You are on page 1of 11

KATITIKAN

ARALIN 7 NG
PULONG
 Pag-oorganisa ng Pulong
 Mga Elemento ng Pulong
1. Pagpaplano
 Sa pagpaplano, masusing binubuo ang layunin ng pulong.
Dito itinatakda ang mga inaasahang makamit.
 Pinaguusapan ang mga posibilidad na mangyayari kung
hindi mapagpupulungan ang paksa.
 Iniisa-isa rin sa elementong ito ang mga paksang
tatalakayin sa pulong.
 Sa huli, pinagdedesisyunan rin kung may mga kailangang
imbitahan sa pulong.
 Pag-oorganisa ng Pulong
 Mga Elemento ng Pulong
 Ang layunin ay dapat na malinaw upang malaman ang
kahalagahan ng pulong. Isinasagawa ang pulong upang
tugunan ang mga sumusunod na layunin.
1. Pagpaplano para sa organisasyon.
2. Pagbibigay ng impormasyon.
3. Pagkokonsulta
4. Paglutas ng problema
5. Pagtatasa
 Pag-oorganisa ng Pulong
 Mga Elemento ng Pulong
2. Paghahanda
 Bawat kasapi ng organisasyon ay may kanya-kanyang
gampanin sa paghahanda.
1. Tagapangulo – sa kanya nagmumula ang agenda. Siya
ang magdidisenyo kung paano patakbuhin ang pulong at
kung paano tatalakayin ang lahat ng isyu.
2. Kalihim – kailangan niyang ihanda ang katitikan ng
pagpupulong o talaan noon nakaraang pulong at iba pang
mga ulat sa kasulatan ng organisasyon.
 Pag-oorganisa ng Pulong
 Mga Elemento ng Pulong
3. Mga kasapi sa pulong – kailangang pag-aralan nila ang
agenda o mga bagay na pag-uusapan para aktibo ang
kanilang pakikilahok. Mga kasapi na rin ang namamahala sa
paghahanda ng lugar at mga gagamitin sa pagpupulong.
 Pag-oorganisa ng Pulong
 Mga Elemento ng Pulong
3. Pagpoproseso
 Sa mga pormal na pagpupulong ay may sinusunod na
mga patakaran. Ang mga ito ay itinakda at ginagamit sa
lahat ng pulong .
1. Quorom – ito ang bilang ng mga kasapi na kasa sa
pulong na dapat dumalo para maging opisyal ang pulong.
Madalas ito ay 50%+1 ng bilang ng mga inaasahang
dadalo sa pulong.
 Pag-oorganisa ng Pulong
 Mga Elemento ng Pulong
2. Consensus – isang proseso ng pagdedesisyon kung saan
tinitiyak ng nagkakaisa ang lahat ng mga kasapi sa pulong sa
anumang pasya.

3. Simpleng mayorya – isang proseso ng pagdedesisyon


kung saan kinakailangan ang 50%+1 (simple majority) ng
pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa
isang opisyan na pulong.
 Pag-oorganisa ng Pulong
 Mga Elemento ng Pulong
4. 2/3 majority – isang proseso ng pagdedesisyon na kung
saan kinakailangan ang 2/3 o 66% na pagsang-ayon ng mga
dumalo sa isang opisyal na pulong.

 Mahalaga ang oras sa lahat ng pagkakataon. Kung kaya sa


mga pagpupulong, inaasahan na magsisimula at
matatapos sa itinakdang oras nang sa gayon ay higit na
maging aktibo ang mga dadalo.
 Pag-oorganisa ng Pulong
 Mga Elemento ng Pulong
4. Pagtatala
 Lahat ng kasapi sa pulong ay kinakailangang magtala ng
mga impormasyon habang isinasagawa ang pulong.
 Ngunit ang kalihim ang maghahanda ng opisyal na tala ng
pulong o ng katitikan.
 Ito ang record ng mga desisyon at pinag-uusapan sa
pulong.
 Maari itong balikan ng organisasyon kung may
kinakailangang linawin sa mga nakaraang pag-uusap.
 Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
katitikan ng Pulong
WIKA
 Pormal ang wikang ginagamit sa pagsulat ng katitikan ng
pulong dahil ito ay mahalagang dokumento.
ESTILO
 May konsistensi dapat sa estilong gagamitin. Pormal ang
estilo dahil pormal din ang paksa at wika.
 Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
katitikan ng Pulong
NILALAMAN
 Katitikan ang pinakapamagat ng dokumento, kasunod ang
pangalan ng organisasyon o kagawaran ng nagpulong,
petsa, lugar at oras ng simula at pagwawakas ng pulong.

You might also like