You are on page 1of 5

S OS Y O L E K

ANO ANG KAHULUGAN


SOSYOLEK?
• Sinasabing nababatid ang katayuan ng isang tao ayon sa
wikang kaniyang ginagamit. Ganito ang konsepto ng
barayiti ng wika na ‘sosyolek.’

• Napapaloob sa barayiting sosyolek ang paraan ng


paggamit ng mga salita ayon sa kanilang personalidad,
edad, katayuang socio-ekonomiko, kasarian, maging
pinaniniwalaan sa buhay.
• Karaniwang ginagamit ang sosyolek nang pansamantala
lamang, at hindi talaga malaking bahagi ng pamumuhay ng
tao.

• Nag-iiba lamang daw kasi ang paggamit natin sa wika,


depende kung sino ang kausap natin.

• Inaayon ito sa kung sino ang kaharap at kung may


kapasidad ba itong intindihin ang wikang gagamitin.
MGA HALIMBAWA NG SOSYOLEK
•Wikang bekimon/ gay linggo: “Ang chaka naman ng fez ng
jowabels mo.” (Ang pangit naman ng mukha ng kasintahan mo)

•Wikang balbal/ kalye: “Lakas ng amats ko sa nomo natin kagabi.


Galit si mudra ko at senglot na naman!” (Ang lakas ng tama ko sa
ininom natin kagabi. Nagalit ang nanay ko at lasing na naman ako)

•Wikang conyo: “OMG! Lakas naman the rain. And there is a baha
na out there. So yuck talaga!” (Ang lakas naman ng ulan at baha na
sa labas. Nakakadiri talaga!)
KAHALAGAHAN NG
SOSYOLEK
• Karaniwang nagiging paksa ng mga usapin at pagtatalo ang mga
kakaibang wikang ginagamit sa mga pag-uusap.

• Maihahanay ang wika bilang pormal at di pormal. Kapag gumagamit ng


di pormal na wika, ay madalas na nagkakaroon ng di pagkakaunawaan at
diskriminasyon at sinasabing mas mababang uri ito.

• Gayunman, para sa mga nag-aaral ng wika, sa paggamit ng mga salita,


lahat ay pantay-pantay at nagkakaroon ng kalayaan ang bawat uri at
antas na gamitin ang mga salitang mas malaya nilang maipapahayag ang
kanilang mga sarili.

You might also like