You are on page 1of 18

ARALIN 4:PAANO

MAGSULAT NG
SINTESIS? ANO ANG
MGA HAKBANGIN SA
PAGSUSULAT NITO?
Mithiin:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:

• Mabigyang kahulugan ang sinstesis

• Makagawa ng isang sintesis

• Malaman ang mga kakailangain sa pagbuo ng sintesis


WORD SEARCH!
Ang Sintesis
Ang sintesis ay kadalasang nakikita sa mga tesis
at pananaliksik na ang mga literatura at pag-aaral ay
binubod sa pamamagitan ng pagsasama sama ng mga
ideya mula sa iba't ibang awtor na tumatalakay sa iisang
paksa.
Subalit, ang sintesis ay hindi lamang sa mga
pananaliksik pwede gawin. Ito rin ay ginagawa kung
gustong talakayin ang isang paksa at ng iba't ibang
kaugnay na ideya ukol dito upang makabuo ng isang
makabuluhang pagbubuod o sintesis.
Kaugnay
na
Datos
Kaugnay Kaugnay
na na
Datos Datos

Ideya/Paksa SINTESIS
Kaugnay Kaugnay
na na
Datos Datos
Kaugnay
na
Datos

Ang isang ideya ay palalawigin sa pamamagitan ng pagkalap ng iba't


ibang kaugnay na datos ukol dito. Maaring ito ay makuha sa libro,
teksto, dyornal, o maging sa interbyu at saka ito pagsasama-samahin at
ibubuod.
Sintesis
Kahulugan Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o
higit pang mga akda o sulatin.

Explanatory Synthesis: Isang sulating naglalayong


tulungan ang mambabasa at tagapakinig na lalong
Anyo maunawaan ang mga bagay na tinatalakay.

Argumentative Synthesis: Ito ay may layuning


maglahad ng pananaw ng manunulat o may-akda.
• Maayos ang pagkakalahad ng bawat punto.
Kinakailangan • May kaugnayan ang bawat sulatin o akdang ginamit.
• May kaugnayan sa paksa o pananaw na tinatalakay
• Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga
sanggunian at gumagamit ng iba't ibang estruktura at
pahayag.
Katangian ng • Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na madaling
Kahusayan makikita ang mga impormasyong nagmumula sa iba't
ibang sangguniang ginamit.
• Napagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang
akda at napapalalim nito ang pag-unawa ng nagbabasa sa
mga akdang pinag-ugnay-ugnay.
• Linawin ang layunin ng pagsulat.
• Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa
layunin at basahin nang mabuti ang mga ito.
• Buuin ang tesis na sulatin.
Hakbangin • Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.
• Isulat ang unang burador.
• Illista ang mga sanggunian.
• Rebisahin ang sintesis.
• Isulat ang pinal na sintesis.
Halimbawa:

Sintesis sa Pagtuturo ng Pagbasa Gamit ang Teknolohiya

Ang pagbasa ay isang paglalakbay ng emosyon. Isa itong aliwan,


kakayahan, pakikipagsapalaran, at pagtuklas at nagbibigay ng ibat
ibang karanasan sa buhay. Tunay na napakaraming kaalaman ang
makukuha ng tao sa pagbabasa. Ayon nga kay Toze (2014) ang
pagbabasa ay nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa
kabatiran at karunungan ang pagbasa.
Dagdag naman ng DepEd, ang pag-unawa sa binabasa ay isa sa mga
haligi ng mga pagbabasa. Sa karagdagan, ang pag-unawa sa binabasa ay
Itinuturing na isa sa mga pangunahing mahalagang sangkap sa wikang
Ingles ng mga mag-aaral dahil ito ay nagbibigay ng batayan para sa
malaking halaga ng pag-aaral.

Ang mga makabagong kagamitan sa pagtuturo ay may malaking


gampanin sa edukasyon. Kagaya nga ng sinabi nina Anosans at Bracero,
hindi maitatanggi na malaki ang naitutulong ng makabagong kagamitan sa
mga guro dahil nakukuha nito ang interes ng mga mag-aaral na siyang nag-
aangat ng lebel ng pagtuturo.
Isa itong paraan upang magkaroon ng masiglang talakayan sa klase, ang
guro ay kinakailangan lamang na pumili ng gagamiting kagamitan upang
maging akma ito sa paksa. Kapag nakapili ng tama, nagdudulot ito ng
mabisa, kawili-wili, madali at magaang na pagtuturo ayon kay Abad
(2010).hvhvhgggdygydgydgdygdydgdgy

Ang mga kabataan sa ngayon ay nahihilig na rin sa mga


teknolohiya kaya madall para sa kanila na makasabay sa ganitong paraan
ng pagtuturo Dagdag pa ni Pingol (2011) na may kakayahang gawing
produktibo ng teknolohiya ang kalidad ng edukasyon.
Kaakibat ng paggamit nito ay ang inilahad ni Mayos at Mickshey na bilang
guro ay mas mainam kung sasamahan ng magandang estratehiya at
pamamaraan ang pagtuturo upang mas mapabuti ang pag-aaral ng mga mag-
aaral.

Samakatuwid, kung gagamit ng makabagong kagamitan ang mga guro sa


pagtuturo, nararapat na alam nila ang tamang paggamit at kung angkop ito sa
mga mag-aaral na tuturuan Lalabas ang magandang epekto ng makabagong
kagamitan hindi sa dalas ng paggamit kundi sa paraan kung paano ito ginamit
at iniangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral Sa huli, nasa kamay pa
rin ng mga guro ang maaaring maging epekto nito sa mga mag-aaral .
PAANO MAGSULAT NG SINTESIS? ANO ANG MGA HAKBANGIN SA
PAGSUSULAT NITO?
SINTESIS

Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda
o sulatin.

ANYO

EXPLANATORY SYNTHESIS

Isang sulating naglalayong tulungan ang mambabasa at tagapakinig na lalong


maunawaan ang mga bagay na tinalakay.
ARGUMENTATIVE SYNTHESIS

Ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng manunulat o may-akda.

KINAKAILANGAN

• Maayos ang pagkakalahad ng bawat punto.


• May kaugnayan ang bawat sulatin o akdang ginamit.
• May kaugnayan sa paksa o pananaw na tinalakay.

KATANGIAN NG KAHUSAYAN

• Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at


gumagamit ng iba’t ibang estruktura at pahayag.
• Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na madaling makikita ang
impormasyong nagmumula sa iba’t ibang Sangguniang ginamit.
• Napagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at
napapailalim nito ng pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-
ugnay-ugnay.

HAKBANGIN

• Linawin ang layunin ng pagsusulat.


• Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa layunin at basahin ng
mabuti ng mga ito.
• Buuin ang tesis ng sulatin.
• Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.
• Isulat ang unang burador.
• Illista ang mga sanggunian.
• Rebisahin ang sintesis.
• Isulat ang pinal na sintesis.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like