Professional Documents
Culture Documents
PAGBASA
PAGBASA
KAALAMAN SA PAGBASA
Filipino 2: Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
PAGBASA
Lcfloralde
Kahalagahan ng Pagbasa
Lcfloralde
Iba pang Kahalagahan ng
Pagbasa
1. Mahalaga ang ginagampanang papel
ng pagbasa sa paglinang ng talino at
kaisipan.
Lcfloralde
2. Sa pagbasa, nagiging ganap
ang pagkatao ng isang
nilalang.
Lcfloralde
3. Ito ang susi at “life blood” ng
mga research, imbensyon,
lektyur at pag-aaral.
4. Nagsisilbing salamin upang makita
at masuri ng tao ang sarili batay sa
mga buhay ng ibang taong kanilang
nabasa.
Lcfloralde
URI NG PAGBASA
1. INTENSIBONG PAGBASA
- may kinalaman ito sa
masinsin at malalim na pagbasa
ng isang tiyak na teksto.
URI NG PAGBASA
2. EKSTENSIBONG PAGBASA
- ay may kinalaman sa pagbasa ng masaklaw
at maraming materyales
-upang makuha lamang ang “gist” o pinaka-
esensya at kahulugan ng binasa . Hindi
pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang
malabo o hindi alam ang kahulugan.
URI NG PAGBASA
3. SCANNING
- Ito ay nakatuon sa paghahanap
ng mga tiyak na impormasyon. Talas
ng paningin at memorya ang puhunan
ng isang mambabasa upang matukoy
ag mga tiyak na datos.
URI NG PAGBASA
4. SKIMMING
- Ang layunin ay alamin ang
kahulugan ng buong teksto. Sa
pamamagitan nito, ay maibubuod ng
mambabasa ang konsepto o ideyang
nakapaloob sa kanyang binasa.
e ns yo n sa Pa g ba sa
Dim
Unang Dimensyon:Pang-unawang Literal
Masasabing nararating o naranasan ang
pang-unawang ito kung makagagawa ng
buod, balangkas ng paghahanay ng mga
kaisipan o maibibigay ang pangunahing
kaisipan.
e ns yo n sa Pa g ba sa
Dim
Ikalawang Dimensyon:Interpretasyon
Pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda
kalakip ang mga karagdagang kahulugan. Dito ang
mambabasa o mag-aaral ay maaring magpahayag ng
sariling palagay, magbigay ng puna o magharap ng
kalutasan, pag-unawa sa mga tayutay o register ng
pahayag at magbigay ng saloobin o pandama.
e ns yo n sa Pa g ba sa
Dim
Ikatlong Dimensyon:Mapanuring Pagbasa
Pagkaalam sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng
kabisaan ng paglalahad. Dito ang mambabasa o
mag-aaral ay inaalam ang kakintalang
ipinahahayag ng binasa, naghahamon sa malawak
at nakikita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
mga diwa`t pangyayari sa katotohanan.
e ns yo n sa Pa g ba sa
Dim
Ikaapat na Dimensyon:Aplikasyon
Ito ang mambabasa o mag-aaral ay iniuugnay ang
kanyang binasa sa sariling karanasan na mauuwi
sa pagmumungkahi o pagtatakda ng wastong
direksyon sa larangan ng buhay. Ito’y
humahantong bilang daan sa pagbabago o
pagtutuwid ng mga kamalian.
e ns yo n sa Pa g ba sa
Dim
Ikalimang Dimensyon:Pagpapahalaga
Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga
kasanayan at kawilihan sa binasang
seleksyon. Dito ang mambabasa ay nagaganyak
na lumikha o gumawa ng sariling panunulat o
paglalapat ng mga kaukulang pagbabago sa
binasang akda.