You are on page 1of 18

KAHALAGAHAN NG

PAGMAMAHAL SA
BAYAN

ESP 10
PANGKAT 1
MOTIVATION
PANUTO:

Ayusin ang mga JUMBLED LETTERS


na may kaugayan sa Pagmamahal sa
Bayan.
TYIIPORTAOSM

PATRIYOTISMO
YANSISLMONOA

NASYONALISM
O
GATAKNGPIKIL

PAGTANGKILIK
Bakit nga ba mahalaga ang pagmamahal sa bayan?

Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang


sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng
responsibilidad na ito, dahil ang tao ay umiiral na
nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay
nangangahulugan tayo bilang tao ay umiiral sa
mundo kasama ang ating kapuwa.
Para maunawaan mo kung gaano kahalaga ang
pagmamahal,gawin nating halimbawa ang sumusunod:

Una, ano ang mangyayari sa isang pamilya kung


hindi kinakikitaan ng pagmamahal ang bawat
miyembro nito? Maaaring ang mag-asawa ay
magkahiwalay, ang mga anak magkaniya-kaniya at
sa pagtanda ng mga magulang, walang kakalinga sa
kanila. Magulo at nakalulungkot, di ba?
Ikalawa, ano ang mangyayari sa grupo ng
manlalaro kung hindi nila ipinamalas ang
pagmamahal sa kapuwa manlalaro nila sa kanilang
koponan? Maipapanalo ba nila ang grupo? Diba
lagi mong naririnig ang salitang puso sa tuwing
kinakapanayam ang manlalaro na nagbigay nang
malaking puntos upang ipanalo ang koponan?
Saan unang itinuro ang "pagmamahal"?
Ang pamilya ang unang paaralan ng pagmamahal;
pinapalawak ito sa paaralan at pinauunlad ng
pakikisalamuha sa kapuwa sa lipunang
kinagagalawan. Kung ang pagmamahal ay
nadarama sa bawat miyembro ng pamilya, walang
pamilyang magkakawatak-watak. Magiging
masaya at makakaya nila ang bawat hamon ng
buhay
Para sa isang koponan na nagpamalas ng
pagmamahal sa grupo at miyembro nito,
hindi lang pagkapanalo sa mga laro kundi
magkakaroon ng sense of pride at mataas na
tingin sa sarili. Ang pagmamahal na ito ang
siyang magiging daan upang makamit ang
mga layunin na gustong maisakatuparan
Kung isasabuhay natin ang pagmamahal sa bayan; may
mangyayari bang patayan? May manloloob at magmamalabis
ba sa kapuwa? May mga negosyante bang magtatago ng
kanilang paninda upang lumakas ang demand at tumaas ang
presyo ng bilihin? Uusbong ba ang walang katapusang isyu ng
korapsiyon? May mangyayari bang kalamidad na likha ng tao
dahil sa walang pakundangang pagsira ng likas na yaman?
Ang mga socio- economic problem na ito ay maiiwasan kung
hindi man mapigilan kung may pagmamahal sa bayan. Ang
pagmamahal na ito ang magbubuklod sa mga tao sa lipunan.
Ang pagpapamalas ng
pagmamahal sa bayan ay
pagsasabuhay ng
pagkamamamayan; isang
indibidwal na ibinabahagi ang
talino sa iba, pinangangalagaan
ang integridad ng pagkatao,
pinahahalagahan ang
karangalan ng pamilya, na ang
pagmamahal ay likas bilang
taong may malasakit para sa
adhikaing mapabuti ang lahat
Ang pagmamahal na ito ay
nakaugat sa kaniyang
pagkakakilanlan bilang taong may
pagmamahal sa bayan na
iniingatan ang karapatan at
dignidad. Dito lang ba magtatapos
ang lahat? Sabi nga, kapag mahal
mo ang isang tao, alam mo kung
ano ang magpapasaya at ang
mahalaga sa kaniya. Wala itong
ipinagkaiba sa pagmamahal sa
bayan, ang isang mamamayan na
may pagmamahal sa bayan ay may
pagpapahalaga sa kultura,
tradisyon, at pagkakakilanlan ng
kaniyang bayan.
Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan:
*Nagiging daan upang makamit ang
mga layunin
*Pinagbubuklod ang mga tao sa
Lipunan
*Naiingatan at napapahalagahan ang
Karapatan at Dignidad ng Tao
*Napapahalagahan ang Kultura,
Paniniwala,at Pagkakakilalanlan
SALAMAT PO

You might also like