lugar na iyon. Ang
kaniyang mga karanasan ang naging
Tribe of Uganda noong 1923. Habang inspirasyon upang maisulat ang “The
nasa Uganda Protectorate, siya ay Lango: A Nilotic Tribe of Uganda.
namuhay kasama ng mga Langi sa
Uganda at naisulat niya ang The
Lango: A Nilotic Tribe of Uganda. Ito
ay tungkol sa Etnograpiya patungkol sa
mga Langi kagaya lamang ng mga
diksyonaro, pabula at iba pa. 2
1
URI NG PANITIKAN

3
URI NG PANITIKAN

Ipinakikita sa tula ang isang tula na isinasagawa sa bagong sila na sanggol


ang tula na ito ay nag mula sa isang tribo na napuntahan ng may akda. Ang
tula mayroong malayang taludturan. Gumamit ng kultura ang manunulat
kung saan ang mga kababaihan noon sa tribong Lango o Didinga ng Uganda
ay lumikha ng mga tula na kanilang inaawit. Ito ay mga matatamis at
magigiliw na pananalita. Inuulit-ulit ito pampaamo sa anak at para ipahayag
ang pagmamahal ng isang ina para sa kaniyang anak. Nakaugalian na ito ng
mga kababaihan, naniniwalang ang kanilang mga anak o supling ay tila
imortalidad ng kanilang mga magulang.

4
URI NG PANITIKAN

Ang paggamit ng angkop at matatalinhagang salita ay nakatulong din sa


pagpapaganda ng tula. Ito ay nakakapukaw ng damdamin ng mambabasa .
Nakapupukaw ito dahil dito natin nakikita kung paano pinahahalagahan ng
bawat ina ang kanilang mga anak, nakikita rin kung gaano nila ka-mahal ang
kanilang mga anak.

5
2
LAYUNIN NG AKDA

6
LAYUNIN NG AKDA

▰ Isa sa layunin nito ay ang makita ng mundo ang


tradisyon o kultura sa isang bansa katulad ng
ginawa ng may akda. Ang akda ay nagpapakita ng
pagpapahalaga ng isang ina sa kanyang anak at ang
wagas na pagmamahal at kahalagahan ng buhay ng
isang tao mga ekspektasyon at hinahangad ng kani
kanilang magulang.
7
3
PAGLALAPAT NG
TEORYANG
PAMPANITIKAN
8
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN

▰ Mailalapat ang TEORYANG KLASISMO sa tula. Ito ay


naghahayag na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos
sapagkat ito ay may bisa sa pagyayabong ng kaisipan ng tao. Kaya
Klasismo sapagkat iyong tula na iyon lumipas man ang panahon
hindi makakalimutan sapagkat hindi kumukupas ang pagmamahal
ng isang ina sa kanyang anak katulad ng nasa tula at maraming ina
na nangangarap sa kanyang anak na katulad ng tula na ito.
Malaking tulong din ito sa mga magulang puwede itong maging
gabay sa buhay sa pagpapalaki ng kanilang anak at pagiging ina
sa isang anak. 9
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN

▰ Maari ding mailapat ang TEORYANG HUMANISMO at


TEORYANG REALISMO. Humanismo sapagkat
naipapakita na tao ang sentro ng tula na ito. Realismo
sapagkat naoagiiwanan na ang mga tribong ganito dahil sa
mga kultura at tradisyon nila, ngunit wala tayong magagawa
roon sapagkat ito ang kanilang paniniwala , kultura ,
tradisyon.

10
4
TEMA O PAKSA NG
AKDA
11
TEMA O PAKSA NG AKDA

▰ Ang tema ng tula ay ang mga sumusunod: pagpapahalaga sa


anak, wagas na pagmamahal ng ina, kultura ng isang lugar,
paano nabubuhay ang isang tribo, pagsasakripisyo ng mga
magulang sa anak at ang kagandahan ng kultura sa bawat
bansa.

12
MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA

▰ Ginamit ng may akda ang unang panauhan upang mas


maintindihan at maramdaman ng mga mambabasa ang
damdamin ng persona at pahalagahan ang pagmamahal at
sakripisyo ng isang ina.
▰ Naging makulay at malikhain ang paglalarawan ng tauhan sa
tula.Naging masining ang pagpapakilala sa tauhan dahil ito ay
makatotohanan
13
TAGPUAN/PANAHON

▰ Nasabi sa tula na sa paglalakbay ng may akda sa Lango siya ay


naimpluwensiyahan mula sa kanyang mga karanasan dito at
masasabing ang tagpuan ay makatotohanan. Nakita sa tula ang
iba't ibang kultura ng isang tribo na mas nakatulong upang mas
maintindihan ng mambabasa ang panahon at tagpuan ng tula

14
NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

▰ Kapag binasa mo ang tula, mapapansin mo agad ang aruga at


pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak. Kapag sinuri mo
pa ito mapapagtanto mo na hindi lamang ito isang tula upang
awitin ng ina para sa kaniyang anak mapapansin mo na ito ay
tula na inaawit upang maipahayag ang mga nais, buong pusong
pagmamahal, pagpapahalaga, sakripisyong kayang ibigay ng
magulang at pagpapaamo ng Ina sa kaniyang anak.

15
NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

▰ Ang mga pangyayari sa tula ay makatotohanan sapagkat, ito


ay tunay na karanasan ng may akda. Ito ay kultura at tradisyon
ng isang tribo sa Africa na napuntahan ng manunulat.
Isinasagawa ito ng isang Ina upang mabigyang halaga ang
bawat aspeto ng buhay ng kaniyang anak na bagong silang.

16

BUOD
17
Ang tula ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina
sa kaniyang anak. Ipinakikita dito na
napakahalaga ang maingat na pagpili sa pangalan
sa isang anak ng isang miyembro ng isang tribo.
Nagpapakita rin ito ng mga pangarap ng isang ina
para sa kaniyang anak, panghuhula nito sa
magandang kinabukasan at ang maaaring
positibong dulot nito sa kaniyang mga magulang
18

You might also like