You are on page 1of 54

LAYUNIN: a.

Nakapagbabahagi ng kaalaman at Kamalayan sa


pambansang Panitikan
b. Naihahayag ang pagkakaiba ng tuluyan/ prosa at
panulaan/poesya;
c. Nabibigyang-halaga ang papel/tungkulin ng iba’t
ibang genre sa buhay ng tao at lipunan;
d. Naiisa-isa ang mga katangian ng isang epektibong
guro sa Filipino; at
e. Natutukoy ang iba’t ibang dulog sa pagtuturo ng Filipino.
“Ang Panitikan ay paggamit ng wika upang makalikha
ng mga akda na maaglalaman ng mga karanasan ng mga
mamamayan ng isang bansa.” -Beinvenido Lumbera
Masasalamin sa panitikan ang kultura ng isang bansa.
Malaki ang papel na ginagampanan nito sa pagkakakilanlan ng
ating pagkalahi. Maaaring magpapalit-palit ang lahi, mawala ang
mga tao sa bansa ngunit mananatiling buhay ang pagkilala sa
panitikan. Sa pag-aaral ng panitikan, higit na
makapagpapahalaga ang mga mag- aaral sakatutubong panitikan
sa pamamagitan ng mga leksyon hinggil dito. Lubos
nilangmauunawaan ang pag- unlad ng panitikan sa mga
nakahanay na talakayin.
Ang Panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng
mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang Salitang Panitikan ay nanggaling sa Salitang
“pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang” ay ginamit
at hulaping “an.” At sa Salitang “titik” naman ay
nangangahulugang literature (literature), na ang literature aay
galing sa Latin na littera na nangangahulugang titik.
Ang Salitang Panitikan ay nanggaling sa Salitang
“pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang” ay ginamit
at hulaping “an.” At sa Salitang “titik” naman ay
nangangahulugang literature (literature), na ang literature aay
galing sa Latin na littera na nangangahulugang titik.
IBA’T IBANG KATUTURAN NG
PANITIKAN
a. Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan
at damdamin ng tao.
b. Ang panitikan ay pag-aaral ng kariktan at kahulugan ng buhay
at pamumuhay nanagmumulat sa bayan upang paglirip-liripin ng
balana ang maraming palaisipan dumarating sa buhay ng bawat
nilalang.
c. Ang panitikan ay talaan ng buhay.
d. Bungang – isip na isinatitik.
IBA’T IBANG KATUTURAN NG
PANITIKAN
Ito ay yaong nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, panaginip at kara
nasan nngsangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at
masining na mga pahayag.
Ito ay kabuuuan
ng mga kaisipan, karanasan ng isang bansa, paniniwala, pamahiin
at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa
isang maganda at makasiningna paraan.
Kathang pampanitikang nag-iiwan ng bisa sa isip at puso ng
mambabasa
IMPLUWENSYA NG PANITIKAN
SA BUHAY NG TAO

Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa


buhay, kaisipan at ugali ng tao atito’y may dalawang kalagayan:

1.Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan 
ng lahing pinanggalingan ng panitikan.
2.Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay
nagkakalapit ang mga damdamin at kaisipan, nagkakaunawaan
at nagkakatulungan.
URI NG PANITIKAN:

TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y


isinusulat ng patalata.

PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng


pasaknong.
DAHILAN SA PAG-AARAL NG
PANITIKANG PILIPINO:

a. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating


minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing
ating pinagmulan.

b. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang


tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng
ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
DAHILAN SA PAG-AARAL NG
PANITIKANG PILIPINO:

c. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at


makapagsanayupang maiwasto ang mga ito.

d. Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at


mapagsikapangito ay mapagbuti at mapaunlad.
e. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa
ating sarilingkultura ay dapat nating pag-aralan an gating
panitikan. Tayo higit kanino manang dapat magpahalaga sa
sariling atin.
MGA AKDANG
TULUYAN
MGA AKDANG TULUYAN:

Alamat - isang uri ng Panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga


pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang
nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil
sa tunay na mga tao at pook ,at mayroong pinagbatayan
sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at
kwentong-bayan.
MGA AKDANG TULUYAN:

Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba


o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang
kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri:
kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga
ginagawa ng mga pagpapaliwanag samga ginagawa ng
mga tao.
MGA AKDANG TULUYAN:

Nobela – o kathambuhay ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba't


ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300
pahina.. Noong ika-18 siglo,naging istilo nito ang lumang pag-ibig at
naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay
kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak
na istilo. Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng
bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining
na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay.
MGA AKDANG TULUYAN:

Pabula -(Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-


isip na panitikankung saan mga hayop o kaya mga bagay
na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad
ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing.
May natatanging kaisipang mahahango mula sa
mga pabula, sapagkatnagbibigay ng mga moral na
aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong
kathang kuwentong nagbibigay-aral.
MGA AKDANG TULUYAN:

Parabula- o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang


hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa
anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang
pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong.
Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop,
halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at
nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong
naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba
pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga
kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng
Kaharian ng Diyos.
MGA AKDANG TULUYAN:

Maikling kwento - isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang


pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan
at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula,
isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang
isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
MGA AKDANG TULUYAN:

Dula - isang uri ng Panitikan na itinatanghal sa mga teatro.


Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa
isang tanghalan o entablado.
MGA AKDANG TULUYAN:

Dula - isang uri ng Panitikan na itinatanghal sa mga teatro.


Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa
isang tanghalan o entablado.
MGA AKDANG TULUYAN:

Sanaysay- isang maiksing komposisyon na kailimitang


naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda
MGA AKDANG TULUYAN:

Talambuhay- isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng


kasaysayan ng buhay ng isang tao hango samga
tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
MGA AKDANG TULUYAN:

Talumpati- isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na


pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa
entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ngkaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito
ay isang uri ng komunikasyongpampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig.
MGA AKDANG TULUYAN:

Talumpati- isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na


pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa
entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ngkaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito
ay isang uri ng komunikasyongpampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig.
MGA AKDANG TULUYAN:

Balita - mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas


ng ating bansa.
MGA AKDANG TULUYAN:

Kwentong bayan- (Filipino: folklor) ay mga salaysay


hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan
na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad
ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya
sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng
isang bansa o lupain.
MGA AKDANG PATULA
MGA AKDANG PATULA:

Awit at Korido- Ang Awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong


maganda kung gusto rin ito ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat.
Naglalaman ang isang awiting ng bahaging pang-tinig na ginagampanan, inaawit
at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng
mga intrumentong pang-musika (maliban sa mga awiting acapella at
scat. Kadalasang nasa anyong tula at tumutugma ang mga salita ng mga awitin,
bagaman, may mgarelihiyosong mga taludtod omalayang prosa. Ang mga salita
ay ang liriko. Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino isang uri ng tulang
nakuha natin saimpluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong
pantig bawat linya at may apat na linya sa isang stanza.Ang korido ay binibigkas
sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.
MGA AKDANG PATULA:

Epiko - uri ng Panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at


pakikipagtunggali ng isang taoo mga tao laban sa mga kaaway na
halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuangmakababalaghan
at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno
ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga
Pilipino ay may maipagmamalakingepiko.Sa mahigpit na kahulugang
pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang
paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika
(may titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-bayani, paglalahad
na patula hinggil sa bayani.May mga epikong binibigkas at mayroong
inaawit.
MGA AKDANG PATULA:

Balad – Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.


MGA AKDANG PATULA:

Sawikain – Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:

a. Idioma - isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi


komposisyunal.
b. Moto - parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang
grupo ng mga tao.
c. Salawikain - mga kasabihan o kawikaan.
MGA AKDANG PATULA:

Salawikain - Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o


sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito
ng mga karunungan.
MGA AKDANG PATULA:

Bugtong – Ang bugtong, pahulaan,o patuuran ay isang pangungusap o tanong


na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan (tinatawag ding palaisipan angbugtong). May dalawang
uri ang bugtong: mga talinhaga, mga suliraning ipinapahayag sa
isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng
katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at
mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sadulot
ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
MGA AKDANG PATULA:

Kantahin - (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa


iba't ibang panig nglugar sa bansa.
MGA AKDANG PATULA:

Tanaga – Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong


tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang
ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga
kabataan. May estrukturang itong apat (4) na taludtod at
pitong (7) pantig kada taludtod.
KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO
SA FILIPINO:

Walang itinatangi. Sa loob ng klase, dapat na siya'y walang


kinikilingan at mahalagang maging pantay ang kanyang
pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral para walang masabi
ang mga mag - aaral at nang hindi makadama ng
pagkaselos sa nagiging paborito ng guro.
KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO
SA FILIPINO:

May positibong ugali.  Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung


sila'y nabibigyan ng papuri at pagkakilala o rekognisyon.
Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at
direksyon. Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay
ang kanilang mga mag-aaral.
KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO
SA FILIPINO:

Laging handa sa lahat ng oras.  Ang kahusayan (competence) at


kaalaman sa saklaw ng nilalaman ng mga paksang
itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling
makilala ng mga mag-aaral ang gurong organisado at
handa nang magturo. Kapag palaging handa ang isang
guro, dun nakukuha ang atensyon ng mga mag – aaral.
KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO
SA FILIPINO:

May haplos-personal.  Ang pagkikipag - ugnayan ng guro sa mag -


aaral hindi lamang sa oras ng talakayan pati na rin sa labas
ng apat na sulok ng silid - aralan yaong tumatawag sa
kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa
kanilang nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang
interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao.
Mapakahalaga para sa mga mag - aaral ang madama ang
pagmamalasakit sa kanila dahil dito, kailangan bigyang
pansin upang gabayan at patnubayan sila.
KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO
SA FILIPINO:

Masayahin.  Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa


klase. Ang dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga
sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga mag-aaral
ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng
mga mag-aaral.
KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO
SA FILIPINO:

Malikhain.  Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong


malikhain sa mga gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na
ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-
aayos sa klasrum ng kanilang guro.
KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO
SA FILIPINO:

Marunong tumanggap ng kamalian.  Nababatid ng mga mag-


aaral kung nagkakamali ang kanilang guro lalo't sila ang
labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito.
Nagiging modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang
kanyang pagkakamali at buong pagpapakumbabang
humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang
nagawa.
KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO
SA FILIPINO:

Mapagpatawad.  Ang gurong marunong magpatawad sa


kasalanang kanilang nagawa ay kinalulugdan ng kaniyang
mga mag - aaral, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling
gawi at ikinilos. Ang guro ang tagabuo ng anumang
tunggaliang nagaganap sa klase kaya't mahalagang
maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno
ukol dito.
KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO
SA FILIPINO:

May respeto.  Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong


maglihim ng markang kanyang ibinigay sa kanyang mga mag-
aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang
pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o
nakakaalam, o yaong nagpapakita ng sensitibiti sa nadarama
ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga
mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.
KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO
SA FILIPINO:

May mataas na ekspektasyon.  Ang di-malilimutang guro ay


yaong nagpapakita ng napakataas na pamantayan lalo't
hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin nang
napakahusay ang kanyang ipinag-uutos. Madalas na
nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga mag-aaral. Kung
maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang kanyang
mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na
matupad ang kanyang mga tunguhin.
KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO
SA FILIPINO:

Mapagmahal.  Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang


laro, ang kanyang mag-aaral at kikilos siya upang makagawa
ng paraan halimbawa para malutas ang suliranin nito ay
naglalarawan ng pag-aalala at pagmamahal.
PAMAMARAAN, ISTRATEHIYA AT DULOG
SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Authoritarian Classroom Management Approach


Ang isang guro na may ganap na kontrol sa silid-
aralan ay tinukoy ng istilo ng pamamahala ng awtoridad
sa silid aralan. Ang mga mag-aaral ay tinanggihan ng
pagkakataon na aktibong makisali, at ang magtuturo ay tumugon
sa pamamagitan ng pagpapanatili ng hindi magkakaibang pansin
at kontrol sa lahat ng aspeto ng klase.
PAMAMARAAN, ISTRATEHIYA AT DULOG
SA PAGTUTURO NG FILIPINO

The Intimidation Management Approach


Ang Diskarte sa Pamamahala ng Intimidation ay isang
diskarte sa pamamahala para sa nakakaimpluwensya sa mga
empleyado sa pamamagitan ng paggamit ng direkta o hindi
direktang pagbabanta batay sa natural na pangangalaga ng isang
indibidwal para sa kanyang trabaho.
PAMAMARAAN, ISTRATEHIYA AT DULOG
SA PAGTUTURO NG FILIPINO

The Permissive Classroom Management Approach


Ang Pahintulot sa Pamamahala ng Silid-aralan sa Classroom
ay isang uri ng coaching na nakasentro sa mag-aaral dahil
binibigyang diin nila ang pagpapaalam sa mga mag-aaral na
pamunuan ang palabas. Pinili ng mga mag-aaral kung ano at
paano matututunan, at hinihikayat ang pag-aaral ng guro.
Ang mga mag-aaral naman ay gumagawa ng pangwakas na
desisyon sa kanilang edukasyon.
PAMAMARAAN, ISTRATEHIYA AT DULOG
SA PAGTUTURO NG FILIPINO

The Instructional Classroom Management Approach


Ang Instructional Classroom Management Approach ay
tumutugon sa pag-uugali ng mag-aaral sa palagay na ang mga
paraan para sa coaching at pamamahala ng pag-uugali sa lipunan
ay hindi naiiba sa mga pamamaraan para sa pagtuturo ng paksa
ng bagay.

You might also like