You are on page 1of 15

Tekstong Persweysiv

• Propaganda Devices
• Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang
produkto o iboto ang isang kandidato ay isang bagay
na dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung
mapapansin, ang mga patalastas sa telebisyon, at
magasin kinakailangang atensiyon mapansin. Ang
mga eksperto sa likod ng mga propagandang ito ay
may mga ginagamit na propaganda device. Ating
alamin kung ano-ano ito:
• 1. Name-Calling— Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang
taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang hindi
tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika.
Halimbawa: ang pekeng sabon, bagitong kandidato, trapo
(traditional politician)
• 2. Glittering Generalities—Ito ay ang magaganda at
nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa
mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. Halimbawa:
Mas makatitipid Sa bagong Ang inyong damit ay mas magiging
maputi sa puting-puti. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.
• 3. Transfer—Ang paggamit ng isang sikat na personalidad
upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
Halimbawa: Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ. —Grace
Poe; Manny Pacquiao gumagamit ng kapag nasasaktan.
• 4. Testimonial—Kapag ang isang sikat na personalidad ay
tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.
• 5. Plain Folks—Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o
komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay
pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto,
produkto, o serbisyo.
• 6. Card Stacking—lpinakikita nito ang lahat ng magagandang
katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi
magandang katangian. Halimbawa: Ang instant noodles na ito
ay nakapagbubuklod ng pamilya, nakatitipid sa oras, mura na,
masarap pa. (Ngunit hindi nito sinasabing kakaunti lang ang
sustansiyang taglay, maraming tagong asin at kung araw-araw
itong kakainin ay maaaring magdulot ng sakft.)
• 7. Bandwagon—Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat
na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil
ang lahat ay sumali na. Halimbawa: Buong bayan ay nag-peso
padala na.
• Tekstong Persweysiv
• Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o
mangumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong
persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at
makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang
siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin
ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.
• Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat
malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala
at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay
nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda.
• Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip
para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at
pagrerekrut para sa isang samahan o networking.
• Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang
tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay
ang sumusunod:
• 1. Ethos—Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng
isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang
manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak
na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang
isinusulat, kung hindi ay bakå hindi silå mahikayat
na maniwala rito.
• Halimbawa, ang isang taong nanghihikayat ng mga
turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas
gayong hindi pa siya nakapupunta rito ay maaaring
maging kaduda-duda. Gayunman, may iba pang
paraan upang magkaroon ng kredibilidad. Ang estilo
ng pagsulat ay mahalaga upang magkaroon ng
kredibilidad.
• Dapat na maisulat nang malinaw at wasto ang
teksto upang lumabas na hitik sa kaalaman at
mahusay ang sumusulat. Ang paraan ng pagsisipi
ng sangguman ay. maaaring makatulong sa
pagpapatibay ng kredibilidad. Kailangang
mapatunayan sa mga mambabasa na ang mga
datos at impormasyon ay wasto at napapanahon
upang makumbinsi na ang isinulat ay tama at
mapagkakatiwalaan.
• 2. Pathos—Tumutukoy ito sa gamitng emosyon o
damdaminupangmahikayat ang mambabasa. Ayon kay
Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling
madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng
pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay isang
epektibong paraan upang makumbinsi silå. Halimbawa,
ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaaantig ng
galit o awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat
silang pumanig sa manunulat.
• 3. Logos—lto ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang
makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan
ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga
Impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang
pananaw o punto ang siyang dapat paniwalaan.
Gayunman, isa sa mga madalas na pagkakamali ng mga
manunulat ang paggamit ng ad hominem fallacy, kung
saan ang manunulat ay sumasalungat sa personalidad
ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito.
• Kailangang tandaan na sa paggamit ng mga
paraang ito dapat isaalang-alang kung sino o anong
uri ang mga mambabasa. Halimbawa, kung ang
babasa ng teksto ay mga taong may hawak na
mataas na posisyon.o mga negosyante,
makabubuting gumamit ng may kredibilidad at
mga wastong impormasyon at datos upang silå ay
makumbinsi,
• habang mayroon namang mga mambabasa na
nahihikayat kung gagamitan ng apela sa emosyon.
Maaari ding gamitin ang lahat ng paraan o kung
mayroon pang naiisip na ibang paraan na magiging
epektibo sa uri ng inaasahan
• Basahin “Filipino, ang Pambansang Wikang Dapat pang
Ipaglaban” mula sa inyong mga handout at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan sa isang buong yellow paper.
• 1. Ano ang ipinaglalaban ng may akda?
• 2. Ano ang nais niyang mangyari?
• 3. Sino ang inaasahan niyang babasa ng kanyang teksto?
• 4. Anong paraan ng panghihikayat ang kanyang ginamit? Ethos,
phatos o logos? Patunayan ang iyong sagot.
• 5. Ano-anong dahilan ang kanyang inilatag upang makumbinsi ang
mambabasa na ipaglaban ang wikang Pambansa?

You might also like