You are on page 1of 27

Colegio De San Juan De Letran - Manaoag

COLLEGE DEPARTMENT

ANG PANITIKAN SA
PANAHON NG MGA
KASTILA
BSED-FILIPINO I / BLOCK 3

PANGATLONG GRUPO
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG
PANITIKAN SA PANAHON NG KASTILA:

• Nagsimula ang Panitikan ng mga Kastila sa Pilipinas sa


pangunguna ni Gob. Hen. Miguel Lopez de Legazpi noong 1565.
• Kumulang humigit sa 44 na taon muna ang nakaraan simula nung
makarating si Magallanes sa Pilipinas noong 1521 bago opisyal na
nasakop ang Pilipinas ng Espanya.
• Mahigit sa 3 daang taong namalagi at lumaganap ang Panitikang
Filipino sa Kastila.
MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA PANAHON NG KASTILA

1.Naipalaganap ang Katolisismo sa buong kapuluan


2.Nagkaroon ng pangalan ang ating bansa
3.Nagkaroon ng apelyido
4.Nagkaroon ng bagong halaman at ito ay ang Tabako
5.Natutuo silang magdiwang ng kapistahan
6.Nagkaroon ng mga libangan
MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA
PANITIKANG FILIPINO

1. Ang “Alibata” na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang


Filipino na nahalinhan ng alpabetong Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga
gawang makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong yaon.
Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito
na naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, corido, moro-
moro, at iba pa.
MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA
PANITIKANG FILIPINO

5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang


panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa
wikang Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano, at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga
lathalain ng mga panahong yaon.
MGA AKLAT NA NAILIMBAG

DOCTRINA CRISTIANA(1593)

-Kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas


noon 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Aklat
ito nina padre Juan de Placencia at padre Domingo
Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila.
MGA AKLAT NA NAILIMBAG

Nuestra Senora del Rosario (1602)

-ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda


ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at
nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto.
Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong
Intsik.
MGA AKLAT NA NAILIMBAG

Barlaan at Josaphat (1708)

Ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas.


-

Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de


Borja. Orihinal na nasa wikang Griyego.
MGA AKLAT NA NAILIMBAG

PASYON

-Aklat na nauukol sa buhay at


pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa ito
tuwing Mahal na Araw.
MGA AKLAT NA NAILIMBAG

URBANA AT FELIZA

-Aklat na sinulat – ni Modesto de Castro, ang


tinaguriang “Ama ng Klasikong Tuluyan sa
Tagalog”.Naglalaman ito ng pagsusulatan ng
magkapatid na sina Urbana at Felisa.
ANG PANITIKANG PILIPINO NANG PANAHON NG
KASTILA AY NAHAHATI SA TATLONG YUGTO:

1. Panitikan sa ilalim ng Krus at Espada ng. Espanya.


2.Panitikan sa paggising ng damdaming makabayan.
3.Panitikan sa panahon ng Himagsikan.
MGA AKDANG PANGWIKA
ARTE Y REGALAS DE LA LENGUA TAGALA

-Sinulat ni Padre Blancas de San Jose At


isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong
1610.
MGA AKDANG PANGWIKA
Compendio de la LenguaTagala
-

isinulatniPadreGaspardeSanAgust
innoong1703.
MGA AKDANG PANGWIKA
VOCABULARIO DE LA LENGUA TAGALA

- Kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na


isinulat ni Padre Pedro de San
Buenaventura noong 1613.
MGA AKDANG PANGWIKA

Vocabulario de laLengua Pampango

-Unang aklat na pangwika sa


Kapampamgan na sinulat ni Padre Diego
Bergano noong 1732.
MGA AKDANG PANGWIKA
Vocabulario de laLengua Bisaya

Pinakamahusay na aklat pangwika sa


-

Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez


noong 1711.
MGA AKDANG PANGWIKA
Arte de la Lengua Bicolana

-Ito ang unang aklat pang Bikol na


sinulat ni Padre Marcos noong 1754.
MGA AKDANG PANGWIKA
Arte de laIloka
-Kauna-unahang Balarilang Ilokano

na sinulat ni Francisco Lopoez


PANITIKAN SA PAGGISING NG DAMDAMING
MAKABAYAN

-Noong Pebrero 17,1872 ang tatlong pardreng martir na sina Padre


Burgos,Gomez at Zamora ay binigay sa garote.Dito nabuhay ang
madamdaming makabayan ng pilipino.Nagsimula ang mapalabang
pagpapahayag ,nagtatag ng mga bagong kilusan sa pulitika na naging
mapanuligsa Ang panitikan.Naging makabayan Ang dating dalawang
relihiyon na humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng mga tauhan ng
pamahalaan at simbahan.Nakikala itong bansag na Kilusang Propaganda .
MGA UNANG TULANG TAGALOG

- Bago dumating Ang mga kastila ay walang tiyak


na kaanyuan ang tula.Masasabing ang mga Tulang
Filipino'y ang bugtong,salawikain,sawikain at
kasabihan.Nang dumating ang mga kastilay
matagal na nabalam Ang pagsulat ng mga tula.
MGA MANUNULAT AT MAKATA SA PANAHON
NG KASTILA
Fernando Bagongbanta – isa sa mga Unang makatang tagalog na taga
Abucay,Bataan.Siya ay tumulong Kay Padre Blanca’s de San Jose sa
paglilimbag ng Arte y Reglas.Ang tula nyang natuklasan ng mga
mananaliksik ay ang” Salamat na walang Hanggan”Ito y nasusulat sa
Tagalog at kastila.
• Cecilio Apostol - Isang pangunahing makata,mananaysay,tagasalin at
editor sa Wikang Español.Noong 1899 sumama Siya sa La Independencia
na itinatag ni Antonio Luna.Nakapgpagsulat siya sa mga pahayagang
nasyonalistiko tulad ng La Patria,La Fraternidad,La Democracia ,La
Renacimiento at La Union.
MGA MANUNULAT AT MAKATA SA PANAHON
NG KASTILA

Francisco de Buencochill -Isang paring Agustino , Unang paring Kastilang siyang nag aral ng panulaang
tagalog ,ang isinukat nya ay ang Arte Poetico Tagala”Natagpuan ito ni Wenceslao Retana at ipinalimbag sa Madrid
noong 1896.Sa akdang itoy nilahad ni Padre Buencochillo sining ng pantigan at aliw liw ng Tulang tagalog .

Pedro Suarez Osorio -Isang Filipino na nagmula sa Ermita,Maynila. Siya Ang Unang makatang Ladino na
nagsulat at naglathala ng tula.Ang kanyang kanta ay pinamagatang “Salamat ng Ualang Hoyang”ay nalathala sa
aklat na Explication de La doctrina en lengua tagala (1627)ni Padre Alonzo de Ana.Ginamitan Niya Ito ng dalit,at
bilang na wawaluhin at ng panawagan bilang estratehiya ng panretorika.
• Tomas Pinpin -itinuturing na Ama ng paglilimbag dahil Siya Ang Unang nakilala na manlilibag noong ipinasok
ng mga Español sa pilipinas Ang imprenta.Siya isang makatang Ladino at makikita Niya Ito sa librong
pinamagatang librong pag aaralan ng mga tagalog ng uicang castila.Ito Ang Unang aklat na nailimbag at naisulat
ng mga pilipino.
MGA URI NG PANITIKAN
A.PASYON PASYON – inaawit tuwing Kwaresma,hinggil sa buhay , sakit at pagdurusani
Kristo.
B.KOMEDYA/MORO-MORO KOMEDYA/MORO-MORO- isangmatandang dulang Kastila
nanaglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unangpanahon.
C. DALIT – ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria.

D. DUNG-AW-binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa,


magulang at anak.
MGA URI NG PANITIKAN

• E. KARAGATAN – isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang


dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay
siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
• F. DUPLO –larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa
patay.
• G. KARILYO – pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis
tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw.
• H. SENAKULO- isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong
Hesuskristo.
MGA URI NG PANITIKAN

• I. TIBAG isang pagtatanghal kung - buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa

• J. SARSUWELA- isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong
(3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti,
panibugho, pagkasuklam at iba pa. krus na pinagpakuan kay Kristo.
• K. KURIDO – galing sa salitang Mehikanong “corrido” na ang ibig sabihin ay “kasalukuyan
pangyayari” (current event). Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na walong (8) pantig at
pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at kababalaghan.
MGA URI NG PANITIKAN
• L. AWIT -tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang (12) pantig at may mga pangyayaring
hango sa tunay na buhay.
• M. PARABULA – kwentong hango sa Banal na Kasulatan na maaaring umakay sa tao sa matuwid
na landas ng buhay.
• N. KANTAHING-BAYAN – (Folk Songs) ang nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang
pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at ng mga kaisipan at damdamin ng bayan.
• O. SAYNETE – itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop
ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o
katutubo.
MGA KANTAHING-BAYAN

• Leron- leron Sinta = Tagalog


• Pamulinawen = Ilokano
• Dandansoy = Bisaya
• Sarong Banggin = Bikol
• Atin Cu Pung Singsing = Kapampamgan

You might also like