You are on page 1of 21

Filipino sa Piling

Larangan
(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 6

Pagsulat sa Larangan
ng Humanidades
Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Maunawaan ang larangan ng humanidades;
2. Makilala ang mga lapit at estratehiya sa
humanidades; at
3. Makilala ang tatlong anyo ng pagsulat sa
larangan ng Humanidades batay sa layunin.
Humanidades – Pag-unawa
sa Tao at sa Mundo

Ang layon ng Humanidades ay ang gawin


tayong tunay na tao sa pinakamataas na
kahulugan nito. – J. Irwin Miller

Sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at


ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa
pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng
lipunan sa kalahatan, at di lamang para
magkaroon ng karera sa hinaharap – Newton
Lee
Humanidades – Pag-unawa
sa Tao at sa Mundo

“Hindi kung ano ang gagawin ng tao,


kundi kung paano maging tao.” Ito ang
pangunahing layunin ng larangan ng
Humanidades. Tao—ang kaniyang kaisipan,
kalagayan, at kultura—ang binibigyang-tuon sa
pag-aaral ng larangang ito.
Humanidades – Pag-unawa
sa Tao at sa Mundo

Binubuo ng mga sumusunod na disiplina


ang larangan:

Panitikan -
Wika
Pilosopiya -
Relihiyon
Sining – biswal -
*pelikula *teatro *sayaw
Humanidades – Pag-unawa
sa Tao at sa Mundo

*applied – graphics
Industriya/fashion -
Interior Dekoratibo
Fine Arts (Malayang Sining) -
*calligraphy
*Studio arts
*art history
*print making
*mixed media
Reaksiyon sa
Iskolatisismo

Ang larangan ng Humanidades ay umusbong


bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa panahon ng
mga Griyego at Romano kung saan inihahanda
ang tao na maging doktor, abogado, at sa mga
kursong praktikal, propesyonal, at siyentipiko.

Inilunsad ito upang bumuo ng mga


mamamayang mahusay sa pakikipag-ugnayan sa
kapuwa at makabuluhan at aktibong miyembro ng
lipunan.
Metodolohiya at
Estratehiya

Gumagamit ng lapit na analitikal, kritikal,


at ispekulatibo ang Humanidades.

Sa mga ito nabibigyan ng pagkakataong


suriin ang isang teksto sa paraang sistematiko at
organisado.
Metodolohiya at
Estratehiya

*Analitikal na lapit

ang ginagamit sa pag-organisa ng


mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi,
grupo, uri, at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito
sa isa’t isa
Metodolohiya at
Estratehiya

* Kritikal na lapit

kung ginagawan ng interpretasyon,


argumento, ebalwasyon, at pagbibigay ng sariling
opinyon sa ideya
Metodolohiya at
Estratehiya

Ispekulatibong lapit

ang pagkilala ng mga senaryo, mga


estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-
iisip, at pagsulat
Metodolohiya at
Estratehiya
Halimbawa ng mga pamamaraan at
estratehiyang ginagamit sa mga lapit na ito:

a. Deskripsiyon o paglalarawan

Halimbawa: “Kahit maaga pa’y napakarami na ang


taong paroo’t parito. Nangingibabaw ang ingay at
mababakas ang kasiglahan ng mga tindera sa
pagsalubong sa isa na namang bagong araw. Katakam-
takam tingnan ang mga sariwang gulay, ang kumikinang-
sa-karaniwang mga isda, mga bagong dating na karne,
prutas, at iba pa.” Feodor Villarin, “Mas Mahalaga Kaysa
Uno” Binhi,1990
Metodolohiya at
Estratehiya

b. Paglilista
Halimbawa: “Sa daloy ng laro, lumalakas (“level
up”) ang bawat hero sa pamamagitan ng (1) pagpatay
(“kill”) sa mga kalabang hero, (2) pagbasag ng mga tore
(“tower”) ng kalabang koponan, (3) pagbili ng mga gamit
(“items”) gamit ang naiipong pera (“gold”) ng bawat
player mula sa kanilang napatay na mga enemy hero at
creep.”
– Gerard P. Concepcion, “Ang Umuusbong na Wika
ng Kabataang Pilipino sa Paglalaro ng DOTA” Salindaw,
(2012)
Metodolohiya at
Estratehiya
c. Kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari
Halimbawa: “Ang mga pangyayari sa tinatawag na
telecommunication revolution ay nagdulot ng malaking impak sa
teknolohiya ng komunikasyon mula nang maipakilala ang telegraph
noong dekada 40 ng siglo 19. Kaagapay nito ang pagsulong ng Morse
Code noong 1844 (Search Unified Communication). Ang mga tuklas
na ito ang nagbunsod sa iba’t ibang modipikasyon at pagbabago sa
teknolohiya ng komunikasyon.Taong 1960 nang magkaroon ng
telecommunication satellite na isang balloon. Naging sunud-sunod na
ang lalo pang pag-unlad ng teknolohiya hanggang sa makapaglagay
ng unang satellite sa kalawakan, ang Telstar, na naging dahilan upang
maging posible ang komunikasyon ng tao sa bawat panig ng mundo
(Harasim, 1993:5). – Mary Anne S. Sandoval, “Wika sa Komnet,
Isang Bagong Rehistro ng Wikang Filipino” Salindaw,(2012)
Metodolohiya at
Estratehiya
d. Sanhi at Bunga
Halimbawa: “Nakababahala para sa mga magulang kung
Jejemon ang isang anak dahil nakikita nilang nakasasama ito
para sa kanilang anak. Kadalasan, kung talagang nahumaling
na ang isang tao sa paggamit ng wikang jejemon, ginagamit
niya na rin ito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Kung
hindi naiintindihan ng mga magulang ang Jejemon,
magkakaroon ng isang harang sa pagitan ng magulang at anak
sa komunikasyon. Dahil dito, maaaring mapalayo ang loob ng
anak sa kaniyang mga magulang. Vivencio M. Talegon,
“Kultura at Sistemang Jejemon: Pag-aaral sa Varayti at
Baryasyon ng Filipino Slang”Salindaw,2012
Metodolohiya at
Estratehiya

e. Pagkokompara
Halimbawa: “Kapuna-puna ang kaibahan sa
Kubismong Pranses ng mga likha ni Manansala, na kung
kaniyang tawagi’y Tahimbuhay. Naiiba ang mga ito hindi
lamang sa kanilang pagpapahalaga sa kaanyuan ng mga
bagay na ipininta, kundi pati sa karamihan ng mga hugis
ng mga bagay. Naririto ang palayok, kawali, mangkok,
sandok, gayundin naman ang iba’t ibang sangkap ng
anumang iluluto. Isda, kamatis, at iba pang mga gulay.”
- Rod Paras Perez, “Sining ng Nagsisikip na
Dingding.” Binhi, 1990
Metodolohiya at
Estratehiya

f. Epekto
Halimbawa: “Kailangang alam natin, ani Gunnar
Myadal, ang sapat na pagnanasang mag-aruga sa kapwa o
ng pag-aalaala sa madla (social consciousness) upang ang
mga produkto ng ating pagsulong ay maging
pangmatagalan, maging panghabambuhay.”
- Pura Santillan-Castrence, “Ang Pag-unlad at ang
Pagbabago ng Mga Gawi at Pag-uugali, Binhi, 1990
Pagsulat sa
Humanidades
Tatlong anyo ng pagsulat sa larangan ng
Humanidades batay sa layunin (Quinn at Irvings,
1991):

A. Impormasyonal – Maaari itong isagawa sa


pamamagitan ng mga sumusunod:
*Paktuwal na impormasyon bilang
background gaya ng talambuhay o maikling bionote
tungkol sa may-akda o libro sa pabalat, artikulo
tungkol sa kasaysayan ng mga bagay, at iba pa.
Pagsulat sa
Humanidades
*Paglalarawan – Nagbibigay ito ng detalye,
mga imahe na dinedetalye sa isipan ng mambabasa,
sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan
ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya
ng kritisismo, tula, kuwento, nobela, at iba pa.

*Proseso – Binubuo ito ng paliwanag kaugnay


ng teknik, paano isinagawa, at ang naging resulta na
kadalasa’y ginagawa sa sining at musika.
Pagsulat sa
Humanidades
B. Imahinatibo – Binubuo ito ng mga malikhaing
akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling
kuwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang
pagsusuri dito.

C. Pangungumbinse – Pangganyak ito upang


mapaniwala o di-mapapaniwala ang bumabasa,
nakikinig, at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo
ito kaya’t mahalagang ang opinyon ay kaakibat ng
ebidensiya at katuwiran o argumento.

You might also like