You are on page 1of 14

Balik-Aral

Panuto: Iguhit ang kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at kung di-
wasto ang isinasaad ng pangungusap at

_____1. Ginamit ng mga kababaihan ang kanilang katalinuhan upang


linlangin ang mga Hapones.
_____2. Ang mga sibilyan ay nakibaka sa pamamagitan ng pagiging
espiya laban sa mga Hapones.
_____3. Hindi naging sagabal ang kakulangan nila sa armas at
kagamitang pandigma maisulong lamang ang kanilang karapatan.
_____4. Maliban sa mga gerilya at Huk, marami ring Pilipino ang
nagpamalas ng kabayanihan sa panahon ng digmaan.
_____5. Malaki ang ginampanan ng mga sibilyan sa pakikibaka laban
sa mga Hapones.
 Sino sa inyo ang
Miyembro ng
Girlscout? Boyscout?
 
1. Sino ang nasa
larawan?
___________________
2. Ano ano ang
ginampanan at naiambag
niya sa panahon ng
digmaan laban sa mga
Hapon?
__________________
3. Ano anong katangian
ang ipinamalas niya sa
panahon ng digmaan?
Josefa Llanes Escoda
 
Isa sa mga kilalang bayani na
nagpamalas ng pagmamahal sa bayan si Josefa
Llanes Escoda.Hindi naging hadlang kay Josefa
Llanes- Escoda ang pagiging babae upang
maipakita niya ang pagmamalasakit sa bayan.
Lumahok siya sa digmaan laban sa mga Hapones.
Kilala siya bilang tagapagtaguyod ng
karapatang pangkababaihan sa Pilipinas. itinatag
niya ang mga Babaeng Iskawt sa Pilipinas
Binuo rin niya noong Mayo 26, 1940 ang
Pambansang Federasyon ng mga Samahan ng
Kababaihan.
Kasama ang kanyang asawa at ibang
kababaihan, tinulungan nila ang mga sundalong
Pilipino na sumuko at nagmartsa patungong
Capas, Tarlac. Tinulungan nila ang mga
sundalong Pilipino sa pamamagitan ng pagtatahi
ng mga isinusuot nila, pagbibigay ng pagkain,
damit at gamot.
Napag-alaman ng mga Hapones ang pagtulong
na ginawa sa mga sugatang sundalo. Dahil
dito, hinuli siya at ang kanyang asawa at
ikinulong sa Fort Santiago. Kahit nasa
bilangguan na siya, patuloy pa rin ang
pagtulong niya. Ang anumang tulong na
ipinadala ng mga kamag-anak ni Escoda ay
ibinahagi rin niya sa mga kasama niya sa
bilangguan.
Binawian siya ng buhay sa bilangguan
noong Enero, 1945.
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba
upang mas mapalalim mo pa ang
pagkakaunawa mo sa iyong binasa.
1. Ano ang itinatag ni Josefa Llanes Escoda?
2. Bakit siya nakilala bilang tagapagtaguyod
ng karapatang pangkababaihan sa Pilipinas?
3. Ano anong tulong ang ibinigay niya at ng
kanyang asawa sa mga sundalong Pilipino?
4. Nang mahuli siya at ang kanyang asawa,
saan sila ikinulong?
Pangkatang Gawain
Ibigay ang iyong reaksiyon hinggil sa aralin sa
pamamagitan ng mga sumusunod .
Pangkat 1 gumuhit ng isang poster
Pangkat 2: sumulat ng islogan
Pangkat 3 sumulat ng tula
Pangkat 4 gumawa ng isang awit
Pangkat 5 bumuo ng isang dula dulaan
Kung ikaw ay nabubuhay
noong panahon ng mga
Hapones, gagawin mo din ba
ang ginawa ni Josefa Llanes
Escoda at ng kanyang asawa?
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali
kung ito ay di-wasto.
1. Naging hadlang kay Josefa Llanes- Escoda ang pagiging babae upang
maipakita niya ang pagmamalasakit sa bayan
2. Binuo rin niya noong Mayo 26, 1940 ang Pambansang Federasyon ng
mga Samahan ng Kababaihan
3. Kasama ang kanyang asawa at ibang kababaihan, tinulungan nila ang mga
sundalong Pilipino na sumuko at nagmartsa patungong Capas, Tarlac
4. Hinuli si Josefa at at ang kanyang asawa at ikinulong sa Dapitan
5. Binawian siya ng buhay sa bilangguan noong Enero, 1940

You might also like