Professional Documents
Culture Documents
Report Sa Panitikang Filipinogroup 3
Report Sa Panitikang Filipinogroup 3
FILIPINO
IKATLONG PANGKAT
KAPALIWANAGAN SA MGA KATHANG NILALAMAN NG
ANTOLOHIYA AT KALIGIRAN NG BAWAT GENRE
SA TULA
SA MAIKLING KUWENTO
SA NOBELA
SA DULA
SA SANAYSAY
Kay raming mahuhusay na mga manunulat ng panitikan sa tagalog o sa ibang katutubong wika.
Marami ring magagaling na kathang kung tutuusin ng mga naka babatid ay maaaring naka hihigit pa sa
nilalamang karunungan, kasiningan, kaalaman, at iba pa na mapupulot ditto.
Isa pa sa pangunahing suliranin kinahaharap ng mga editor ng antolohiya na ang isang akda ay
hindi basta basta makukuha at maipalilimbag ng walang kapahintulutan mula sa tunay na may akda.
Kayat kung inaakala ng isang akda ng isang manunulat ang dapat na isama’t hindi ang napabilang sa
antolohiya, iyan ay may kadahilanan.
Sadyang binibigyang diin o emphasis sa paghahanda ng mga materyal o akda sa antolohiya ay ang
kabagayan nito sa mga mag-aaral na gagamit. Ditto nakasalalay ang oryentasyong tinatawag. Ito’y mga
paksaing o pinapaksa ng mga kathang mapapansing magpapaigting sa kawilihan ng mga guro at mga
mag-aaral, sapagkat iba iba ang tinatalakay nitong kalagayan-politikal, sosyal, pilosopikal, sikolohikal,
historical, atbp..
TULA
Ang tula o panaluan ay isang masining na anyo
ng panitikan na naglalayong na maipahayag
ang damdamin ng makata o manunulat nito.
Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa ibat
ibang anyo o estilo. Nagpapahayag ito ng
damdamin o magandang kaisipan gamit ang
maririkit na salita. Ito ay matalinhaga at
kadalsang ginagamitan ng tayutay.
MGA ELEMENTO NG TULA
Anyo - Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat na anyo.
Apat na anyo ng tula
1. Malayang taludturan
2.Tradisyonal
3.May sukat na walang tugma
4. Walang sukat na may tugma
Kariktan - Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na nagtatanim sa isipan ng
mga mambabasa. Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga
salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa
Persona - Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang
persona at makata ay iisa.
MGA ELEMENTO NG TULA
Saknong - ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula
sa dalawa o higit pang taludtod.
Sukat - ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na
waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig
Talinghaga -kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag
upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Tono o Indayog - tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay
karaniwang pataas o pababa.
Tugma - ito ay ang pagkakasing tunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
1. TULANG - ang tulang liriko o pandamadamin ay uri ng tula kung saan
LIRIKO itinatampok ng isang makata ang kanyang sariling damdamin,
iniisip, at persepsyon.
2. TULANG
PANDULAAN
3. TULANG - ito ay nagsasalaysay o naglalarawan ng makulay at
mahahalagang pangyayari sa buhay na matatagpuan sa
PASALAYSAY
mga linya o berso na nagbabahagi ng isang kwento
1. Kuwento ng tauhan
- inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng
mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang
pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa
4. Kuwento ng Katatakutan
- ito ay mga pangyayaring kasindak- sindak.
5. Kuwentong bayan
- nilalahad ang mga kuwentong pinag- uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan.
URI NG MAIKLING KWENTO
6. Kuwento ng Kababalaghan
- pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.
7. Madulang Pangyayari
- binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
8. Kuwentong Pakikipagsapalarang
- nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
URI NG MAIKLING KWENTO
9. kuwento ng katatawanan
- nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
• Mailalarawang ang maikling kuwento bilang isang akda na kayang tapusin sa isang upuan lamang.
Ito ay maikli, binubuo ng kaunting mga tauhan, at may isang kakintalan (single impression). Ang
mga magasin o pahayagang naglalathala ng mga maikling kuwento ay isang malaking salik din sa
haba o igsi ng maikling kuwento (kung gusting malathala, kailangang angkop ang haba ng maikling
kuwento sa bilang ng pahina na kayang ibigay ng magasin).
Mga Elemento ng Maikling
Kwento
1.Panimula
2. Saglit na Kasiglahan
3. Suliranin
4. Tunggalian
5. Kasukdulan
6. Kakalasan
7. Wakas
8. Tagpuan
9. Paksang diwa
10. Kaisipan
11. Banghay
MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO
SIMULA
• Nobela ng
Pag-ibig o
Romansa
Tagpuan
Ito ay ang lugar at panahon kung saan naganap ang mga pangyayari.
Kumpara sa iba pang uri ng akdang pampanitikan, ang kwento sa
nobela ay hindi naganap sa iisang tagpun lamang, sa halip ang mga
pangyayari ay nagaganap sa iba’t-ibang lugar at panahon.
Tauhan
Ito ang nagbibigay buhay at ang kumikilos sa akda.
Banghay
Ito ang pagkakasunod-sunod o daloy ng mga pangyayari.
Pananaw
Ito ay ang panauhang ginamit ng manunulat (Point of view). Ito ay
maaaring maging una, pangalawa o pangatlo.
Tema
Ito ay paksa kung saan umiikot ang istorya ng nobela. Ito ay maaaring
maging tungkol sa pag-ibig, paghihiganti, digmaan, kabayanihan,
kamatayan, at iba pa.
Damdamin
Ito ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari. Ang damdamin ay ang
emosyong nais iparating ng awtor sa mga mambabasa.
Pamamaraan
Ito ay ang istilo na ginagamit ng manunulat.
Pananalita
Diyalogong ginagamit sa nobela.
Simbolismo
Ito ay ang mga tao, bagay, hayop at pangyayari na nagpapakita ng mas
malalim na kahulugan. Ang magandang halimbawa ng simbolismo sa nobela
ay ang pagsusuot ng tauhan ng itim na damit. Ito ay nangangahulugan ng
pagluluksa sa tauhang namatay.
Mga Layunin ng Nobela
• Gisingin ang • Magsilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at
diwa at lipunan
damdamin ng
mga • Magbigay inspirasyon sa mga mambabasa
mambabasa
• Pukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng
• Magbigay – nobela.
aral tungo sa
pagunlad ng
buhay at
lipunan.
Mga katangian ng Nobela
• Maliwanag at • Malikhain ang paglahad ng pangyayari
maayos ang
pagkakasulat • Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
ng mga tagpo
at kaisipan • Malinis at maayos ang pagkasulat
• Nagsasalaraw • Kaaya-aya
an sa lahat ng
aspeto ng • Maraming magagandang tagpo kung
buhay saan higit na nakikilala ang mga tauhan
MGA KILALANG MANUNULAT NG
NOBELA SA ASYA
JOSE RIZAL
FRANCISCO BALTAZAR
LOPE K. SANTOS
MIGUEL DE CERVANTES SAAVEDRA
VALERIANO HERNANDEZ PENA
DANIEL DEFEO
DULA
DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado, hindi upang
basahin lamang ng mahina o malakas sa silid-aralan. Mauunawaan at matututuhan ng isang
manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
Ang manunulat ng dula ay karaniwan na nagiging anino na lamang ng mga tauhan. Ang bawat
salita ng mga tauhan ay binibigkas o ipinararating sa mga manonood ng mga nagsisiganap. Ito
ang diyalogo o pag-uusapan ng mga tauhan na binibigayang buhay ng mga actor.
Bukod sa diyalogo, mahalaga rin sa dula ang pagkilos ng gumaganap. Ang pagbabagu-bago
ng damdamin mula sa malungkot hanggang sa masaya, o ang kabaligtaran nito. Mahalaga ring
ipadama o ipakita sa mga manonood ang panahon at lugar ng pangyayari. Malaking tulong din
sa dula ang pagbibihis sa mga actor ng akmang kasuotan, pagpinta ng mukha, pag-iilaw sa
tanghalan at paglapat ng tunog o musika.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.
TAUHAN
- Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa
dula.
SULYAP NA SULIRANIN
-Bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng
saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o
kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon
ng higit na isang suliranin ang isang dula.
MGA SANGKAP NG DULA
SAGLIT NA KASIGLAHAN
- Saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
TUNGGALIAN
-Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa
kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng
higit sa isa o patung – patong na tunggalian ang isang dula.
KASUKDULAN
- Climax sa ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap
na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdaming o
kaya’y sa pinakakasukdulan ang tungalian.
MGA SANGKAP NG DULA
KAKALASAN
- Ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos
sa mga tunggalian
KALUTASAN
- Sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tungalian sa dula, ngunit maaari ring magpakilala ng
panibagong mga suliranin at tunggalian sa pantig ng mga manonood.
MGA ELEMENTO NG DULA
Iskrip o nakasulat na dula
-Ito ang pinakakaluwa ng isang dula.
Gumaganap o Aktor
- Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.
Tanghalan
- Anumang pook na pinagpasyahang pangtanghalan ng isang dulay ay tinatawag
na tanghalan
Tagadihero o direktor
-Ang director ang nagpapakahulugan sa isang iskrip.
Manonood
- Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao.
TATLONG ANYO NG DULA
YUGTO
-Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa dula. Inilalahad ang pangmukhang
tabing upang magkaroon ng panahong makapagpahinga ang mga nagsiganap
gayundin ang mga manonood
TANGHAL
- Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng
ayos ng tanghalan.
TAGPO
-Ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.
MGA URI NG DULA
TRAHEDYA
-Sa dulang ito’y mahigpit na tunggalian. Mapupusok ang mga tauhan at
ginagamitan ng masisidhing damdamin. Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o
pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.
KOMEDYA
- Ang uring ito’y nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay
nagkakasundo. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood.
MELODRAMA
-Ang dula ay nagwawakas sa kasiya-siya sa mabubuting tauhan bagama’t ang
uring ito’y may malulungkot na sangkap. Kung minsan ay labis ang pananalita at
damdamin sa uring ito.
MGA URI NG DULA
PARSA
- Ang layunin ng dulang ito’y magpatawa sa pamamagitan ng kawili-wiling
pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa.
SAYNETE
-Ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang ugali. Katulad ng parsa,
ang dulang ito ay may layuning magpatawa.
TRAGIKOMEDYA
- Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni
Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para
magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil
nasasawi o namamatay ang bida o ang mga tauhan.
SANAYSAY
SANAYSAY
Ang sanaysay ay tinatawag na “essay” sa wikang
Ingles. Ito ay isang uri ng sulatin na
nagpapahayag ng pananaw o ipinyon ng nagsulat
nito. Ang isang sanaysay ay may pokus sa iisang
diwa at paksa. Ang mga sanaysay ay may layong
magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng
nararamdaman, magbahagi ng opinion,
manghikayat ng ibang tao, at iba pa.
KATANGIAN NG
SANAYSAY
1. Ito ay may uring personal – Madaling makilala ang
sanaysay bilang paglalahad ng naisin o mithiin ng
may-akda. Tila ba ‘pag-iisip nanarinig’
2. Isa itong pagtatangka o paggaludgod sa pagtalakay ng
isang paksa o tema.
3. Malaya ang manunulat sa pagtalakay sa kanyang
paksa, anuman ang maging himig o tono niyan.
4. Ito’y paglalahad na may layuning magtimbang-timbang
ang isang isyu.
MGA URI NG
SANAYSAY
1. Maanyo o Pormal – Sa maanyong sanaysay, karaniwang inaakay ng manunulat ang
mambabasa sa malalim na pag-iisip, pinapaglakbay ang guniguni sa tulong ng matitipunong kuro at
magagandahang pananalita. Seryoso sa pagtalakay ang may-akda. Hindi nagpapaligoy-ligoy,
tuwiran ang kanyang pahayag. Hindi nagbibiro bagaman at maaaring magpasaring o mangutya.
Supil o kontrolado ang emosyon ng may akda. Binibigyang diin ang katotohanan(ang facts). Tahas
ang tono at malinaw ang estraktura. Palibhasa ay may layuning magpaliwanag, humimok, o magturo,
kaya ang paglinang ng tema ay sa pamamagitang lohikal na kaayusan na malimit ay sinusuportahan
ng mga patotoo at estadistika. Malinaw ang pagkakabahagi ng kabuuang sanaysay sa tatlong
bahagi; ang panimula, gitna at wakas.
2. Pamilyar o di-pormal – Walang pag-aatubili at hindi seryoso. Malimit na nasusulat sa unang
panauhan at palagay na palagay ang loob ng may akda.