You are on page 1of 11

Pagsali sa Discussion Forum

at
Chat sa Ligtas at
Responsableng Pamamaraan

Lesson 5
Tama o Mali. Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag. Ilagay ang sagot sa patlang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_______1. Ugaliin ang mabilis na pagsagot sa chat.


_______2. Magpaliguy-ligoy sa pagsagot sa chat o forum.
_______3. Maaari kang mag-offline kahit hindi magsabi sa
kausap.
_______4. Maging malinaw ang pahayag upang
maunawaan nang lubos ng kausap.
_______5. Ang isang indibidwal na nagpost sa isang forum
o chat ay siyang responsable dito.
_______6. Maaaring magpost ng anumang advertisement o
endorsement sa isang discussion forum.
_______7. Maaaring magpost ng mga dokumento o media file na
nadownload mo lamang or nakuha sa internet.
_______8. Maaaring magpost ng mga impormasyong sensitibo o
impormasyong hindi para sa pampublikong gamit.
_______9. Siguraduhing basahin muna ang iba pang mga thread
upang hindi magpaulit-ulit ang mga paksa o mga kasugatan.
______10. Ang chat ay isang pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit
pang mga tao gamit ang kompyuter at konektado sa internet.
Sumali sa isang Facebook group page at
pumili ng isang thread o discussion. Suriin
kung ang thread o discussion ay mayroong
mga pahayag o gawain na hindi naaayon sa
mga dapat mong gawin at tandaan sa pagsali
sa isang discussion forum. Magtala ng limang
obserbasyon ukol dito.
Ang Discussion Forum ay maihahalintulad sa
isang discussion board kung saan maaaring
magpost ng iba’t ibang paksa na nagnanais ng
kasagutan o opinyon mula sa iba.

Ang chat ay isang real time na pag-uusap sa


pagitan ng dalawa o higit pang mga tao na agad-
agad ay makasasagot sa mga tanong o usapan.
Mga dapat tandaan sa pagsali sa isang
discussion forum at chat:
1. Tiyaking importante at kung maaari ay kakilala ang mga ka-chat.
2. Gamitin ang chat sa makabuluhang usapan.
3. Maaari mo ring makita ang iyong ka-chat sa pamamagitan ng
paggamit ng web camera o webcam. Nakikita man o hindi ang
kausap nararapat na igalang ito.
4. Laging maging mahinahon sa pakikipag-chat. Iwasang makipag-
away at makipagsagutan ng hindi maganda sa ibang kasapi ng
chat o forum.
5. Iwasan ang paggamit ng ALL CAPS (o malalaking titik) kapag
nagsusulat ng mensahe sa kadahilanang tila naninigaw ang
pagkahulugan nito.
6. Iwasan ang paggamit ng mga salitang balbal (trash talk),
pagmumura, at cyber bullying.
7. Iwasan ang madalas na paggamit ng mga emoticons o mga
smiley faces sa mensahe o e-mail o sa pakikipag-chat, personal
man o sa pagnenegosyo.
8. Kung sasali sa iba pang discussion forum o chat, kailangang
alamin ang sadya ng iyong pagsali at kung paano makalalahok.
9. Basahin at sundin ang mga panuntunan na nilikha ng mga
nangangasiwa ng chat o discussion forum.
10. Iwasang magbigay ng personal na impormasyon kung hindi
kakilala ang mga kasali sa isang forum at chat. Tandaan na ito ay
may malawakang pagpapalitan ng ideya at opinyon.
11. Iwasan ang paggamit ng mga salitang balbal (trash talk),
pagmumura, at cyber bullying.
12. Iwasan ang madalas na paggamit ng mga emoticons o mga
smiley faces sa mensahe o e-mail o sa pakikipag-chat, personal
man o sa pagnenegosyo.
13. Kung sasali sa iba pang discussion forum o chat, kailangang
alamin ang sadya ng iyong pagsali at kung paano makalalahok.
14. Basahin at sundin ang mga panuntunan na nilikha ng mga
nangangasiwa ng chat o discussion forum.
15. Iwasang magbigay ng personal na impormasyon kung hindi
kakilala ang mga kasali sa isang forum at chat. Tandaan na ito ay
may malawakang pagpapalitan ng ideya at opinyon.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan pagkatapos ng
pakikipagtalakayan:

a. Nagingmadali ba ang pakikipagtalakayan gamit ang chat?


• ____________________________________________________________________
• ____________________________________________________________________
• ____________________________________________________________________
b. Ano-ano ang mga isyu na mahaharap ninyo sa paggamit nito?
• _____________________________________________________________________
• _____________________________________________________________________
• _____________________________________________________________________
c. Paano magiging ligtas at responsable ang paglahok sa mga group chat?
• _____________________________________________________________________
• _____________________________________________________________________
• _____________________________________________________________________
Isaisip
• Ang pakikipag-chat o pagsali sa isang discussion forum ay
kapaki-pakinabang sa pagnenegosyo, sa edukasyon,
pamilya, at kaibigan. Subalit maaari rin itong magdulot
ng mapanganib na sitwasyon. Bawat discussion forum at
chat na sasalihan ay may mga alituntunin na dapat
sundin at intindihin upang hindi magkaroon ng problema
sa pagsali. Kaya kailangan mong maging mapanuri at
mas mabuting kilala mo ang iyong mga makakasama o
makaka-usap sa isang forum o chat. Ibayong pagiingat
lalo na sa pagbibigay ng personal na impormasyon.

You might also like