You are on page 1of 5

Hesus ng Aking Buhay

Sikat ng umaga buhos ng ulan

Simoy ng dapithapon sinag ng buwan

Batis na malinaw dagat na bughaw

Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay


Saan man ako bumaling Ika’y naroon

Tumalikod man sa'Yo dakilang pag-ibig Mo

Sa akin tatawag at magpapaalalang

Ako'y 'Yong ginigiliw

At s'yang itatapat sa puso


Tinig ng kaibigan oyayi ng ina

Pangarap ng ulila bisig ng dukha

Ilaw ng may takot ginhawa ng aba

Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay


Saan man ako bumaling

Ika'y naroon tumalikod man sa'Yo dakilang pag-ibig Mo

Sa akin tatawag at magpapaalalang

Ako'y 'Yong ginigiliw

At siyang itatapat sa puso

At siyang itatapat sa puso

You might also like