You are on page 1of 25

FILIPINO

FILIPINO SA
PILING
LARANGAN-
AKADEMIK

GNG. GLENNA MAY J. RAGANAS


TALUMPATI
Ang pagtatalumpati ay isang proseso o
paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan
sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang
particular na paksa.

Ito ay karaniwang isinusulat upang bigkasin


sa harap ng mga tagapakinig.
3 BAHAGI NG TALUMPATI
1. Introduksyon

Ito ang pinakapanimula ng talumpati. Sa bahaging


ito ay inihanda ng tagapagsalita ang mga tagapakinig
para sa paksa. Kaya nararapat lamang na
nakapupukaw sa interes ng mga tagapakinig ang
gagawing panimula na may kaugnayan sa nilalaman
ng paksa.
3 BAHAGI NG TALUMPATI
2. Katawan

Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati. Dito


tinatalakay ang mahalagang punto o kaisipan tungkol
sa paksa. Kailangan ang katawan ng talumpati ay
magtataglay ng kawastuhan, kalinawan at maging
kaakit-akit.
3 BAHAGI NG TALUMPATI
3. Kongklusyon

Sa bahaging ito ay nilalagom ang mga patunay at


argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.
Karaniwang maikling lamang ngunit malaman. Dito ay
maaaring ilagay ang pinakamatibay na paliwanag
upang mapakilos ang mga tao ayon sa layunin ng
talumpati.
APAT NA URI
NG 1.

TALUMPATI
2.

3.

4.
APAT NA URI
Biglaang Talumpati
NG
TALUMPATI
Maluwag na Talumpati

Manuskrito

Isinaulong Talumpati
Biglaang Talumpati

Ang talumpating ito ay ibinibigay


nang biglaan o walang paghahanda.

Kaagad na ibinibigay ang paksa sa


oras ng pagsasalita.
Maluwag na Talumpati

Sa maluwag na talumpati, nagbibigay ng


ilang minuto para sa pagbuo ng
ipahahayag na kaisipan batay sa paksang
ibinigay bago ito ipahayag.
Manuskrito

Ang talumpating ito ay ginagamit sa


mga kumbensiyon, seminar, o
programa sa pagsasaliksik kaya pinag-
aaralan itong mabuti at dapat na
nakasulat.
Isinaulong Talumpati

Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat


ito ay mahusay ding pinag-aralan at
hinabi nang maayos bago bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig.
MGA URI NG TALUMPATI AYUN SA LAYUNIN

• Talumpating Nagbibigay ng
Impormasyon o Kabatiran
• Talumpating Panlibang
• Talumpating Pampasigla
• Talumpating Panghikayat
• Talumpati ng pagbibigay-galang
• Talumpati ng Papuri
1. Talumpating Nagbibigay ng
Impormasyon o Kabatiran

Ang layunin ng talumpating ito ay


ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa
isang paksa, isyu, o pangyayari.
2. Talumpating Panlibang

Layunin ng talumpating ito na magbigay


ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kaya
naman sa pagsulat nito, kailangang
lahukan ito ng mga birong nakatatawa na
may kaugnayan sa paksang tinatalakay.
3. Talumpating Pampasigla

Layunin ng talumpating ito na magbigay


ng inspirasyon sa mga nakikinig. Sa
pagsulat nito, tiyaking ang nilalaman nito
ay makapupukaw at
makapagpapsigla sa damdamin at isipan
ng mga tao.
4. Talumpating Panghikayat

Pangunahing layunin ng talumpating ito


na hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang paniniwala ng
mananalumpati sa pamamagitan
ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.
5. Talumpati ng pagbibigay-galang

Layunin ng talumpating ito na tanggapin


ang bagong kasapi ng samahan o
organisasyon.
6. Talumpati ng Papuri

Talumpati sa pagkilala sa
isang taong namatay (eulogy), talumpati sa
paggawad sa isang medalya o sertipiko ng pagkilala
sa isang tao o samahang
nakapag-ambag nang malaki sa isang samahan o sa
lipunan, at iba
pang kagaya ng mga ito.
Hakbang sa Mahusay na Pagtatalumpati:
1. Pagdedevelop ng paksa
2. Pag-oorganisa sa bahaging isasama
3. Pagtuklas at paggamit ng mga sumusuportang materyales
4. Pagsisimula
5. Pagwawakas
6. Pagpapraktis
7. Pagdedeliver ng talumpati
Anong uri ng talumpati ang
iyong natunghayan?
Anong uri ng talumpati
ito ayon sa layunin?
Anong mensahe ang nais
ipahiwatig ng talumpati?
Panuto:
Mag-isip ng paksa at gawan ito ng isang
talumpati. Isaalang-alang ang mga uri nito ayon
sa layunin.

Sauluhin ang talumpating isinulat. Bibigkasin ito


sa klase isa-isa.

You might also like