You are on page 1of 7

ARALIN 2

MGA GAWAING
PANGKOMUNIKASYON NG MGA
PILIPINO (BERBAL)
Layunin ng Aralin:

• Maipaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng


iba’t ibang uri ng berbal na komunikasyon; at
• Mauri ang kabutihan at di-kabutihan ng ilang
mga berbal na usapan ng mga Pilipino.
Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga
Pilipino (Berbal)
• TSISMISAN - ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-
uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila
naroroon. Ngunit maaari namang gamitin ang
tsismis upang malaman ang tungkol sa mga
alituntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng
panlipunan at maging mas malapit sa bawat isa.
Tinutulungan tayo nito sa pamamagitan ng
pagpapaalam sa atin ng mahahalagang
impormasyon nang hindi na kailangang makipag-
usap sa bawat miyembro ng grupo.
• UMPUKAN - ang ibig sabihin ng "umpukan" ay
ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, o pagtitipon ng mga tao para sa isang
okasyon o pangyayari. Ginagamit din ang
"umpukan" para ilarawan ang kakapalan o
karamihan ng tao sa isang grupo o pangkat.
May mga umpukan na impormal ang talakayan
kung saan ang mga tao ay nagpapalitan ng
kurukuro o opinyon tungkol sa isang bagay o
paksa.
• TALAKAYAN - ito ay isang karaniwang gawain
sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng
talakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga
mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag, at
pangangatwiran.
• PAGBABAHAY- BAHAY - ang pagbabahay-bahay
ay isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang
lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga
bagay-bagay na upang makakuha ng
impormasyon. Halimbawa ng pagbabahay-
bahay ay ang background investigation sa taong
nais bumili ng kotse o mag-loan ng malaking
halaga. Nagsasagawa sila ng interview upang
makakuha ng iba pang impormasyon upang ma-
beripika kung totoo ang lahat ng iyong isinulat
sa kanilang application form.
• PULONG BAYAN - ito ay pagpupulong ng mga
taong naninirahan sa isang bayan upang pag-
usapan ang mga suliranin, hakbang, at maging
ang mga inaasahang pagbabago. Ito ay
pamamaraan ng mga Pilipino upang mapag-
usapan nang maayos ang mga bagay-bagay.

You might also like