You are on page 1of 12

A R A L PAN 10

Grade-10 Ptolemy

Let's get started


Paksa:3 Ang Diskriminasyon sa
Kasarian sa Lugar ng Trabaho

Modyul 2
Paksa 4: Mga Salik na Nagiging
Dahilan ng Pagkakaroon ng
Tip: Use
links to Diskriminasyon sa Kasarian
go to a
different
page
inside
your
presenta
tion.

How:
Highlig
ht text,
click on
the link
symbol
on the
toolbar,
and
select
Paksa 3: Workplace Gender
Discrimination

Nangagahulugang ang isang empleyado o isang aplikante sa


trabaho ay tinatrato ng hindi patas o hindi makatwiran dahil
sa kanyang gender o kasarian , o dahil siya ay kaanib ng
isang samahan o grupo na nauugnay sa isang particular na
gender o kasarian.
Mga Anyo O Halimbawa:
1. Hindi tinatanggap sa trabaho o binibigyan ng iang posisyong
mababa ang sahod dahil sa kasarian.
2. Binabayaran ka ng mas mababa kaysa sa isang katrabaho na
may ibang gender na kalebel mo lang o kapareho lang ng
ginagawa.
3. Pinagkaitan ka ng promosyon, pagtaas ng suweldo, o
oportunidad sa pagsasanay na ibinigay sa mga tao na may
ibang kasarian na kapantay mo o kapareho mo ng
kuwalipikasyon.
Mga Anyo O Halimbawa:
4. Iniuulat o dinidisiplina ka para sa isang bagay na lagi naming
ginagawa ng iba pang mga empleyado na may ibang kasarian,
kung saan ay hindi ay hindi naman sila pinarusahan kailanman.
5. Iniinsulto, tinatawag ng mga mapanirang pangalan o mga
paninira dahil sa iyong kasarian o nakaririnig ng mga hindi
magandang pahayag tungkol sa mga tao dail sa kanilang sex,
gender o gender identity.
6. Sinasadya o paulit-ulit na tinatawag ka sa isang gender-based
na tawag o iniuuri ka at tinatawag sa kasariang hindi mo naman
kinabibilangan.
Mga Anyo O Halimbawa:
7. Ginagawan ka ng seksuwal na pambabastos, hinihingan ka ng
seksuwal na pabor, o ginagawan ka ng verbal o pisikal na
pnliligalig (harassment) na may seksuwal ang anyo dahil sa
gender.
8. Tinanggihan ka sa trabaho, pinilit na umalis, o bingyan ng mas
kaunting mga gawain dahil sa pagiging buntis.
9. Ipinailalim sa mas mataas na pamantayan, o ginawang mas
mahigpit ang kuwalipikasyon dahil sa kasarian o dahil hindi
kumikilos o hindi ipinipresenta ang sarili sa paraang umaayon sa
tradisyonal na mga ideya ng pagkababae o pagkalalaki.
Paksa 4: SALIK NG PAGKAKAROON
NG DISKRIMINASYON SA
KASARIAN

Bakit may Diskriminasyon? Ano kaya


ang ilan sa mga sanhi ng umiiral na
diskriminasyon?
MGA SALIK:
1. RELIHIYON AT KULTURA
-Maraming kultura ang naglalagay sa mga babae sa ilalim ng
mga lalaki. Maging ang Banal na Kasulatan ng maraming
relihiyon ay nagpapahiwatig nang higit na katayuan ng
kalalakihan.
-Ang tradisyonal na paniniwala sa maraming kultura na
sinasang-ayunan ng mga Banal na Kasulatan ay dalawa
lamang ang tanggap na kasarian (gender)-ang lalaki at babae.
MGA SALIK:
2. PISIKAL NA KAANYUAN
-Ang mga babae ay pangkaraniwan nang nakikita bilang mas
maliliit at mas mahihina. Kung ang pagiging brusko ay
tanggap na katangian ng mga lalaki, ang mga babae naman ay
inaasahan na maging mahihinhin.
-Ang ganitong mga konsepto ay sinasabing nagbubunga rin
ng diskriminasyon at maging ng pang-aabuso sa mga babae.
MGA SALIK:
3. TRABAHO
-Nagsisilbi ring salik ng diskrimiasyon sapagkat may mga uri
ng hanapbuhay o propesyon na parang nilikha lamang sa mga
“mas malakas” na kasarian—ang lalaki.
-May mga hanap buhay halimbawang nangangailangan ng
pisikal na lakas ng kalalakihan kaya’t madalas na ang mga
ganitong uri ng trabaho ay hindi ibinibigay sa mga babae o sa
mga kabilang sa iba pang gender.
MGA SALIK:
4. EDUKASYON
-Lalo na sa mga nakaraang panahon, may mga kursong
pinaniniwalaang dapat kunin ng lalaki lamang o kaya
ng babae lamang.
-Halimbawa: Ang abogasya at pang-iinhinyero ay
dating para sa mga lalaki lamang. Ang kursong nursing
naman ay dating iniaalok lamang sa kababaihan.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!!!

You might also like