You are on page 1of 9

Yunit 1

Ang Papel ng Lipunan sa Tao


E.S.P 9
Aralin 1
Ang Papel ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat
1. Ano nga ba ang Lipunan?
2. Paano ba nabuo ang isang
lipunan?
•Ito ay samahan ng mga taong nag-uugnay
sa isa’y isa sa pamamagitan ng isang
pinagkasunduang sistema at patakaran
• Ito ay nagmula sa salitang lipon na
nangangahulugang “pangkat”
• Ito ang tumutulong upang marating ang
bawat kasapi ang kaganapan ng kanyang
pagkatao

LIPUNAN
APAT NA URI NG LIPUNAN
(Paul J. Glenn)

Likas (natural) o Malaya (free)

•Ayon sa pangangailangan ng tao o bunga


ng malayang kasunduan ng mga tao.

• Nakakamit ng lipunan ang kaniyang


kalikasan sa pamilya at estado sapagkat
likas na lipunan ang pamilya at ang estado
APAT NA URI NG LIPUNAN
(Paul J. Glenn)

Payak (simple) o
Sama-sama (composite)
• Maaaring kabilang o hindi kabilang sa isang
malaking pangkat
• Ang malaking pangkat ay tinatawag na sama-
samang lipunan o composite na ang layunin ay
hindi saklaw ang mga maliliit kundi alagaan at
hayaan itong kumilos nang maayos at may
kalayaan.
APAT NA URI NG LIPUNAN
(Paul J. Glenn)

Ganap (perfect)
• Sumasaklaw sa hinihingi ng kalikasan.

• Ito ay may kakayahang matugunan ang


sariling pangangailangan
hal. Ang Estado at Simbahan bilang
ganap na lipunan
APAT NA URI NG LIPUNAN
(Paul J. Glenn)

Pantay (equal) o
Di-pantay (unequal)
• Na nagsasabing ang kapangyarihan ay ibinibigay
sa nakakarami, sa iisa o sa iilang tao lamang kung
saan ang iba ay sumasailalim o sumusunod.
hal. Isang samahan na nag papasiya batay sa
nakakarami
Pamilya ay isang halimbawa ng di pantay
sapagkat ang pinakamataas na kapangyarihan ay
nasa ama o ina
DALAWANG URI NG LIPUNAN
(Fr. Joseph M. De Torre)
Natural at Artipisyal
Maituturing na natural ang lipunan kung ito ay
itinatag dahil sa likas na pangangailangan ng tao
katulad ng pagkakaroon ng pamilya at lipunang
sibil (civil society).
Maituturing naman na artipisyal ang lipunan kung
ang layunin ng pagkakatatag nito ay para sa
kapakanan ng isang tiyak na pangkat tulad ng mga
non-govermental organization (NGO)

You might also like