You are on page 1of 9

Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan ang pagpapahalaga sa katotohanan sa

pamamagitan ng pagsusuri ng iyong mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa at


mga napanood. Maaari mo ba akong tulungang matukoy kung alin sa mga sumusunod
na impormasyon ang may katotohanan at wala?
Sa iyong palagay, ano ang ginagawa ng babaeng nasa larawan?
Ano ang tawag ninyo sa babasahing hawak ng babae?
Nagbabasa ba kayo ng dyaryo
o magasin?
Ano-ano ang nilalaman ng
dyaryo at magasin?
“Mga Pinagkukunang Impormasyon”
Kasanayan sa pagbabasa ugaliin natin tuwina; Nang pahayaga’t magasin,
gayundin ang lathalain. Kung may nais malaman, mga bagong kaalaman, Ang
radyo at telebisyon palagi nating pakinggan. Siyempre pa sa pagtuklas ng
katotohanan, at marubdod na pananaliksik ang kinakailangan. Sa tulong ng
internet isang pindot mo lamang, makikita mong lahat ang iyong kailangan.
Ngunit sa paggamit ng ganitong mga kagamitan, Mahalaga ang pagtuklas sa
katotohanan. Sa mga makukuha mong iba’t ibang kaalaman, maging mapanuri,
upang di-malihis ng daan. Malalaswang panoorin patuloy na lumalaganap, Mga
blogsite sa internet na pornograpiya ang makakalap, Mga larong mararahas,
mahu-hook ka sa isang iglap, Di mo namamalayan, masamang epekto ang
iyong nasagap. Kaya kaibigan, Kaisipa’y palawakin. Maging mapagmatyag,
mensahe’y timbangin. Impormasyonn at teknolohiya ay biyaya sa atin, kaya
ating pagyamanin at ‘wag abusuhin.
Isa-isahin ang magagandang dulot na makukuha sa
iba’t ibang pinagkukunang impormasyon, tulad ng
dyaryo at magasin.
1.
2.
3.
4.
5.
Ipaliwanag.
Ano-ano ang mabuting epekto
naibibigay sa atin ng mga balitang
naririnig, nababasa sa dyaryo at
napapanood sa telebisyon?
Ano-anong klaseng balita o
palabas ang kailangan
ninyong panoorin o
pakinggan?
Paano nakabubuti ang pagbabasa ng
dyaryo o magasin?
Paano ito nakakasama?
Iguhit ang hugis puso kung ang sitwasyon ay nakabubuti at
hugis tatsulok kung hindi nakabubuti.
______1. Ang pagbabasa ng dyaryo araw-araw ay ugaliin.
_______2. Magbasa ng magasin araw-araw para
masubaybayan ang paborito mong artista.
_______3. Binabasa ni Aeron sa dyaryo ang kanyang
horoscope araw-araw.
_______4. Ang mga bata ay isinasantabi ang pagbabasa ng
dyaryo.
_______5. Magbasa ng Dyaryo upang mas lumawak at
malaman ang mga bagong balita.

You might also like