You are on page 1of 7

ANG TESKTONG

MULTIMODAL
SA KOMUNIKASYON
Ang multimodal ay binigyang-depinisyon na estilong paggamit
ng dalawa o mahigit pang moda ng komunikasyon.
Halimbawa ay mga imahen, kilos musika, pasalita
at/o pasulat na wika.
• Ano ang ibig-sabihin ng paglikha ng tekstong multimodal?
Ang Paglikha ay binigyang- kahulugan na ‘pagbuo at/o produksyon ng pasalita,
pasulat o nakaprint o nasa anyong digital na pinagsama-sama upang matugunan ang
iba't ibang pangangailangan sa iba't ibang disiplina.

• Bagama't ang pag-usbong ng literasiyang multimodal ay mahigpit na iniugnay sa


pag-usbong ng komunikasyong digital dulot ng teknolohiya, hindi
nangangahulugang pareho lamang angdigital at multimodal.
• Ang tekstong Multimodal ay maaaring papel – gaya ng mga aklat, komiks,
posters.
• Ang tekstong Multimodal ay maaaring digital – mula sa slide presentations,
e-books, blogs, e- posters, web pages at social media, tungo sa animation,
pelikula at video games.
• Ang tekstong Multimodal ay maaaring live (aktwal) – isang pagtatanghal,
pagpapamalas o pangyayari.
• Ang tekstong Multimodal ay maaaring transmedia –kung saan ang kuwento ay
isinasalaysay gamit ang multiple delivery channels.

Ito ay maaaring kombinasyon ng iba't ibang paraan sa paggamit ng midyum: •


aklat, komiks • magasin, pelikula • mga serye ng web • video game kung saan ang
lahat ng ito ay bahagi ng kabuoang kuwento.
Nagagawa ng Transmedia na mas linangin ang kuwento sa bawat midyum na
ginagamit gaya halimbawa ng pagbabalik-tanaw, bago ang mismong kuwento
(prequel), karagdagang mga ‘episodo’o higit pang pagpapaibayo sa mga tauhan at
banghay. (Jenkins, 2011).
• Tandaan ang tekstong multimodal ay ginagamit upang maging
mabisa, malikhain, malalim at madali ang isang pasalita at
pasulat na komunikasyon.
• Nililinang nito ang paggamit ng maraming midyum lalo na ang
teknolohiya sa pagpapaliwanag ng isang konsepto o paksa.
GAWAIN 3: Ang Tesktong Multimodal sa Komunikasyon
Paggawa ng isang maikling video reaction sa isang
patalastas/aklat/pelikula o iba pang uri ng Tekstong Multimodal.
PANUTO: Pumili ng isang uri ng Tekstong Multimodal at gumawa ng
maikling video reaction patungkol dito. Gawing basehan ang mga
tanong sa nakatala sa ibaba. Ang bidyo ang may tagal na 4 minuto ang
pinakamaikli habang 10 minuto ang pinakamahaba. Sa pagpasa ng
inyong gawain huwag kalimutang ilagay ang link o kopya ng inyong
binigyan ng reaksyon. (Maaaring sa pribadong mensahe na lamang
ilagay.)
MGA TANONG:
• Anong uri ng tekstong multimodal?
• Bakit mo ito napili?
• Ano ang nilalaman o impormasyong tinatalakay?
• Kung ito’y pelikula o web series, ano ang kuwento? May aral
ba tayong makukuha?
• Gaano kaepektibo ang ganitong uri ng tekstong multimodal
para sa komunikasyon?

You might also like