You are on page 1of 62

ANG WIKA

“Ang wika ay parang tubig. Ang hugis ng tubig ay


kung ano ang hugis ng sisidlan. Ang sisidlan ay ang
bayan”.
Jose Villa Panganiban

Ano ang Kahulugan ng pahayag


ni Jose Villa Panganiban ukol sa
wika?
ANG WIKA
Ang wika ang pinakamalinaw at
pinakamahusay magbigay ng himaton sa kung
ano ang partikular na pananaw ng tao sa
daigdig na kanyang ginagalawan; sa mabilis na
galaw at pagbabago sa daigdig, sumasabay
rito ang pagsisikip ng ginagalawan nating
mundo.
ANG WIKA
Ano ang dahilan nito?
Ito ay bunga ng henyo ng tao na lumikha sa
sensitibo at dekalibreng teknolohiya, ng digital,
electronic at iba pang may kaugnayan sa siyensiya.
Sa pagkakataong ito at mga pangyayari, ang tao ay
dapat lamang na makiayon, makibagay at
gumamit ng mga kaparaanan sa pagpapalawak ng
pananaw at pakikisalamuha sa kapwa at dito ay
kailangan natin ang Wika.
ANG WIKA
Kahalagahan ng Wika
1. Naipahahayag ng tao ang kanyang saloobin.
2. Nakatutulong ito sa mga tao upang magkaugnay-ugnay.
3. Nagkakaunawaan ang mga tao sa lahat ng dako.
4. Naipaliliwanag ang mga bagay-bagay sa paligid.
5. Sumasagisag sa pagkakakilanlan sa bawat pangkat ng
tao.
6. Nagpataas ng uri ng pagkatao.
7. Ginagamit sa pagdukal ng karunungan.
KASAYSAYAN NG WIKA

1. Simu-simula ng Wika
Ang mga antropologo ay naniniwala na ang wika ng mga
kauna-unahang tao sa daigdig, kung meron man ay isang
uri ng wikang halos ay katulad ng sa mga hayop. Subalit
ang tao ay nilikhang may mataas na uri ng talino kaysa
mga hayop. Ang talinong ito marahil ang nagbigay-daan
para makatuklas sila ng mga paraang makapagpahayag.
Bagamat hindi nakapagsasalita, natutunan ng tao na
pagalawin ang ilang bahagi ng kanilang katawan tulad ng:
KASAYSAYAN NG WIKA
Ulo Sa pamamagitan ng pagtango, naipahahayag nila
ang kanilang pagsang-ayon, sa pamamagitan
naman ng kanilang pag-iling ay naipahahayag nila
ang kanilang pagtutol o kaya ay pagtanggi.
Balikat Sa pamamagitan ng pagkikibit ng balikat,
naipahahayag nilang sila ay walang
pakialam.
Kamay. Sa pagkumpas ng kanilang kamay,
naipahahayag naman nila ang kanilang
pagtawag.
KASAYSAYAN NG WIKA

Sinasabing dahil sa matinding pangangailangan at


pagnanais na maipahayag ang kanilang damdamin,
natutunan ng mga taong gayahin ang mga tunog ng
mga hayop at ng kalikasan, tulad na:
a. Dagundong ng kulog. Kapag nagagalit ang mga tao
noon pinagagaralgal nila ang kanilang boses sa
lalamunan tulad ng tunog ng kulog.
KASAYSAYAN NG WIKA

b. Ungol ng mga hayop. Ginagagad din nila ang


ungol ng mga unggoy at leon.

c. Huni ng ibon. Ginagaya nila ang huni ng mga ibon


upang ipadama ang kanilang kasiyahan. Ang mga
tao sa ngayon ay ganoon din lalo na ang mga lalaki,
kapag nakakakita sila ng isang magandang babae
humuhuni sila ng tulad ng sa ibon, upang ipaalam
ang kanilang paghanga.
KASAYSAYAN NG WIKA

c. Lagaslas ng tubig sa batis. Ginagaya rin nila ang


ingay ng mabilis na agos ng tubig sa ibabaw ng bato
sa isang batis, dahil ang batis ay napakababaw at
mabilis pa ang agos ng tubig kaya ito ay lumilikha ng
tunog.
KASAYSAYAN NG WIKA

2. Iba’t ibang Teorya at Paniniwala Tungkol sa Wika

a. Teoryang Bow-Wow – Ito ang paggagad at


paggamit ng tao sa mga tunog na likha ng mga
bagay-bagay sa paligid nang di sinasadya.

Halimbawa:
1. Langitngit ng puno ng kawayan. Kapag malakas ang
hangin ang mga puno at sanga nito ay lumilikha ng tunog
na parang naiipit (siit, siiiit).
KASAYSAYAN NG WIKA

2. Hampas ng alon sa malaking bato. Kapag


sumsalpok ang malaking alon sa malalaking bato
sa pampang ng dagat, ito ay lumilikha ng tunog
na plak, salpak.

3. Ungol at salita ng mga hayop tulad ng:


Pusa – ngiyaw, ngiyaw
Tuko – tuk-o, tuk-o
KASAYSAYAN NG WIKA
b. Teoryang Ding-Dong – Ito ang pagbibigay-
kahulugan sa mga mahahalagang simbolo na
nagsasabi na ang bawat bagay sa mundo ay may
kasama o kaugnay na tunog o aksiyon.
Halimbawa:
Mga Simbolong:
KASAYSAYAN NG WIKA

Mga simbolong pantrapiko at babala:


KASAYSAYAN NG WIKA
c. Teoryang Pooh-Pooh – Ito naman ang linggwahe
na tao ang lumikha ng mga tunog at
nagpakahulugan sa mga ito. Ito rin ang pabulalas na
pagsasalita bunga ng masidhing damdamin, tulad ng
takot, sakit, tuwa at sarap.

Halimbawa:
sutsot, palakpak, padyak, pagngangalit ng ngipin,
tsk-tsk, pagsuntok sa hapag.
KASAYSAYAN NG WIKA
d. Teoryang Yum-Yum – Ito ay mga salitang unti-
unting nalikha ng tao at nagsasaad na ang tao ay
tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas o aksyon
kasabay ng salita sa alinmang bagay na
nangangailangan nito o sa pagkakataon na kailangan
ito.
Halimbawa:
hoy, ermat, yosi, subi, mabuhay, aruy, erpat, atik,
diyahi, at iba pang baligtad na mga salita.
KASAYSAYAN NG WIKA

e. Teorya ni Primmitichus (Hari ng Ehipto)


Ayon sa hari, natututong magsalita ang tao kahit
wala itong naririnig na wikang sinasalita sa kanyang
paligid. Ang ganitong konklusyon ay bunga ng ginawang
eksperimento ng hari na kung saan, kumuha siya ng
dalawang sanggol at pinaalagaan sa isang pook na
walang naririnig na usapan ng mga tao, upang alamin
kung anong wika ang kanilang matututuhan. Ang unang
wika na binigkas ng dalawang bata ay “Bekos” sa
wikang Phrygian na ang ibig sabihin ay “bread”.
KASAYSAYAN NG WIKA
f. Teoryang Galing sa Bibliya
Binabanggit dito na pagkatapos ng malaking baha o
dilubyo, ang angkan mula kay Noah ay dumami nang
dumami, at sa paghanap nila ng mabuting pook na
matatahanan, natuklasan nila ang lupain ng Babilonya.
Sa Babilonya nila itinatag ang isang lungsod. Nagtayo sila
rito ng isang napakataas na tore na halos ay umabot na
sa langit. Nais nilang maabot ang Diyos. Sinasagisag ng
toreng ito ang kanilang pagiging palalo at paghahangad
at pagkakaisa sa kanilang ginagawa.
KASAYSAYAN NG WIKA

Nang bumaba ang Diyos at nakita ang kapalaluang


ito ng mga tao na patuloy na pinatataas ang tore ay
inisip Niya na ito ay bunga ng kanilang pagkakaisa at
pagkakaroon ng isang wika. Inisip Niya na kung
mananatiling nagkakaisa ang mga tao, maaaring
dumating ang panahon na malampasan na nila ang
Kanyang kapangyarihan, kaya winasak Niya ang
pagkakaisang ito, binigyan Niya sila ng iba’t ibang
wika para hindi sila magkaunawaan.
KASAYSAYAN NG WIKA

Bunga nito, nagkawatak-watak ang mga tao at


kumalat sila sa buong daigdig. Mula noon, ang
lungsod ng Babilonya ay tinawag na “Lungsod ng
Babel” o City of Confusion, at ang tore naman ay
“Tore ni Babel” o Tower of Confusion”.
KASAYSAYAN NG WIKA

g. Teoryang Yo-He-Ho
Ang teoryang ito ay ang pagbuo ng salita bunga ng
puwersang pisikal. Ito ay sa tuwing nag-eeksert ng
mga puwersa tulad nang kung nagbubuhat ng
mabigat, sumusuntok, nangangarate o nanganganak.

Halimbawa:
Pagbuhat ng mabigat – o-o-p-s, ug-ug
Pagsuntok – hu-hu-hu, bug-bug
KASAYSAYAN NG WIKA
Pagkarate – ya-ya-ya
Pag-ire – hu-hu-e-e-e

h. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ang teoryang ito ay may kaugnayan sa mga ritwal
na gawain, pakikidigma, pagtatanim, pag-aani,
pangingisda, panggagamot ng mga albularyo,
paliligo, pagluluto, at paglilinis ng bahay. Ang
gawaing ito ay sinasabayan ng mga awit, sayaw,
incantations o bulong at pagsigaw.
KASAYSAYAN NG WIKA
Halimbawa:
Pagluluto at paglilinis ng bahay – tarara-ra-ray-ray
Pakikidigma at pag-aani – da-da-da, bum-bum
i. Teoryang Ta-Ta
Ito ay tumutukoy sa kumpas at galaw ng kamay. Ang
kumpas at galaw ng kamay ay ginagaya at binibigyan ito
ng tunog at ang tunog ay nagiging salita. Ang “Ta-Ta!”
sa Pranses ay paalam. O “goodbye”. Ang kumpas ng
kamay ay ginagaya ng dila nang pababa at pataas kapag
binibigkas ang salitang Ta-Ta.
KASAYSAYAN NG WIKA

Marami pang teorya ang masasaliksik sa iba’t


ibang mga aklat, tulad ng mga teorya ni Darwin at
Plato, ngunit sa iisa man o sa maraming teorya
nagsimula ang wika, lumilitaw na napakarami nang
mga angkan ng wika sa daigdig, mapapansin sa
bansang magkakalapit ay may pagkakahawig ang
sinasalita nilang wika. Ang mga kontinente sa
daigdig bagaman at pisikal na magkakalapit ay may
kanya-kanyang wika at magkakaiba.
KASAYSAYAN NG WIKA
3. Klasipikasyon ng mga Angkan ng Wika ayon kay Gleason

a. Indo-European h. Sino-Tibetan
b. Fino-Ugrian i. Malayo-Polinesian
c. Altain j. Papua
d. Caucasian k. Dravidian
e. Afro-Asiatic l. Australian
f. Korea m. Austro-Asiatic
g. Japanese
KASAYSAYAN NG WIKA
4. Mga Katangian ng Wika

a. Ang wika ay bahagi ng kultura


b. Ang wika ay binubuo ng mga salita na may kaugnay
na diwa at kahulugan.
c. Ang wika ay maaaring likha o katutubo.
d. Bawat wika ay may kani-kaniyang di-inaasahang
kakayahan.
e. Ang wika ay mauuri ayon sa kaantasan, kaanyuan,
kalikasan at palatunugan.
KASAYSAYAN NG WIKA

f. Ang wika ay mapayayaman.


g. Ang wika ay isang epektibong kagamitan sa
pakikipagtastasan at pag-aaral at pakikisalamuha sa
lahat ng tao, sa lahat ng dako ng daigdig.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Gaya ng nabanggit sa dakong unahan ng araling


ito ang wikang pambansa ay isang kakanyahang
dapat taglayin ng isang bansa. Kailangang-kailangan
ng alinmang bansa ang pagkakaroon ng isang
wikang pambansa, sapagkat ito ay sagisag ng
kanyang pagkalahi, ng kanyang kalayaan at
dignidad.
Sa Pilipinas, nagdaan tayo sa iba’t ibang proseso
para pagkakaroon ng isang Wikang Pambansa.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Sinasabi sa kasaysayan, na noong nakalipas na


mga taon bago pa nakamit ng mga Pilipino ang
kalayaan, lahat ng tao na naninirahan sa Pilipinas ay
maraming wika ang ginagamit. Naging dahilan ito
upang ang mga mamamayan ay hindi gaanong
magkaunawaan, na siya namang naging sanhi nang
madalas na alitan, inggitan, at samaan ng loob.
Sa paglipas ng panahon, dumating ang iba’t
ibang dayuhan tulad ng mga Indones, Malay, Tsina,
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Indiya at Arabia, na may dalang iba’t ibang


kulturang pangwika at mga gawi na
nakaimpluwensiya sa mga Pilipino na nagpalubha
pang lalo sa mga suliranin sa di-pagkakaunawaan at
pagkakaisa ng lahat ng mamamayan, hinangad ng
mga dayuhan na sakupin ang Pilipinas, ngunit likas
sa mga Pilipino ang katapangan at paninindigan sa
karapatan. Hindi sila natakot makipaglaban.
Nabuhay ang damdaming makabayan at masidhing
hangaring magkaroon ng pagkakaisa.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Hindi sana tatagal ng 333 taon ang ating pagkaalipin


mula sa mga Kastila kung noon pa man ay isa nang
malawak na wika na nauunawaan ng nakararaming
Pilipino. Ito ang dahilan marahil kung bakit sa
Saligang Batas 1935, Seksiyon 3, Artikulo XIV, ay
itinadhana na, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa umiiral na
katutubong wika”.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Ebolusyon ng Katawagan sa ating Wikang Pambansa

Tagalog Pilipino Filipino

Makikita sa ilustrasyon na Tagalog ang popular na


wikang ginagamit ng mga mamamayan lalo na sa
dako ng kalakalan at sa mga kabisera at mga punong
lungsod. Ito ay noong taong 1932.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Noong taong 1959, sa isang kautusang


pangkagawaran ng noon ay Kalihim ng Edukasyon na
si Jose E. Romero, na kailanman at tutukuyin ang
wikang pambansa, ang salitang Pilipino ang siyang
gagamitin.
Ang panukalang Saligang Batas ng 1987, Artikulo
XIV, Seksyon 6, 7 ay nagtatadhana ng pagkakaroon
ng Wikang Pambansa ng Pilipinas at ito ay ang
Filipino.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Kung lilingunin nating muli ang kasaysayan ng


ating bansa, ang damdamin para sa isang Wikang
Pambansa ay nadama na noon pa mang panahon ng
Kastila, na mapapansin sa mga sumusunod na batas
pangwika.
Mga Batas Pangwika

a. Taong 1897
Sa Saligang Batas na ginamit sa Pakto ng Biak-Na-Bato,
may probisyong ganito, “Ang wikang Tagalog ang siyang
magiging opisyal na wika ng Pilipinas.”
Iniisip ng mga lider na Pilipino nang panahong yaon na
magkakaroon lamang tayo ng ganap at tunay na kalayaan
kung mayroon na tayong isang wikang pambansa. Sa pag-
uusap ng pangkayapaan sa pagitan ng mga Kastila at Pilipino,
hindi pumayag si Paterno, tagapamagitan sa pag-uusap nila
Primo de Rivera at ng pamahalaang Kastila, na hindi Tagalog
ang gagamitin sa pag-uusap.
Mga Batas Pangwika

b. Taong 1903
Pagkatapos ng pagsakop sa atin ng mga
Amerikano, lumitaw ang iba’t ibang samahang
pangwika, tulad ng:
1. Aklatang Bayan (1900). Dito naiipon ang mga
akda ng mga manunulat na sa anyong “dagli”, na
maikling kuwentong may aral at paalaala.
Mga Batas Pangwika

2. Kapulungan ng Wikang Tagalog (1903). Isang


samahan din ng mga nagmamalasakit sa wika, lider
mamamayan at manunulat.
3. Samahan ng mga Mananagalog (1908). Isang
samahan din ito ng mga manunulat sa Tagalog ng
panitikan at gramatika. Ang nanguna rito ay si Lope
K. Santos na kinikilalang “Ama ng Wikang Tagalog
at Apo ng mga Mananagalog”.
Mga Batas Pangwika
4. Akademya ng Wikang Pilipino (1915). Ito naman
ay isang samahan ng hindi lamang mga manunulat
ang kasapi kundi gayundin ng mga guro,
mamamahayag at iba pa.
Hindi kalabisang sabihin dito na nanguna sa
pagpapalaganap ng wika sina Lope K. Santos,
Faustino Aguilar. Patricio Mariano at Severino Reyes.
Sa mga unang taon ng pananakop at
pamamahala ng mga Amerikano, mayroon na silang
Mga Batas Pangwika

negatibong pananaw ukol sa edukasyon ng mga


Pilipino. Unang una, ang pangulo noon ng Amerika
na si McKinley ay hindi sang-ayon na gamiting
wikang panturo ang wikang Tagalog. Pinagtibay ng
Philippine Commission ang batas bilang 74, na nag-
aatas na ang gagamiting panturo ay wikang Ingles,
na mahigpit namang tinutulan ng mga kilusang
pangwika, gayundin ng mga mambabatas, mga
mamamahayag at gurong Pilipino.
Mga Batas Pangwika

Kabilang nga sa mga kilusang pangwika na nagpakita


ng pagmamalasakit at pagmamahal sa wikang Tagalog
ay ang:
Aklatang Bayan noong 1900. Masiglang nagsisulat
ang mga miyembro ng mga kuwento, at iba pang akda
para mapadali ang pagpapalaganap ng sariling wika at
panitikan.
Noon namang 1903, ang kapulungan ng Wikang
Tagalog ay gumawa ng paraan upang mapadalisay at
mapayaman ang wikang Tagalog.
Mga Batas Pangwika

Noong 1908, ang Samahan ng mga Mananagalog


na pinamumunuan ni Lope K. Santos na tinaguriang
“Apo ng mga Mananagalog” ay gayundin ang layunin.
Noong 1915, ang “Akademya ng Wikang Pilipino”,
na may layunin ding mapayaman ang Tagalog ay
gumawa ng panghihiram ng mga salita mula sa iba’t
ibang katutubong wika ng Pilipinas tulad ng:
Bana – Hiligaynon Imam – Tausog
Gahum – Cebuano Fuddul - Ibanag
Mga Batas Pangwika

c. Taong 1925
Bunga ng pag-aaral ng Monroe Educational
Commission at sa pagsuporta ng Amerikanong
Bise-Gobernador ng Pilipinas noon, lumabas
ang panukalang Batas 557 na nag-uutos na
gamiting panturo ang mga katutubong wika
simula sa taong 1932 – 1933.
Mga Batas Pangwika

d. Taong 1935
Kasabay ng malaking pagnanasa sa kasarinlan,
sinuportahan ng noo’y Pangulong Manuel L. Quezon ng
Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas ang mungkahi nina
Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Sofronio Calderon, Jose
Sevilla, at iba pa. Sa Artikulo XVI Sek. 3 ng Saligang Batas
ng 1935, ay ganito ang isinasaad “Ang Kongreso ay
gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay at
pagpapaunlad ng isang Wikang Pambansa na ibabatay sa
isa sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan”.
Mga Batas Pangwika

e. Taong 1936
Para maisakatuparan ang probisyon ng
Saligang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag
ng Surian ng Wikang Pambansa, na binigyan ng
kapangyarihang gumawa ng pangkalahatang
pag-aaral at pipili kung alin sa mga wika ng
kapuluan ang nararapat pagbasehan ng
gagawing wikang pambansa.
Mga Batas Pangwika

f. Taong 1937
Hinirang ng Pangulong Quezon ang pitong (7)
palaaral na Pilipino upang bumuo ng kauna-unahang
pamunuan ng Surian ng Wikang Pambansa. Sila ang
mga mag-aaral at pipili kung alin sa mga katutubong
wikain ang magiging batayan ng Wikang Pambansa ng
mga Pilipino. Ang pitong napili ni Pangulong Quezon
ay kakatawan sa pitong lalawigan na iba’t iba ang
katutubong wika.
Mga Batas Pangwika

Ang Pitong (7) Palaaral ay ang mga sumusunod:


1. Jaime C. De Veyra – Tagapangulo (Bisaya-Samar)
2. Cecilio Lopez – Kalihim at Pangulong
Tagapagpaganap (Tagalog)
3. Santiago A. Fonacier – Kagawad (Ilokano)
4. Filemon Sotto – Kagawad (Bisaya-Cebu)
5. Felix S. Salas – Kagawad (Bisaya-Hiligaynon)
6. Hadji Butu – Kagawad (Muslim)
7. Casimiro F. Perfekto – (Bikol)
Mga Batas Pangwika

Mapapansin na ang bumubuo sa lupon ay mula sa iba’t


ibang pook o rehiyon para maiwasan ang diwang makapurok
o “regionalism”. Nagtakda sila ng pamantayan sa pagpili. Ang
wikang pipiliin ay yaong may sumusunod na katangian:
1. Ginagamit ng nakararaming Pilipino.
2. Sa wikang ito nasusulat ang pinakadakila at maraming
panitikang Pilipino.
3. May pinakamaunlad na balagtasan.
4. May mayamang mekanismo
5. Madaling matutuhan ng mga mamamayan.
Mga Batas Pangwika

Bunga ng pag-aaral ng Surian ng Wikang


Pambansa ay pinagtibay nila ang resolusyon na
Tagalog ang gagawing saligan ng magiging Wikang
pambansa, kaya noong Disyembre 30, 1937, sa isang
Kautusang Tagapagpaganap 34, ipinahayag ni
Pangulong Quezon na ang batayan ng Wikang
Pambansa ay Tagalog.
Mga Batas Pangwika

g. Taong 1940
Itinadhana sa Batas Komonwelt Blg. 570 na ang
Pambansang Wikang Pilipino ay isa ng wikang
opisyal ng Pilipinas.
h. Taong 1950
Kailan naman naging Pilipino ang tawag sa Wikang
Pambansa? Ang kautusan Pangkawaran Blg. 7 ay
nagsasabi na sa tuwing tinutukoy ang tungkol sa Wikang
Pambansa, Pilipino ang gagamitin.
Mga Batas Pangwika

i. Taong 1987
Ito ang taon kung kailan napalitan ang tawag sa
Pilipino sa Wikang Pambansa ng Filipino. Sa
Panukalang Saligang Batas ng 1987 ay may tiyak na
tadhana tungkol sa wika. Ang Artikulo XVI, Sek. 6, 7
ay nagtadhana na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas
ay Filipino at samantalang nililinang ito, ay dapat
pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika ng banyaga.
Mga Batas Pangwika

Buhat noon, marami nang mga hakbang ang


naisagawa tungkol ssa Wikang Pambansang Filipino,
tulad ng sumusunod:
Ang pagdaragdag ng walong (8)letra sa dating 20
titik ng Abakada o alpabeto. Ang walong mga titik na
nadagdag ay – c, f, j, ñ, q, v, x, z , kaya 28 na ang
bilang ng bagong alpabeto, at ito ay binibigkas nang
pa-ingles tulad ng pagbigkas sa English alphabet.
Mga Batas Pangwika

Halimbawa:
C/si/ F/ef/ J/jey/ ñ/enye/
Q/kyu/ V/vi/ X/eks/ Z/zi/

Lahat ng wikain at wikang banyaga na ginagamit


natin at bahagi na ng ating wika tulad ng Ilokano, Bicol,
Bisayas, English, Hapon, Kastila, at iba pa, ay tinanggap
nang bahagi ng ating Wikang Pambansang Filipino.
Mga Batas Pangwika

Halimbawa:
Ilokano – mandyok English – radial
Bicol – sarong Hapon – kimono
Bisaya – bana Kastila – cheque
Tausog – iman German – blitzkrieg
Pampango – masanting French – coup d’etat
Maranao – hadji Russian – glasmost
Ibanag – ifun Italian - spaghetti
IBA PANG MGA BATAS PANGWIKA

Ang pagsakop ng mga Hapon sa ating bansa


ay maganda ang ibinunga, sa kabila ng
pagsalanta nila sa atin, sapagkat sapilitan
nilang inalis sa ating kaisipan nilang inalis sa
ating kaisipan ang diwang maka-Amerikano.
Ipinaalis nila ang wikang Ingles sa paaralan at
ipinalit ang Wikang Pambansa.
IBA PANG MGA BATAS PANGWIKA

a. Proklamasyon Blg. 12, Marso 26, 1945 ng


Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wika na sakop ang
kaarawan ni Francisco Balagtas (April 2) na Hari ng
Balagtasan noon. Ngunit ang pagdiriwang ay inilipat ng
Agosto 13 hanggang Agosto 19 na sumasakop naman
sa kaarawan ni Pangulo Manuel Quezon, na siya
namang binigyan ng karangalang matawag na “Ama ng
Wikang Pambansa”, dahil sa kanyang pagpupunyagi
upang magkaroon ng Wikang Pambansa.
IBA PANG MGA BATAS PANGWIKA

b. Noong Nobyembre 14, 1961, ang Pambansang


Awit ng Pilipinas ay inawit sa Tagalog.
c. Noong Nobyembe 14, 1962 ay lumabas ang
Kautusan Pangkagawaran Blg. 24 na nag-aatas na ang
mga sertipiko at diploma na ibinibigay ng mga
paaralan ay nakasulat sa Pilipino.
d. Kasunod nito ay nilagdaan ng Pangulong
Macapagal ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
noong 1963, na nagsasaad na ang Pambansang Awit
ay dapat lamang awitin sa titik Pilipino.
IBA PANG MGA BATAS PANGWIKA

e. Noong 1967, Oktubre 24 nilagdaan ng Pangulong


Marcos ang isang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
96, na nagtatadhana na ang lahat ng gusali, edipisyo
at tanggapan ay pangalanan na sa Pilipino.
f. Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 bilang
karagdagan ay iniatas din na ang mga “letterhead”
ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay ng
pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino
kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.
IBA PANG MGA BATAS PANGWIKA

Halimbawa:

Mataas na Paaralan ng Culiat


(Culiat High School)
Mababang Paaralang New Era
(New Era Elementary School)
IBA PANG MGA BATAS PANGWIKA

g. Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 ay


nagsasaad ng alituntunin ng pagpapatupad ng
patakarang bilingguwal sa mga paaralan na
nagsimula noong taong panuruan 1974 – 1975. Ang
patakarang bilinggguwal ay ang paggamit at
pagtuturo ng Pilipino at ingles sa mga paaralan nang
magkahiwalay.
1. Ang Matematika, Ingles at Agham ay itinuturo sa
wikang Ingles.
IBA PANG MGA BATAS PANGWIKA

1. Ang Matematika, Ingles at Agham ay itinuturo sa


wikang Ingles.
2. Ang Makabayan, Filipino, Musika, EKAWP,
Edukasyong Pampalakasan ay itinuturo sa wikang
Filipino.
3. Ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 s. 1976
ay nagpalathala ng mga modipikasyong ginawa ng
SWP sa mga “Tuntunin ng Ortograpiyang Pilipino”,
para makasunod sa palabaybayang Pilipino sa mabilis
na pag-unlad at pagbabago ng wikang Pilipino.
IBA PANG MGA BATAS PANGWIKA

Hindi na mabilang ang maraming


Memorandum, Kautusan, Sirkular, Resolusyon
at mga Tagubilin, at lahat nang ito ay para
sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng
Wikang Pambansa.
MGA BAGONG KAGANAPAN TUNGKOL SA WIKA

Ang Surian ng Wikang Pambansa mula nang ito ay


itinatag ni Pangulong Quezon ay tinatawag na
Komisyon sa Wikang Filipino. Sa maraming taong
lumipas hanggang ngayon ay wala silang tigil sa
pagsasagawa ng mga pag-aaral at pananaliksik upang
lalong mapaunlad ang ating Wikang Pambansa.
Kabilang dito ang:
1. Istandardisasyon ng Sistema ng pagsulat sa
Filipino
MGA BAGONG KAGANAPAN TUNGKOL SA WIKA

2. Intelektuwalisasyon ng Wika
3. Pagdiriwang ng Wikang Pambansa sa loob
ng isang buwan na nilagdaan ni Pangulo
Fidel Ramos, mula Agosto 1 – 30.
4. Pagsulat sa Filipino ng mga Tesis at
Disertasyon
5. Pagbabago sa kurikulum para sa
asignaturang Filipino.

You might also like