You are on page 1of 20

PANGHALIP

ANO ANG PANGHALIP


Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang uri
ng salita na inihahalip o pamalit sa isang pangngalan
na nagamit na sa isang pangungusap o talata. Ito ay
bahagi ng pananalita na ginagamit upang maiwasan
ang paulit-ulit na pagbanggit ng isang pangngalan.
Mayroong pitong (7) uri ang panghalip.
URI NG PANGHALIP
• Panghalip na Panao
• Panghalip na Pananong
• Panghalip na Panaklaw
• Panghalip na Pamatlig
• Panghalip na Pamanggit
• Panghalip na Paari
• Panghalip na Patulad
PANGHALIP NA PANAO

Ang panghalip na panao o personal pronoun sa Ingles ay


ginagamit na pamalit sa mga pangngalan na pangtao. Ito ay
may tatlong anyo at tatlong panauhan. Ang tatlong panauhan ay
ang mga sumusunod:
UNANG PANAUHAN
Ang unang panauhan ay tumutukoy sa taong nagsasalita. Halimbawa nito
ang mga salitang ako, ko, kita, tayo, natin, atin, kami, at namin. [Hal. Ako
ay may nakitang ball pen.]

IKALAWANG PANAUHAN
Ang pangalawang panuhan naman ay tumutokoy sa taong kinakausap.
Halimbawa nito ang mga salitang ikaw, ng, mo, iyo, kayo, ninyo, at inyo.[Hal.
Ang ball pen na Nakita ko ay sa iyo.]
IKATLONG PANAUHAN
Ang ikatlong panauhan ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan. Halimbawa
nito ang mga salitang niya, kanya, sila, nila at kanila.[Hal.Ang ball pen na
iyon ay inilagay niya sa kaniyang bag.]
K A I L A N A N N G PA N G H A L I P N A PA N A O
1. ISAHAN
Ito ay ginagamit kung ang pangngalang pangtao na binabanggit ay isa lang. Ang ako, ko, akin ay para sa
unang panauhan. Ikaw, ka, mo, at iyo naman para sa pangalawang panauhan. Siya, niya, at kanya naman
para sa pangatlong panauhan.

2 . D A L A WA H A N
Ito naman ay ginagamit kung ang binabanggit na pangngalan ay dalawang tao lamang. Ito ay ang kita at
tayo para sa unang panauhan. Kayo at inyo para sa pangalawang panauhan. At sila at nila/kanila para sa
pangatlong panauhan.

3. MARAMIHAN
Ito naman ay ginagamit para sa maramihan o grupo ng tao. Tayo, kami, amin, atin, natin ay para sa unang
panauhan. Kayo, inyo, ninyo naman para sa pangalawang panauhan. Sila, nila, kanila naman para sa
pangatlong panauhan.
MGA HALIMBAWA
1. Huwag mo naman akong iwan dito.
2. Para sa atin naman itong ginagawa natin kaya tapusin nalang natin ito.
3. Sa akin nalang muna siya titira habang inaayos pa ang kanilang bahay.
4. Sa kanya pa rin daw siya uuwi kahit pagkatapos ng nangyari sa kanila
noong isang linggo.
5. Nakikita ko talaga ang lungkot sa kanyang mga mata.
PANGHALIP NA PANANONG
Ang panghalip na pananong ay ginagamit na panghalili
sa pangngalan sa patanong na paraan. Ito din ay
tinatawag na interrogative pronoun sa Ingles. Ito ay
madalas makikita sa simula ng tanong.
DALAWANG URI NG PANGHALIP NA
PANANONG
1. ISAHAN
Ito ay kinabibilangan ng mga salitang ano, alin, kanino, sino, magkano,
kailan, at saan.

2. MARAMIHAN
Sa maramihan naman, ito ay inuulit-ulit laman tulad ng anu-ano, alin-alin,
ilan-ilan, kani-kanino, sinu-sino, magka-magkano, kai-kailan, at saan-saan.
Mga Halimbawa
1. Saan kaya ako nagkulang?
2. Sino kaya sa kanila ang naunang sumuko?
3. Kailan kaya sya babalik?
4. Saan-saan kaya sila nagpunta ng bago niya?
5. Kani-kanino ka ba sasama kung pupunta kayo sa
dagat?
PANGHALIP NA PANAKLAW
Ito naman ang panghalip na hindi tiyak o walang katiyakan.
Tinatawag itong indefinite pronoun sa wikang Ingles. Ito ay
may pahiwatig na pangsaklaw o pangsakop sa kaisahan, dami
o kalahatan ng pangngalan na tinutukoy. Ang mga
halimbawa ng salitang nagpapahiwatig ng pangsaklaw ay:
bawat isa, sinuman, alinman, saanman, anuman, ilan, at
lahat.
MGA HALIMBAWA
1. Bawat isa sa kanila ay mayroong sekretong tinatago.
2. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.
3. Saanman kayo dadalhin ng panahon ay babalik pa rin kayo
sa inyong pinanggalingan.
4. Ilan lang sayong pangako anghindi napako.
5. Lahat na ginawa ko pero kulang parin iyon Sayo.
PANGHALIP NA PAMATLIG

Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit na


panghalili sa ngalan ng tao, bagay at iba pa na
tinuturo. Tinatawag itong demonstrative pronoun sa
wikang Ingles.
URI NG PANGHALIP NA PAMATLIG
PRONOMINAL
Ito ay pamalit laman sa mga pangngalan na ayaw nang ulit ulitin pa. Kabilang sa pronominal na
panghalip na pamatlig ay ang ito, nito, dito, iyan, niyan, diyan, iyon, roon, at doon.

PAHIMATON
Ito ay humahalili sa mga pangngalan na itinuturo o tinatawag ng pansin. Kabilang dito ay ang eto o
heto, ayan o hayan, at ayun o hayun.
PATULAD
Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakatulad. Kabilang dito ay ang mga salitang ganito,
ganyan o ganiyan, at gayon o ganoon.[Ang tamis ng mga dala mong mangga. Ganito ang mga
binibili namin sa probinsiya.
PANLUNAN
Ito naman ay panghalili sa pook na kinaroroonan. Kabilang dito ay ang mga salitang nandito o
narito, nandiyan o nandyan, nariyan, naroon, at nandoon.
MGA HALIMBAWA
1. Iyan na pala ang hinihintay mong mga kaklase.
2. Ikaw ba ang kumuha niyan?
3. Iyon ang nararapat gawin para sa kanila.
4. Doon nalang tayo umupo para walang disturbo.
5. Eto na naman yung lalaki sa kanto.
PANGHALIP NA PAMANGGIT
Mula sa salitang ‘banggit’, ang panghalip na pamanggit ay ginagamit na
tagapag-ugnay ng dalawang pananalita o kaisipan. Ito ay tinatawag na
relative pronoun sa wikang Ingles. Ang mga sumusunod ay ang mga
panghalip na pamanggit: umano o diumano, ani, daw, at raw.

MGA HALIMBAWA :
1. Ang sabi niya umano sa kaniyang mga kasama ay pwede silang magdaldalan
habang nasa trabaho.
2. Diumano’y nakuha na nila ang kanilang bonus.
3. Ani niya’y nakuha laman siya dahil may tumulong sa kaniya.
4. Sabi daw ni Aurora na siya ay matutulog muna.
5. Siya na raw ang bahala sa lahat ng kanilang bayarin sa bahay.
PANGHALIP NA PAARI
Ang panghalip na paari ay nagsasaad ng pag-aari at inihahalili sa pangngalan ng
nagmamay-ari ng bagay. Ito ay tinatawag na possessive pronoun sa wikang Ingles.

URI NG PANGHALIP NA PAARI


Isahan
Ito ay kinabibilangan mga salitang iyo, akin, at kanya.

Maramihan
Ito naman ay kinabibilangan ng mga salitang amin, atin, inyo, at kanila.
MGA HALIMBAWA :
1. Iyo na ang papel na iyan.
2. Sa kanya sila kumukuha ng lakas para sa kanilang araw-araw
na gawain.
3. Sa amin sila nagsasabi ng kanilang mga hinanakit sa buhay.
4. Nasa inyo na ang desisyon kung kukuha kayo o hindi.
5. Sinabi ko na sa kanila ang mga bagay na gusto kong sabihin.
PANGHALIP NA PATULAD
Ang panghalip na patulad ay ginagamit sa paghahambing, pagkukumpara, at pagtukoy ng
mga salita, gawain, bagay, o kaisipan. Ang mga halimbawa nito ay ganoon, ganito, at
ganyan.

MGA HALIMBAWA:
1. Ganoon lamang ang kanyang pagkalungkot noong sinabihan siya sa tunay na
nangyari.
2. Ganito dapit ang ginawa niya at hindi sana siya nasama sa gulo.
3. Ganyan din ang ginawa ko noong ako’y estudyante pa lang.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG:-)

You might also like