You are on page 1of 12

QUIZ 3.

4 – ESP 5
I. Ano ang tamang gawin sa mga sumusunod na sitwasyon?
Piliin ang letra ng tamang sagot. (10 points)

1. Nakita mong nagsusulat sa pader ng paaralan ang inyong mga


kamag-aral.

A. Hindi mo sila susuwayin.


B. Magsusulat ka rin sa pader.
C. Sasabihin sa guro ang ginawa nila.
2. Nag-iingay ang mga kaibigan mo sa loob ng simbahan

A. Huwag mo silang pansinin


B. Pagagalitan mo ang mga kaibigan mo
C. Sasabihin mo sakanila na huwag silang mag-ingay sa loob
ng simbahan
3. Habang naglalakad ka pauwi sa inyong bahay, nadaanan mo ang
isang pangkat ng kabataan sa inyong lugar na abalang-abala sa
pagkakabit ng banderitas para sa nalalapit na pista sa inyong
patron.

A. Ipagpatuloy lang ang paglalakad


B. Pagtatawanan mo sila sa kanilang ginagawa
C. Tumulong sa pagkakabit ng mga banderitas
4. Naghahanap ng boluntaryo ang guro mo para sa outreach activity
sa Tondo, Manila.

A. Magkunwaring hindi narinig ang sinabi ng guro.


B. Ituturo ang kaklase mo para siya na lang ang
magboluntaryo.
C. Hihikayatin mo ang iyong mga kaklase na sasali kayo sa
outreach activity.
5. Humihingi ng donasyon ang inyong simbahan para sa gagawing
renobasyon nito

A. Sasabihing wala kang pera para sa donasyon.


B. Sasabihin na sa iba nalang sila humingi ng donasyon
C. Tutulong ka sa paghingi ng donasyon para sa renobasyon
ng inyong simbahan
6. Nakita mong nagtapon ng basura si Albert sa ilog.

A. Ipahiya si Albert dahil sa kanyang ginawa.


B. Sasamahan si Albert sa kanyang ginagawa.
C. Sasabihin kay Albert na bawal magtapon ng basura sa ilog
dahil mamamatay ang mga isda.
7. Nakita mo ang isang magandang bulaklak sa hardin ng plaza at
gusto mo itong pitasin ngunit nabasa mo na “Bawal pumitas ng
bulaklak.”

A. Pitasin ito at laruin.


B. Pitasin ito at ibigay sa guro.
C. Huwag itong pitasin para makasunod sa babala sa hardin.
8. Nakita mong nagtatapon ng pinagbalatan ng saging si Miki.

A. Pagsabihan si Miki na bawal magtapon ng basura kung


saan-saan.
B. Sisigawan si Miki.
C. Pagagalitan si Miki.
9. Nakita mong kinakalkal ng isang aso ang basurahan at nagkalat
ito sa paligid.

A. Magkunwaring hindi nagkita ang aso.


B. Awatin ang ginagawang pagkalkal ng aso sa basurahan
upang hindi ito magkalat ng basura.
C. Tawagin ang mga bata na paalisin ang aso.
10.Nalaman mong kasali ang iyong tatay sa pamumutol ng punong-
kahoy.

A. Sasamahan si tatay sa pamumutol ng kahoy.


B. Pagalitan ang tatay sa pamumutol ng punong-kahoy.
C. Sasabihin nang maayos sa iyong tatay na mali ang
pamumutol ng punong-kahoy sa kagubatan.
II. Iguhit ang masayang mukha  kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran at
malungkot na mukha  naman kung hindi.

_____1. Ang malinis na kapaligiran ay nagsisilbing kayamanan ng isang


pamayanan.
_____2. Pagsasaayos o pagkukumpuni ng mga bagay na maaari pang ayusin
sa halip na ito ay itapon.
_____3. Pagtatapon ng mga basura sa mga ilog at dagat. _____4. Pagsunod sa
mga programa ng pamahalaan na may kinalaman sa pangangalaga ng
kapaligiran.
_____5. Paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at di-nabubulok.

You might also like