You are on page 1of 14

Kasaysayan ng wikang

pambansa
Unang Bahagi
•“Ating lingunin ang nakaraan, at
alamin ang kasaysayan. Ito ang
susi upang mapalalim ang pag-
unawa sa wikang pambansang
ating pagkakakilanlan.”
Alam mo ba?
Sinasabing ang wika sa Pilipinas ay kabilang sa malaking
pamilya ng mga wikang Austronesian. Kabilang sa
pamilyang ito ang sumusunod:
• Mga wika mula sa Formosa (Taiwan) sa hilaga
hanggang New Zealand sa timog.
• Mula isla ng Madagascar sa may baybayin ng Africa
hanggang Easter Islands sa gitnang Pasipiko.
• Ang limandaang wikang kasali sa pamilyang Austronesian ay
sangwalo (1/8) ng mga wika sa mundo.
• Ang relasyon ng mga wika ay sinasabing nagbibigkis ng wikang
katutubo sa Pilipinas sa kadahilanang kahit nagsasariling wika ay
may mga nagkakaisang katangian ang mga wikang katutubo sa
gramatika, estruktura ng pangungusap, sa leksiyon, at iba pa.
- Ito ang itinuturing na dahilan kung bakit nagiging madali
para sa isang Pilipino ang matuto ng iba pang wikang
katutubo sa Pilipinas.
Sanggunian: Almario, Virgilio S. Madalas. Itanong ukol sa Wikang Pambansa: Komisyon sa Wikang Filipino,
{c.2004}
Ayon sa mga propesor sa komunikasyon
na sina Emmert at Donaghy (1981), ang wika,
kung ito ay pasalita, ay isang sistema ng mga
sagisag na binubuo ng mga tunog; kung ito
naman ay pasulat, ito ay iniuugnay natin sa
mga kahulugang nais iparating sa ibang tao.
Ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan
ng wika ay matatagpuan sa Banal na Aklat.
• Sa Genesis 2:20 naisulat na “ 20 At pinangalanan ng
lalaki ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa
himpapawid, at ang bawat ganid sa parang.”
• Ayon sa bersyong ito, magagamit kasabay ng
pagkalalang sa tao ay ang pagsilang din sa wika na
ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Sa Genesis 11: 1-9 naman
ay ipinakita ang pinagmulan
ng pagkakaiba-iba ng wika.
Ebolusyon
• Ayon sa mga antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng
panahon ang mga tao ay nagkaroon ng mas sopistikadong
pag-iisip.
• Umuunlad ang kakayahan ng taong tumuklas ng mga bagay na
kakailanganin nila upang mabuhay kaya sila ang nakadiskubre
ng mga wikang kanilang ginamit sa pakikipagtalastasan.
• Sa huling bahagi ng ikalabindalawang siglo, ang mga iskolar
ay nagsimulang mag-usisa kung paanong ang tao ay
nagkaroon ng mga wika.
Teoryang Ding dong
‘tunog ng kalikasan’
Ipinakikita
ng teoryang ito na may sariling tunog
na kumakatawan sa lahat ng bagay ng
kapaligiran na maaaring gamitin upang
pangalanan ang bagay na ito.
Teoryang Bow-Wow
• Ang wika ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa
mga tunog na nilikha ng mga hayop, katulad ng bow-wow para sa
aso, ngiyaw para sa pusa, kwak-kwak para sa pato, at moo para sa
baka.
• Sinasabi pang kagaya ng mga sanggol na nag-uumpisang magsalita,
ginagaya ng mga ito ang mga tunog na kanilang naririnig.
• Marami ang hindi sang-ayon sa teoryang ito sapagkat sa bawat
bansa ay naiiba ang tawag sa mga tunog na nililikha ng mga hayop
gayong pare-pareho naman ang mga ito.
Teoryang Pooh-Pooh
• Nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso
ng damdamin.
• Gamit ang bibig, napabubulalas ang
mga tunog ng pagdaing na dala ng
takot, lungkot, galit, saya at
paglalaan ng lakas.
Teoryang Ta-Ta
Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o
galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na
okasyon ay ginaya ng dila at naging
sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at kalauna’y nagsalita.
Teoryang Yo-he-ho
• Ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama, lalo na
kapag nagtatrabaho nang magkakasama. Ang mga tunog
o himig na namumutawi sa mga bibig ng tao kapag sila
ay nagtatrabaho nang sama-sama ay sinasabing
pinagmulan ng wika.
• Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond (2003) na
ang tao ay natutong magsalita bunga di-umano ng
kanyang puwersang pisikal.
Teoryang Yum-Yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao
ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa
alinmang bagay na nangangailangan ng
aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila.
Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag
ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng

You might also like