You are on page 1of 34

FILIPINO 2 (PT-Q4)

PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga tanong sa


bawat bilang at sagutin ito pagkatapos. Piliin ang letra ng
tamang sagot. Isulat ito sa patlang.
1. Piliin sa batayang talasalitaan ang
katumbas ng salitang nasa larawan.
A. bahay B. bundok
C. gulay D. palay

2. Ito ay hayop na sumisira ng mga gamit sa loob ng


bahay at nagdadala ng sakit ang ihi nito lalong-lalo
na tuwing tag-ulan.
B. burol B. kuko
C. daga D. pala
3. Si Lolo Isko ay nagbabasa ng dyaryo. Alin ang
salitang kilos sa pangungusap?
A. dyaryo B. Isko
C. Lolo D. nagbabasa

4. Si Tina ay bumili ng itlog sa tindahan. Alin ang


salitang kilos sa pangungusap?
B. bumili B. itlog
C. Tina D. tindahan
5. Ang mga bata ay masayang _____________ sa
plasa. Alin ang salitang kilos na dapat ipuno sa
patlang?
A. nag-aaral B. naglalaba
C. naglalaro D. natutulog
6. Tingnan ang nasa larawan. Punan ng angkop na
salitang kilos upang mabuo ang pangungusap.
Ang bata ay _______________ ng mga plato.

A. nagdidilig B. naghuhugas
C. naglalaba D. naglalaro
7. Maraming turista ang naaliw sa mga
magagandang tanawin na nakikita nila sa ating
bansa. Alin ang kasingkahulugan ng salitang
may guhit sa pangungusap?

A. nagalit B. natuwa
C. nalungkot D. natakot
8. Matamis ang hinog na mangga samantalang
ang sampalok ay
____________. Alin ang kasalungat ng salitang
may salungguhit sa
pangungusap?

A. malasa B. malinamnam
C. maasim D. masarap
9. Maraming basura ang makikita sa paligid kaya
mabaho ang amoy ng paligid. Alin ang kasalungat
ng mga salitang may
salungguhit sa pangungusap?

A. kakaunti-mainit
B. kakaunti-mabango
C. kakaunti-malinaw
D. kakaunti- maliwanag
10. Si nanay ay naglalaba tuwing Sabado ng
umaga. Ang mga salitang may salungguhit ay
nagsasaad ng _____________ ng pagsagawa
ng kilos.

A. paraan B. panahon
C. lugar D. kilos
11. Si Lola Conchita ay umiinom ng mainit na
kape sa kanilang terasa. Alin ang salitang
nagsasaad ng lugar sa pangungusap?

A. kape C. Lola Conchita


B. umiinom D. sa kanilang tersa
12. Ang mga bata ay masayang-masaya habang
nanonood ng telebisyon. Alin sa mga salita ang
nagsasaad ng paraan ng
pagsasagawa ng kilos?

A. mga bata
B. habang nanonood
C. telebisyon
D. masayang-masaya
Basahin ang talata.
May alagang ibon si Islaw. Ising ang pangalan ng
ibon niya. Puti at maliit si Ising. Nasa isang hawla si
Ising. Araw-araw ay binibigyan ng pagkain ni Islaw
si Ising. Masaya si Islaw sa alaga niya.
Isang araw, nakawala sa hawla si Ising. Hinanap ni
Islaw si Ising. Hindi nakita ni Islaw si Ising. Pag-
uwi ni Islaw, naroon na si Ising. Hinihintay na siya
sa loob ng bahay.
13. Ano ang angkop na pamagat sa binasang
teksto?
A. Ang Ibon
B. Nalungkot si Islaw
C. Si Islaw
D. Si Islaw at ang Ibong si Ising
Ang mga langgam ay may kaniya-kaniyang gawain sa
kanilang pugad. Naghuhukay ang ilan upang kanilang
matirhan ang iba pang mumunting butas o guwang.
Naglilibot ang iba upang mangalap ng maiimbak na
pagkain. Naglilinis naman ng mga pugad ang mga
babaeng langgam. Sa pugad may mga nakatalagang
tagapag-alaga sa mga bagong luwal na langgam.
Ipinagtatanggol ng mga sundalong langgam ang mga
pugad lanban sa mga kaaway.
14. Alin ang angkop na pamagat sa binasang
teksto?

A. Ang Mga Langgam


B. Ang Babaeng Langgam
C. Mga Gawain ng Langgam
D. Ang Sundalong Langgam
15. Bumili si Aling Josie ng pulang payong
para kina Janine at Janice. Alin ang pang-
ukol na ginamit sa pangungusap?

A. si B. ng
C.para kina D. at
16. Ayon sa bansang Amerika, nakahanda silang
tumulong sa mga nasalanta ng kalamidad sa ating
bansa. Ang pang-ukol
na ginamit sa pangungusap ay _____________.

A. Ayon sa B. na
C. ng D. sa
17. Bumili ako ng bulaklak ___________ mga
yumao naming kamag-anak.

A. para kay B. para kina


C. para sa D. para kay
18. Hinihikayat _____ Mayor Joseph
Asuncion ang lahat ng mga tao sa bayan nila
na magtanim ng mga gulay sa paligid ng
kanilang opisina. Alin ang angkop na pang-
ukol ang pupuno
sa pangungusap?

A. ni B. nina
C. si D. sina
19. Ang batang magalang ay kinalulugdan ng
lahat. Alin ang
wastong pagpapantig ng salitang may
salungguhit?

A. kin-a-lu-lug-dan
B. ki-na-lu-lug-dan
C. ki-na-lulug-dan
D. k-i-na-lu-lug-dan
20. Ako ay mag-aaral nang mabuti para sa
aking magandang
ki-na-___-ka-san.
Punan ng nawawalang pantig upang mabuo
ang salita.

A. bu B. ku
C. bi D. ka
21. Mabango ang mga bulaklak sa hardin.
Ang kayarian ng
pangungusap na ginamit ay __________.

A. Hugnayan B. Payak
C. Tambalan D. Tauhan
22. Sinasagutan ng mga mag-aaral ang
modyul habang ginagabayan sila ng kanilang
mga magulang. Anong
elemento o kayarian ng pangungusap ang
ginamit?

A. Hugnayan B. Payak
C. Tambalan D. Tagpuan
23. Mainit at masakit sa balat ang sikat ng
araw. Anong bahagi ng
pangungusap ang mga salitang may
salungguhit?

A. Simuno
B. Tuwirang Layon
C. Panaguri
D. Di-Tuwirang Layon
24. Sina Mara at Marie ay magaling umawit
kaya sumali sila sa
palatuntunan. Alin ang simuno sa
pangungusap?

A. sa palatuntunan
B. Mara at Marie
C. magaling umawit
D. sumali
25. Si Manuel Luis Quezon ang tinaguriang
ang “Ama ng Wikang Pambansa.” Alin ang
simuno sa pangungusap?
A. Ama
B. Manuel Luis Quezon
C. Tinagurian
D. Ama ng Wikang Pambansa
26. Ang mangingisda ay maraming nahuling
isda.
Alin ang panaguri sa pangungusap?

A. Marami
B. nahuling isda
C. Mangingisda
D. maraming nahuling isda
Gatas na Pampalakas

“May ulat si Aya tungkol sa gatas, pakinggan natin siya,”


ang hiling ni Gng. Santos. “Taglay ng gatas ang lahat ng
sustansiyang kailangan ng tao. May asukal at taba itong
nagbibigay ng init at lakas. May protina rin itong
tumutulong sa paglaki. Ang mineral naman nito ay
nagpapatigas at nagpapatibay ng ating mga buto at
ngipin. May mga bitamina pa itong tumutulong sa
maayos na gawain ng katawan.
27. Ano-anong mga sumusuportang kaisipan ang taglay
ng gatas kaya ito masustansiya?

A. Ang gatas ay protinang tumutulong sa paglaki.


B. Ang gatas ay may bitamina upang maging maayos
ang katawan.
C. May asukal at taba ang gatas na nagbibigay ng init
at Lakas ng katawan.
D. Taglay ng gatas ang mineral, bitamina, at protina
kaya ito ay masustansiya.
Ang Pagbabagong Anyo ng Palaka

Ikinuwento ni Jun sa kaniyang ina ang natutuhan niya sa


paaralan. “Ang palaka po pala ay may tatlong yugto ng
kaniyang buhay. Una po, nabubuhay sila bilang isang
itlog na nababalutan ng likidong malapot upang di sila
makain ng ibang hayop sa tubig. Pangalawa, sila ay
nagiging buteteng may hasang at buntot upang sila ay
makahinga at makalangoy sa tubig.
Sa paglipas ng mga araw, nabubuo ang baga nito
kasabay ang pagkawala ng buntot at hasang.
Napapalitan ito ng mga paa upang sila ay
makapamuhay sa lupa bilang isang ganap ng palaka.”

“Magaling talaga ang anak ko. Natandaan mo ang


inyong leksiyon sa araw na ito.” Sabi ng kanyang
natutuwang ina.
28. Ang mga sumusunod ay mga sumusuportang
kaisipan ng talata maliban sa isa, alin ito?

A. Ang palaka ay ipinanganak na buhay.


B. Ang palaka ay may tatlong yugto ng buhay.
C. Ang hasang at buntot ay napapalitan ng paa.
D. Ang mga itlog ay nagiging butete at nagkakaroon ng
hasang at buntot.
Araw ng Sabado. Maagang gumising si Nico.
Masayang-masaya siya nang araw na iyon dahil
ngayon ay araw ng pahinga niya. Ito rin ang araw ng
kaniyang paglalaro dahil tapos na siya sa pagsagot ng
kaniyang modyul.

29. Sino ang maagang gumising?


A. Mico B. Nico
C. Rico D.Vico
30. Kailan gumising ng maaga si Nico?
A. Ara-araw
B. Araw ng Lunes
C. Araw ng Linggo
D.Araw ng Sabado

You might also like