You are on page 1of 115

Akademikong Sulatin

sa pilingf lara
Ano ang
Akademiko
ng sulatin?

Ang akademikong sulatin ay isang uri ng


pagsulat na kung saan ito ay naglalaman ng
mga mahahalagang impormasyon, ito ay
ginagamit upang maibahagi nila ang
kanilang mga nalalaman sa ibang tao. Ito ay
nakabatay sa personal na buhay o di kaya
pang – akademiks at intelektwal ng
pangunahing tauhan.
Mga uri ng
Akademikong
Sulatin:
ABSTRAK
Ang kahulugan ng abstrak ay paglalahad ng problema o
suliranin, metolohiya, at resulta ng pananaliksik na
isinagawa. Dito rin nakasaad ang konklusyon at
rekomendasyon ng pananaliksik. Ang abstrak ay isang
maikling buod ng isang artikulo, ulat, pag-aaral, at
pananaliksik na makikita bago ang introduksiyon.
“Persepsyon ng mga kalalakihang
may edad 18-60 sa Poblacion,
Zamboanguita Hinggil sa Epekto
ng Paggamit ng Illegal na Droga”
f
Ang layunin ng pananaliksik na ito upang malaman ang
persepsyon ng mga kalalakihan na may edad 18-60 sa Poblacion,
Zamboanguita at upang maiwasan ang paggamit ng illegal na droga at
epekto ng droga sa aspetong sosyal, espiritwal, mental, pisikal at
sosyal ng tao.
Ang mananaliksik ay gumamit ng qualitative research.
Mayroong 52 respondente, 13 kada-purok. Ang pananaliksik na ito ay
gumamit ng talatanungan upang kumalap ng impormasyon. Ang
Poblacion, Zamboanguita ang napiling lugar ng mga mananaliksik
upang pagbasehan ng survey.
Base sa impormasyong nakalap, karamihan sa mga respondent
ay may edad 16-20 at sila ay mga manggagawa. Sila ay pamilyar sa
shabu at sila ay sumang-ayon na ang illegal na droga ay
makakaapekto sa pisikal, sosyal, mental at pisikal na aspeto ng isang
tao.
Bionote

Ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat


na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong tao na
kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat.
Ito rin ay isang nakapagtuturong talata na
nagpapahayag ng mga katangian ng manunulat
at ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal.
Mga Bahagi Nito

Bionote
Personal na impormasyon – mga pinagmulan, ang
edad, ang buhay kabataan hanggang sa
kasalukuyan
Ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat
na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong tao na
Kaligirang pang-edukasyon
kadalasang – ang paaralan,
inilalakip sa kaniyang ang
mga naisulat.
digri
Ito rinataykarangalan
isang nakapagtuturong talata na
nagpapahayag ng mga katangian ng manunulat
Ambag
at sa larangang
ang kaniyang kinabibilangan
kredibilidad – ang kanyang
bilang propesyonal.
kontribusyon at adbokasiya
Ang bionote
ni Gelly
Elegio Akuino
Gelly Elegio Akuino
Siya ay nagtapos bilang Valedictorian sa Surallah
National Agricultural School sa Surallah, South
Cotabato sa taong 1979.Taong 1986, natapos niya ang
kursong Bachelor of Science in Education
– History sa Mindanao State University sa General
Santos City bilang Cum Laude at Master of Arts in
Education – Educational Management sa Notre Dame of
Marbel University, Koronadal City sa taong 1979. Siya
ang may-akda ng Sanayang Aklat Sa
Filipino I, III, IV – Edisyon BEC at
pamahayagang
II, aklat sa Inglesna Campus
Journalism in the New Generation. Siya rin ay
tagapanayam sa pamahayagan at teatrong sining.
Ginawaran siya ng parangal bilang Academic
Ang talumpati ay ang pormal na pagtalakay
ng isang paksa para sa mga tagapakinig.
Dagdag pa rito, ito ay isang uri ng
komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa at ito ay
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Ninoy: Tunay nga bang Bayani?
Katulad ng isang actor nabago sumalang sa
entablado ay dapat saulo niyan ang kanyang gagawin at
linya ay dapat alamin natin ang kasaysayan maging ang
kaliit-liitang detalye nito. Sabi nga ng iba, “Sometimes we
have to take a look at a bigger picture.” Ilang dekada na
ba ng lumipas? Ilangpangyayari na ba ang naitala sa
kasaysayan at ilang usapin na baa ng resolba? Mula sa
ating kabataan, tinuruan tayo kung gaano ka dakila si
Ninoy Aquino ngunit sapat na ba ito para tawagin o
bansagan siyang bayani?
Sa estado ng kasaysayan ng bansa, masasabi natin na sa dating
pangulong Ferdinand Marcos ang kinikilalang kontrabida at si Ninoy
naman ang dakilang bayani. Ayon kay Cecilio Arillo kinakailangang
malaman ng mamamayang Pilipino ang katotohanan tungkol sa kanya,
hindi lang ang kanyang kadakilaan kundi pati na rin ang mga detalyeng
matagal ng itinago ng panahon. Sinasabing alam ni Aquino ang planong
pagbomba ng communist leader na si Jose Maria Sison sa Plaza Miranda
noong 1971. Dagdag pa nito, sa nasabing meeting de avance – tinawagan
ni Aquino ang kanyang kapartido para hindi dumalo sa naturang
paghihimok. Ang pangyayaring ito ay kumitil sa buhay ng mga Pilipino.
Ang naturang pagbomba ay inimbestigahan ng Blue Ribbon Committee
noong 1988 pero hindi natapos ngunit sa pagbukas muli ng kasong ito
noong 1989, napag-alamang hindi kasabwat ang mga Marcos sa naturang
krimen. Paano nagiging bayani ang isang tao kung isa siya sa mga
dahilan kung bakit mamatay ang mga Pilipino? Isa pa, bakit hanggang
ngayon ay hindi pa nareresolba ang kasong ito na dalawang kapamilya
na ni Ninoy ang naging Presidente?
Katulad ng actor sa enteblado kailangan nating
mapag-alaman ang mga pangyayari sa kuwento
ng ating kasaysayan. Kung magiging bayani
man ang isang tao kailangan niya ng kakayahan
na hindi ipahamak ang bansa? Bilang isang
mag-aaral hindi ko makokonsidera na
kabayanihan ang ginawqa ni Benigno Simeon
Aquino Jr.
Ang sintesis at buod ay halos magkasing-kahulugan na
mga salita na tumutukoy sa paglalagom ng mga ideya sa
isang sulatin o kaya sa iba pang mga gawain, gaya ng
programa, talakayan, o diskusyon. Subalit, sa kabilang
banda, magkaiba ito sa gamit. Ang sintesis ay ang
pagsasama-sama ng iba’t ibang ideya o mga
mahahalagang punto, habang ang buod ay ang simpleng
pagsusuma ng mga napag-usapan o naisulat.
.
Si Ah Boy ay isinilang sa isang mahirap na pamilya. Araw-
araw, bago siya pumasok sa eskwela ay naghahatid muna siya ng
mga pahayagan kung kaya’t nahuhuli siya sa klase. Binubully man
siya ng kanyang mga kaklase pero hindi niya ito pinapansin.
Hanggang sa nakakita siya ng oportunidad na sumali sa
isang paligsahan. Sa kabila ng panliliit sa kanya ng mga kaklase,
hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang pagsali. Gusto ni
Ah Boy na bilhin ang “sports shoes” na kanyang nakita ngunit
hindi sapat ang kanyang naipon upang bilhin ang naturang
sapatos. Sa pagnananis na mabili ang sapatos, nagtrabaho siya sa
kainan at nabili niya ito.
Sa kasamaang palad, nawala ang sapatos dahil sa ginawa ng
kanyang tatlong kaklase. Nanlumo si Ah Boy at umiyak, nagsisi
kung bakit siya ipinanganak sa isang mahirap na pamilya. Lingid sa
kaalaman, bago namatay ang kanyang ama ay nag-iwan ito ng
isang “sports shoes”. Ipinanalo niya ang paligsahan at nakatanggap
ng tropeo at 500 RM gamit ang sapatos ng nasirang ama.
REPLEKTIBONG
SANAYSAY
Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng
sulating pampanitikan na isang uri tuluyan
o prosa. Ito ay nangangailangan ng sariling
opinyon o perspektibo tungkol sa isang
paksa. Dahil hindi ito pormal na sulatin,
maaaring maging masining ang tagasulat
sa kanyang mga pananaw at damdamin.
My Beautiful
Woman
“She is no beautiful nor outstanding, but the
smile she has for Jane makes her the most beautiful
woman.” Ito ang linyang nagpapatunay sa
kagandahang loob ni Jane. Hindi nasusukat ang
kagandahan ng kanyang kalooban. Ang kanyang
kabutihan ang natatangi sa lahat.
Sa ating paglalakbay sa mundong ito,
marami na tayong nakasalamuha. Lahat sila ay
may iba’t ibang kwento sa buhay kaya’t hindi tayo
maaring maghusga sa kanila. Si Jane ay isang
karaniwang mag-aaral. Bagama’t hinuhusgahan
hindi niya iniinda ang mga kuwentong naririnig. Si
June, siya ang batang nagbibigay sa kanya ng
isang magandang ngiti .
Ang batang kanyang inalagaan at isinalba sa
isang basurahan. Ang batang kanyang
kinupkop at binihisa, pinakain at pinag-aral,
inaruga at minahal. Mga luhang pumatak sa
mga matang puno ng pagmamahal. Mga
matang nangungusap at ngiting hindi naluluma
ng panahon galling sa isang babaeng walang
hinahad kundi kapakanan ng isang walang
kamuwang-muwang na sanggol.
Hapon iyon ng madatnan ko ang aking
kaibigan na nakatingala sa kalawakan na
malamim ang iniisip. Nilapitan ko siya at
nagtanong kung ano ang problema. Sinabi niya
na may nakasalamuha siyang isang matanda na
edad apat na taon. Una, inakala niya na
kukutyain niya ang matanda pero taliwas
ang ginawa ng bataat sa halip ay
binigyan niya ito ng tinapay.
May mga pagkakataong inakala
natin na ang isang tao ay napakasama
pero may mga taong nagtatago ng
kabutihan sa kanilang puso. Mga taong
nagmamalasakit sa kapwa. Mga taong
may magandang kalooban na halos
balewalain ang sariling kapakanan at
unahin ang kapwa. May mga taong
katulad ni Jane na may busilak na puso.
Ito ay koleksisyon ng mga larawang maingat na
inayos upang maglahad ng pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular
na konsepto, o magpahayag ng damdamin.
“Bangungot na Dala ng Illegal Logging”

Ang illegal logging ay isa sa mga hamon na kinakaharap ng bansa ngayon. Ang
mistulang paraiso ay naglalaho na parang bula kasabay ng mga pagbabagong dala
ng panahon. Ang dating tahanan ngayon ay wala ng kabuhay-buhay.
Dahil dito, hindi na bago ang baha kung dumating man ang bagyo. Baha na halos lunurin ang mga gusaling
matayog na nakatayo. Isang bangungot kung magpapatulay ang pagiging iresponsable ng mga tao na mas
pini;ing putulinang kahoy dahil sa mga pabrikang itatayo.
LAKBAY SANAYSAY
Ang lakbay sanaysay ay tumutukoy sa sanaysay
kung saan ang ideya ay nanggagaling sa mga
lugar na pinuntahan o nilakbayan. Ito ay
naglalarawan ng damdamin ng isang tao
patungkol sa mga naranasan at natuklasan
niya sa isang lugar. Bukod sa lugar, inilalahad
din dito ang mga tradisyon, kultura,
hanapbuhay at uri ng mga tao.
“Tunay na Paraiso”
Hindi ko pa rin mawari ang kasiyahan dulot ng
pagpunta ko sa Siquijor. Hindi lamang ang tiyan ko ang
busog pati na rin ang aking mga mata. Mga matang
nakakita ng mga magagandang tanawin. Mga matang
saksi sa biyaya ng Maykapal. Tanawin – isa sa mga
pinakamagandang obra maestro ng Poong Maykapal.
Ramdam na ramdam ko ang paglapat ng tubig alat sa aking balat
sa Paliton Beach sa San Juan. Ang mga nagtatayuang puno ng “palm
trees” ay dumaragdag sa kagandahang taglay. Ang mga pinong-pino at
putting buhangin ay tila nag-aanyayang gumawa ng “sand castle”.
Hindi naman nagpapahuli ang Salagdoong Beach na kilala sa kanilang
diving platforms na may mga rock formation sa ilalim. Ang
kagandahan sa ilalim ng karagatan ang nagpapatunay kung gaano ka-
diverse ang bansa.
Cantabon Cave, hindi lamang ito kilala sa “tourist
visiting” kundi isa ito sa pinakamaganda na kuweba sa
Pilipinas. Kahit mahirap ang pagpasok sa loob, hindi
mapapalitan nito ang kagandahang itinataglay ng
kuwebang ito. Aang Century ld Balete Tree ay nasa Brgy.
Campalanas. May mga nagagandahang “hanging vines and
roots”. Pinaniniwalaan na may engkanto ang kahoy na ito.
Sunod naming pinuntahan ang Dagsa Restobar. Ito ay
nasa San Juan Siquijor. Ang lugar na ito ay dinaragsa at diandayo
ng mga turista. Ang lugar na ito ay dinaragsa at dinadayo ng
mga turista. ang kanilang "ambiance” ay nakakapag-relaks sa
iyong isipan. Isa sa mga natatanging menu nila ay ang Boodle
Menu. Ang isiniserve nila ay karaniwang seafoods na sakto sa
apat hanggang lima ka tao. May mga acoustic music din sila
tuwing lunes at Huwebes.
Ang last naman ay sa SMylen Dream Coconut Products.
Kahanga-hanga ang paggawa nila ng naturang produkto.
Matatagpuan ito sa Candapang, Maria Siquijor. Gumagawa sila ng
virgin coconut oil at ito ay manually. Ang ibang parte ng niyog ay
ginagamit nila sa iba pang produkto kaya tinatawag silang eco-
friendly.
Tunay ngang kahanga-hanga ang kagandahang hatid ng
kalikasan. Napatunay ito sa isa sa mga isla sa Pilipinas – ito ay ang
Siquijor.
Layuin at kahalagahan
ng
pagsulat
Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat
Ayon kay Royo , na nasulat sa aklat ni Dr.
Eriberto Astorga ,Jr. na Pagbasa , Pagsulat at
Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong
ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at
isipan ng tao. Sa pamamagitan nito,
naipahahayag niya ang kanyang damdamin,
mithiin ,pangarap , agam-agam, bungang-isip
at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat ,
nakikilala ng tao ang kanyang sarili,ang
kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak
at tayog ng kanyang isipan ,at ang mga naaabot
ng kanyang kamalayan
Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat
Ayon naman kay Mabilin ,sa kanyang aklat na
Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong
Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng
pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi.
Una ,ito ay maaaring personal o ekspresibo kung
saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa
pansariling pananaw,karanasan,naiisip o nadarama
ng manunulat.Ang ganitong paraan ng pagsulat ay
maaaring magdulot sa bumabasa ng
kasiyahan,kalungkutan , pagkatakot
, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat.
Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Pangalawa, ito ay maaari namang maging


panlipunan o sosyal kung saan ang layunin
ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang
tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang
tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay
transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay
ang pagsulat ng liham ,balita ,
pananaliksik ,sulating panteknikal ,tesis,
disertasyon at iba pa.
Sa pangkalahatan, narito ang
kahalagahan o ang mga benepisyo
na maaaring makuha sa pagsusulat.

1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng


mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga
datos na kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
Sa pangkalahatan, narito ang
kahalagahan o ang mga benepisyo
na maaaring makuha sa pagsusulat.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa
mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat
batay sa mga nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa
matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap
ng mga materyales at mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat.
Sa pangkalahatan, narito ang
kahalagahan o ang mga benepisyo
na maaaring makuha sa pagsusulat.

5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga


bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong
makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.

6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at


pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at
akademikong pagsisikap.
Sa pangkalahatan, narito ang
kahalagahan o ang mga benepisyo
na maaaring makuha sa pagsusulat.

7. Malilinang ang kasanayan sa


pangangalap ng mga impormasyong mula
sa iba’tibang batis ng kaalaman para sa
akademikong pagsusulat.
PAN
GKA
T
GAW NG A
A IN
Panuto. PAGBUO NG ISLOGAN: Bumuo ng islogan na
nakapagpapahayag ng paraan sa pagiging responsable.

Gawan ng islogan ang mga sumusunod na paksa na “Think


Before You Click “
Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng Akademikong
Pagsulat ay magbigay ka ng mga paraang magpapaalaala lalo
na sa kapwa mo mag-aaral kung paano magiging responsable
at makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga isinusulat o i-
pino-post sa ating mga social media account .
Gamit
At
Uri ng Pagsulat
URI NG PAGLALARAWAN
Ang pagsulat ng paglalarawan ay
maaaring maging subhetibo o obhetibo.

Subhetibo ang paglalarawan kung ang


manunulat ay maglalarawan ng
napakalinaw at halos madama na ng
mambabasa subalit ang paglalarawan ay
nakabatay lamang sa kanyang mayamang
imahinasyon at hindi nakabatay sa isang
katotohanan sa totoong buhay.
URI NG PAGLALARAWAN
Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito’y
may pinagbatayang katotohanan. Halimbawa,
kung ang lugar na inilarawan ng isang
manunulat ay isa sa magagandang lugar sa
bansa na kilala rin ng kanyang mga
mambabasa, gagamit parin siya ng sarili
niyang mga salitang maglalarawan sa lugar
subalit hindi siya maaaring maglagay ng mga
detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa.
Panuto: Basahin ang mga tekstong
nakalahad sa ibaba. Suriin ang
katangian at kalikasan ng mga ito at
saka isulat sa linya kung ang
paglalarawan ay subhetibo o
obhetibo. Maglahad ng isang
pangungusap na magpapaliwanag sa
iyong isinagot.
1. Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay
isang tanawing binabalik-balikan ng mga turistang
nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at ng
mundo. Itinuturing itong pinaka-aktibong bulkan sa
bansa dahil sa humigit kumulang limampung beses
na pagsabog nito sa nagdaang apat na raang taon.
Mapanira at kasindak-sindak ang mga naging
pagsabog nito subalit sa mga panahong panatag ang
bulkan ay isang balani ang kagandahan nitong
nakatunghay sa Kabikulan.
Paliwanag:
2. Ang bawat pagkaway niya ay tinutumbasan ng
nakabibinging pagtili ng kanyang mga tagahanga.
Walang hindi naakit sa malalim niyang biloy naagad
lumilitaw kapag ang kanyang maamong mukha ay
binubukalan ng matatamis na ngiti. Sinasabi ng mga
nakakikilala sa kanyang hindi lang siya basta gwapo
sapagkat mabuti rin daw ang kanyang kalooban o
pagkatao. Siya si Alden Richards, ay isang
personalidad ng sikat na sikat na parehang
binansagang “Aldub” na kumukompleto sa
pananghalian ngmarami.
Paliwanag:
3.Naiwan sa balikat ni Andres ang responsibilidad sa mga
nakakabatang kapatid na sina Ciriaco, Procopio, Espiridiona,
Troadio, at Maxima. Nagtinda siya ng bastong yari sa yantok
gayundin ng makukulay na abanikong papel na siya mismo
ang gumawa. Dahil sa maganda niyang sulat kamay at likas na
pagkamalikhain, gumawa rin siya ng mga poster para sa mga
bahay-kalakal sa kanyang nalalabing oras. Hindi nagtagal
at siya’y nagtarabaho bilang bilang mensahero ng Fleming
and Company. Dito’y nagpakita siya ng kasipagan, karapatan,
at dedikasyon sa gawain hanggang sa siya’y ma-promote
bilang ahente ng kompanya. Ang mahirap na buhay na
pinagdaanan niya ang pumanday sa kanya upang maging
masikap, matatg, at matapang. Mga katangiang nakatulong
sa pagtatag niya sa KKK.
Paliwanag:
Mga Gamit at Pangangailangan
sa Pagsulat

Masasabing ang pagsulat ay isang


talent, dahil hindi lahat ng tao ay may
kakayahang lumikha ng isang
makabuluhang akda o komposisyon.
Kaya naman upang makabuo tayo ng
isang magandang sulatin ay kailangang
mapukaw nito ang ating interes
Bakit kinakailangan ng
pagka pukaw sa isang paksa
bago tayo mag sulat ng isang
Sulatin?
ang mga dapat tandaan sa pagsusulat partikular ng
akademikong pagsulat

1. Wika- Nagsisilbing behikulo para


maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba
pang nais ipabatid ng taong nais sumulat.
Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang
gagamitin upang madaling maunawaan sa uri
ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit
ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at
payak na paraan.
2. Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at
magandang tema ng isusulat ay isang magandang
simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan
na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang
isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang
mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong
susulatin
3. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing
gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman
ng iyong isusulat.

4.Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan


ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at
kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o
pakay sa pagsusulat.
Pamaraan ng Pagsulat
a. Paraang Impormatibo- Ang pangunahing
layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon
o kabatiran sa mga mambabasa.

b. Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay


naglalayong magbahagi ng sariling opinyon,
paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil
sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling
karanasan o pag-aaral.
c. Pamaraang Naratibo- Ang pangunahing layunin nito
ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari
batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-
sunod.

d. Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng


pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng
mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita,
naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito’y
maaaring obhitibo at subhetibo
e. Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong
manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.
Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong
dapat pagtalunan o pag-usapan.
Ano ang kaibahan ng tekstong
perswaysib At pamamaraang
argumentatibo?
5. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng
manunulat ang kakayahang mag-analisa
upang masuri ang mga datos na mahalaga o
hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
Kailangang makatuwiran ang paghahatol
upang makabuo ng malinaw at mabisang
pagpapaliwanag at maging obhetibo sa
sulating ilalahad.
6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat-
Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at
retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at
maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng
bantas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong
paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang
mahusay na sulatin.
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay
tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan
at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas
na maayos, organisado, obhetibo, at masining na
pamamaraan ng isang komposisyon.
Uri ng Pagsulat
Uri ng Pagsulat
1. Teknikal na Pagsulat – Layunin nitong pag-aralan
ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang
pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang
problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o
larangan .
2. Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng
sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga
pinagkunang kaalaman o impormasyon sa
paggawa ng konseptong papel, tesis, at
disertasyon at mairekomenda sa iba ang
mga sangguniang maaaring mapagkunan
ng mayamang kaalaman hinggil sa isang
tiyak na paksa.Karaniwang
Uri ng Pagsulat
3. Dyornalistik na Pagsulat – May kinalaman ito sa
mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag tulad
ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at
iba pa . Ito ay isinusulat ng mga mamamahayag,
journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap
ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita
at isyung
4. Akademikong Pagsulat – Isa itong
intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito
ay nakakatulong sa pagpapataas ng
kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang
larangan.
Uri ng Pagsulat
5. Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid ng
aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
Mabibilang sa uring ito
ang maikling kwento , dula, tula, malikhaing sanaysay,
gayundin ang mga komiks
,iskrip ng teleserye ,kalyeserye, musika ,pelikula at iba
pa.

6. Propesyonal na Pagsulat - Sulating may kinalaman sa


isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o
paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o
bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng
lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para
sa doctor o nars
Pag-aralan ang mga katangian ng Tekstong
Impormatibo:
 Makatotohanan ang mga datos.
 May malawak na kaalaman tungkol sa
paksa ang manunulat.
 Ang kaalaman ay nakaayos nang sunod-
sunod at inilalahad nang buong diwa at
may kaisahan.
 Karaniwang makikita sa mga pahayagan
o balita, sa mga magasin, textbook, at sa
mga pangkalahatang sanggunian
 Layunin ng may akda-
Layunin nitong maglahad o magbigay ng
impormasyon.
 Pangunahing Ideya
Ito ay dagliang inilalahad ang mga
pangunahing ideya sa mambabasa.
Nagagawa ito sa paglalagay ng pamagat sa
bahagi –tinatawag din itong organizational
markers na nakatutulong upang agad makita
at malaman ng mambabasa ang
pangunahing ideya ng babasahin.
Elemento ng Tekstong Impormatibo:
 Pantulong na kaisipan-Mahalaga rin ang paglalagay ng
mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye
upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang
pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa
kanila.
 Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang
magtatampok sa mga bagay na binibigyang- diin
Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga
malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong
impormatibo ang paggamit ng mga estilo o
kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang
bahagi tulad ng sumusunod:
 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
(larawan, guhit, dayagram,tsart, timeline)
 Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
(pagsulat ng nakadiin, nakahilis, nakapanipi
tekstong impormatibo tungkol sa covid 19
Ang covid 19 ay kumakalat ng lalo sa bansa
kadahilanan ng mga taong di sinusunod ang
prutokol, maring mga taong napinsala, namatay, at
namatayan ngunit ang iba rito ay nakasurvive sa
paglalaban ng covid 19.
Ang covid 19 ay isang pandemya kung saan
kumakalat sa boung mundo kadahilanan ng pagkain
ng mga hilaw na pagkain at ito'y nagviral at ginaya
ng lahat, kaya't ang ding mga taong nasawi sa covid
19 dahil rito.
Ang covid 19 ay pinapahirapan na tayong mga tao
sa mundo, kaya't sana'y tayonh mga tao ay
magtutulongan.
Performance task
Panuto: PAGSULAT NG TEKSTO: Batay sa
katangian at elemento ng teksto,sa itaas,
sumulat ka ng isang tekstong impormatibo
batay sa napupusuan na paksa. Sundin ang
wastong pamantayan ng pagsulat nito.
Salungguhitan ang pangunahing ideya o paksang
pangungusap, Isulat ito sa bondpaper.
Pangkatang gawain
Panuto: Bawat pangkat ay inaatasang magbigay
ng mga halimbawa ng uri ng pagsulat at
Ilagay ito sa powerpoint presentation at iulat sa
Klase.
Unang pangkat- bionote, isa-isahin bahagi.
Ikalawang pangkat- abstrak, isa-isahin ang
nilalaman ng abstrak .
Ikatlong pangkat- pagpapakita ng halimbawa
ng buod o sintesis at ipaliwanag ang nilalaman
nito.
Ika- apat- magpakita ng halimbawa ng replektibong
Sanaysay , bigyan ito ng sariling puna at iulat sa klase
Takdang aralin: mag saliksik at pag
aralan ang
Akademikong Pagsulat at
Di-akademikong sulatin,ilagay ito sa
isang
bond paper.
Ang Akademikong Sulatin

Akademiya
Ang salitang Akademiya ay mula sa salitang
Pranses na academie, sa Latin academia ,
at sa Griyego na academeia. Ito ay isang
institusyon ng kinikilala at respetadong mga
iskolar ,artista, at siyentista na ang layunin
ay isulong ,paunlarin, palalimin,at
palawakin ang kaalaman at kasanayang
pangkaisipan upang mapanatili ang mataas
na pamantayan ng partikular na larangan.
Malikhain at Mapanuring Pag-iisip
Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit
ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at
talino upang epektibong harapin ang mga
sitwasyon at hamon sa buhay -akademiko
at maging sa gawaing di - akademiko..

Nagtutulungan ang dalawang kakayahang


ito upang makabuo ng mga paniniwala sa
buhay at pagdedesisyon.
Akademiko vs
Di-Akademiko

Ang salitang akademiko o academic ay


mula sa mga wikang
Europeo( Pranses :Academique
; Medieval Latin: Academicus noong
gitnang bahagi ng ika-16 na siglo.
Tumutukoy ito o may kaugnayan sa
edukasyon ,iskolarship , institusyon , o
larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon
sa pagbasa, pagsulat ,at pag-aaral kaiba sa
praktikal o teknikal na gawain.(
Tinatawag na mga larangang
akademik,akademiko,akademiks, o
akademikong disiplina ang mga kurso sa
kolehiyo.
Sa Akademiya , nililinang dito ang mga kasanayan at
natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng
larangang pinagkakadalubhasaan . Kasanayan sa
pagbasa ,pakikinig, pagsasalita ,panonood ,at
pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga
gawain sa larangan.
Pagkakaiba sa pagitan ng Akademikong
Pagsulat at Hindi Akademikong pagsulat
Akademiko
Ang akademiko ay tumutukoy sa mga gawain na
may kinalaman sa pag-aaral o akademiks. Ito ay
maaaring tungkol sa pagpapahalaga, mga aralin,
o ang mga bagay at tao sa paligid. Ito ay
madalas na pormal at may sinusunod na
balangkas.

Layunin ng akademiko na magbigay ng


impormasyon sa ibang tao. Ang mga audience
nito ay ang mga iskolar, guro, at mag-aaral.
Di-Akademiko
Ang di-akademiko naman ay tumutukoy
sa mga bagay na walang kinalaman sa
akademiks o pag-aaral. Ito ay maaaring
tungkol sa propesyunal na trabaho natin
o hindi kaya ay ang mga bagay sa ating
komunidad. Iba iba ang mga audience o
tagapakinig dito.
•PANONOOD NG PELIKULA O VIDEO UPANG MAALIW O
MAGPALIPAS – ORAS, PAKIKIPAG – USAP SA SINOMAN
UKOL SA PAKSANG DI – AKADEMIKO, PAGSULAT SA ISANG
KAIBIGAN, PAKIKINIG SARADYO, AT PAGBASA NG KOMIKS,
MAGASIN, O DYARYO.
Epektibong magagamit ang Filipino sa
akademiya,Higit na magiging epektibo ang
pagkatuto ng mga mag-aaral kung sa wikang
ito niya matatamo.

Bilang pagtugon sa layunin nito, isinama sa


kurikulum sa pag-aaral sa Senior High School
ang Akademikong Pagsulat kung saan sa
asignaturang ito ay lilinangin ,sasanayin, at
huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng
mga mag-aaral sa pagsulat gamit ang
akademikong Filipino.
Mayroon itong isang paksa na may
magkakaugnay na mensahe. Maayos na
inihahanay ang mga pangungusap, talata,
upang maging malinaw ang pagkakabuo ng
mga ideya at paliwanag ng mga ito.

Ang karaniwang estruktura ng isang


akademikong sulatin ay may simula na
karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna
na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na
nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at
rekomendasyon.
halimbawa ng akademikong
teksto ang abstrak, bionote,
talumpati, panukalang proyekto,
replektibong sanaysay, sintesis,
lakbay-sanaysay, synopsis, at iba
pa.
Taglayin ng Akademikong
Pagsulat
bhetibo- Mahalaga ang tunay at pawang
ohanan na mga impormasyon. Iwasan
mga pahayag na batay sa aking pananaw
on sa aming haka-haka o opinyon.

rmal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang


yal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga
ng pormal na madali ng maunawaan ng mga
babasa. Ang tono o ang himig ng
rmasyon ay dapat maging pormal din.
3. Maliwanag at Organisado- Sa paglalahad ay
nararapat na maging malinaw at organisado ng mga
kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na
pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangungusap na binubuo nito. Ang
pangunahing paksa ay dapat nabibigyang-diin sa
sulatin.
4. May Paninindigan- Mahalagang mapanindigan
ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-
pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda
ang mapagbago-bago ng paksa. Ang layunin nito
ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa
matapos niya ang kanyang isusulat. Maging
matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at
pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang
pagsulat ng napiling paksa.
5. May Pananagutan- Ang mga
sanggunian na ginamit sa mga nakalap
na datos o impormasyon ay dapat na
bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay
isang etika at pagbibigay galang sa
awturidad na ginamit bilang
sanggunian.
Upang mabigyan ka ng
pangkalahatang ideya hinggil sa
kursong ito, narito ang iba’t ibang uri
ng akademikong sulatin na isa-isang
tatalakayin sa kabuoan ng inyong pag-
aaral.
1.Abstrak 7.Katitikan ng
pulong
2.Sintesis/Buod 8.Posisyong Papel
3.Bionote 9.Replektibong
Sanaysay
4.Panukalang Proyekto 10.Pictorial-
Essay
5.Talumpati 11.Lakbay-Sanaysay
6.Agenda/Memorandum
LIHAM
APLIKASYON
RESUME
September 3, 2018
ENGR. ANA MELISSA T. VENIDO
Geodetic Engineer
Department of Agrarian
Reform Manila City
Mahal na Engr. Venido:
Ito ay bilang tugon alinsunod sa inilunsad na hiring ng
mga bagong Geodetic Engineer. Ako po ay namamahala
ng isang law firm sa loob ng siyam na buwan, mayroon na
akong karanasan sa pagsukat ng lupa kung ilang ektarya
ito. Isa akong kwalipikadong inhinyero at nais kong
maging parte ng inyong institusyon. Sinisiguro ko na
magiging maayos ang pagganap ko sa aking trabaho.
Batid ko po na tinataglay ko ang hinahanap ng
inyong institusyon. Kung ipagkaloob niyo po ang
trabahong ito sa akin, sinisiguro ko sa inyo na
ibibigay ko ang aking dedikasyon sa trabaho.
Magiging malaking tulong po ang aking mga
kasanayan at karanasan sa aking nakaraang
trabaho.
Upang mapag-usapan ang iba pang mga detalye ng
aking kwalipikasyon, at ma-interview, maari niyo
po akong tawagan sa numerong: 09051345898 o sa
aking email: bautistar@gmail.com.
Maraming salamat.
Sumasainyo,
Mary Joy Bautista (Lgd.)
APLIKANTE
Sitio Bato, Basak, Zamboanguita
Negros Oriental
09051345898
bautistar@gmail.com
MARY JOY BAUTISTA

LAYUNIN Posisyon bilang Geodetic


: Engineer
KWALIPIKASYON:
⚫Nagtataglay ng karanasan at kaalaman sa
naturang posisyon
⚫Maalam gumawa ng mga plano at bagong
teknik sa pagpapadali ng pagsukat

PERSONAL DATOS
Araw ng Kapanganakan: May 09,
2001
Lugar ng Kapanganakan:
Mandaluyong City
Sibil Status: Single
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon:
Pentecostal
Tangkad: 155 cm
Timbang: 50 kg
Pangalan ng Bayani S.
EDUKASYON:
University of the Philippines
BS in Geodetic Engineering 2018-
2021

University of the Philippines


AB in Political Science
2022-2025

KARANASAN:
⚫ Works at my own Law firm
2025 (9 months)
⚫ Teacher in UP Diliman
major in 2026 (6
⚫ Political Science at BSGdE
PETSA: Ika-17 ng Nobyembre 2018
PARA SA: Outreach Programs ng Hope
Foundation
RE: Buwanang Pagpupulong
MULA KAY: Ms. Mary Joy V. Bautista

⚫KAILAN AT SAAN IDARAOS


ANG PAGPUPULONG:
HOPE FOUNDATION. Dumaguete City:
Disyembre 03, 2018 ng 2:30 – 3:45 pm
⚫LAYUNIN NA NAIS MATAMO SA
PULONG:
Mapag-usapan ang gagawing outreach
programs
I. AGENDA
⚫PAGSISIMULA
A. Panalangin
B. Attendance
II. NAKARAANG PAGPUPULONG
⚫Fun Day Activity sa mga batang biktima ng
cancer
III. ISYU O USAPIN SA NAKARAANG
PULONG NA NAIS LINAWIN
⚫Kailan gaganapin at saan ito gaganapin
⚫Sinu-sino ang mga sponsors para sa
naturang gawain
IV. REGULAR NA REPORT
⚫December 10-15, 2018 : Outreach
Programs sa mga barangay ng
Dumaguete
⚫Anim na araw ang ilalaan sa pagbisita sa
6 na barangay
V. PANGUNAHING TALAKAYAN
⚫Anu-ano ang barangay na bibisitahin?
⚫Anong sasakyan ang gagamitin?
⚫Sinu-sino ang magpreprepare sa
mga aktibidades?
⚫Sino ang mangunguna sa gawaing
VI. IBA PANG PAG-UUSAPAN
⚫Solicitation letters
⚫Sponsors
VII. PETSA NG SUSUNOD NA
PAGPUPULONG
⚫Disyembre 7, 2018 sa Hope
Foundation, Dumaguete City sa
parehong oras
MGA DUMALO: ⚫ Ailene Alegre ⚫ Apple Jan
⚫ James Rey Banua⚫ Lovely Aday Valencia
⚫ Clint Mar Davad ⚫ Shainah Aro ⚫ Karylle
⚫ Arren Paul Hortiz⚫ Christina Banua Cafino
⚫ Andrea
⚫ Rodny Parao ⚫ Angiela Dini-ay
Credo
⚫ James Tumazar ⚫ Nina Elnasin
⚫ Mary Joy
⚫ Milward Udtohan⚫ Hannah Eltanal
Bautista
⚫ Kenneth Verano ⚫ Lyka Eltanal
⚫ Clifford Ventula ⚫ Faye Generoso
⚫ Jennis Rossel ⚫ Shin Jin Partosa
Valdez

⚫ Joilyn ⚫ Reyna Tagalog


DI DUMALO:
⚫ Joel Partosa
⚫ Marites Delasas
⚫ Christine Elnas

I. PAGSISIMULA NG PULONG
⚫ Nagsimula ang pagpupulong sa eksaktong 9:06 ng
umaga sa pamumuno ng class president na si James
Tumazar
II. PAGPAPATIBAY NG PANUKALANG
ADYENDA
⚫ Iminungkahi ng Presidente na si James Tumazar na
maglaan na limang araw para sa gagawing aktibidad
III. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY SA KATITIKAN
⚫ Binasa ni Mary Joy V. Bautista ang katitikan ng pulong
noong Setyembre 7, 2018 tungkol sa gagawing greening
project sa bakuran ng paaralan. Iminungkahi ni James
Tumazar na pagtibayin ang katitikan na sinang-ayunan ng
lahat
IV. MGA DAPAT PAG-USAPAN SA NAKARAANG
KATITIKAN
⚫ Kailan gagawin ang Greening Project. Napagkasunduan
ng lahat na sa Setyembre 22, 2018 gagawin ang Greening
Project sa 8:00 AM hanggang 12:00 PM
⚫ Tungkulin ng bawat estudyante. Iminungkahi ng president
na limang lalake lamang ang gagawa sa bakod at ang
natira ay ang gagawa ng garden at magtanim ng talong,
kamatis, sitaw at kalabasa
V. PAGTALAKAY SA MGA PANUKALANG
PROYEKTO
⚫ Oktubre 22 – Nobyembre 5, 2018 ay ang Semestral break.
Napagkasunfuan na ang bawat isa ay maglalaan ng
limang araw para sa gagawing aktibidad ng buong klase
⚫ Pagpipilian para sa aktibidad: Tree Planting, Team Building
at Vacation Trip
⚫ Pinagpili ng president kung ano ang gagawing aktibidad at
napagkasunduan ng 17 estudyante na Vacation Trip sa
Siargao ang class activity
⚫ Hindi sinang-ayunan ni Jennis Rossel Valdez ang gagawing
Vacation Trip sapgkat mas gusto niya ang Tree planting
dahil nakakatulong ito sa kalikasan at mas nagpapatibay ito
ng samahan. Iminungkahi ni Shainah Real aro na kung
gagawin ang Vacation Trip maaaring makapag-team
⚫Ang Vacation trip ay gagawin ngayong Oktubre 23,
2018 – Oktubre 27, 2018. Alas-singko ng umaga
ang pick up time.
⚫Ang transportation ay sagot ni James Tumazar at
Clint Mar at Joilyn sa Villa de Barney ang bahay
na tutuluyan na sagot ni Rodny Parao. Ang
pagkain ay sagot ni Rodny Parao.
VI. IBA PANG PANG PINAG-USAPAN
⚫Ang permission slips para sa Vacation Trip ay
ibibigay ni James Tumazar.
⚫Parental consents para sa LAS: Speech Choir
Competition ay ipapasa ngayong Setyembre
13, 2018 kay Ms. Berna Gracielle Generoso.
VII. PAGTATAPOS NG PULONG
⚫ Nagtapos ding pagpupulong sa oras na 9;44 AM ng
umaga
VIII. SUSUNOD NA PAGPUPULONG
⚫ Ang susunod na pagpupulong ay gaganapin
ngayong Nobyembre 12, 2018

Mary Joy Bautista (Lgd.)


SEKRETARYA
9-19-18
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Region VII
Division of Negros Oriental
Zamboanguita Negros Oriental

MEMORANDUM
PARA SA: Lahat ng mag-aaral sa Grade – 12
Generoso ng Zamboanguita Science High School
MULA KAY: James Tumazar – Class President
PAKSA: Pagkakaroon ng Vocation Trip sa Siargao
Alinsunod sa napag-usapang Vacation Trip
sa Siargao ng Grade – 12 Generoso,
magkakaroon ng aktibidad ngayong Semestral
Break. Ayon sa napag-usapan, maglalaan ng
limang araw ang bawat estudyante para sa
naturang Vacation Trip na gagawin ngayong
Oktubre 23, 2018 – Oktubre 27, 2018.
Ang mga sumusunod ay ang mga detalye sa
gagawing aktibidad:
⚫Transportation – Davad Airlines (c/o Clint
Mar Davad)
– Tumazar’s Bus Company
(c/o James Tumazar)
– Van na
⚫Lugar na Tutulugan – Villa
de Barney (c/o
Rodney Parao)
⚫Pagkain – c/o Rodney
Parao and Joana’s Pande Coco
⚫Class Activity – Team Building
at Tree Planting
⚫Ang gagawing Team Building ay
ioorganisa ng mga Class Officers.
⚫Ang gagawing Tree Planting
ay gagawin ng bawat
⚫Oras – Pick up time papuntang
airport ay 5:00 AM. Eksaktong 7:00
AM ang alis ng eroplano papuntang
Siargao.

James D. Tumazar (Lgd.)


TAGAPAY
O

You might also like