You are on page 1of 44

Filipino 5: Quarter 1

Week 5
Dennis G. Porlucas
Teacher I
Sta. Ines Centro Elementary School
Santa Ignacia, Tarlac
Quarter 1, Week 5

Unang Araw
Ano ang sawikain?
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang sawikain.
Pagbabaybay
Tuklasin Mo...

Bago natin pakinggan ang mga pangungusap na


babasahin ng iyong guro, alamin muna ang
kahulugan ng mga sumusunod na parirala. Piliin sa
kahon ang kahulugan nito.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. usad pagong mabagal kumilos

2. malikot ang kamay Ina

3. ilaw ng tahanan tapat


4. bukal sa loob kumukuha ng hindi kanya
5. busilak ang puso malinis ang kalooban
Basahin Mo…

Pakinggan ang mga


pangungusap na babasahin
ng guro.
Itala ang mga salita o
parirala na babanggitin ng
iyong guro at tukuyin ang
kahulugan ng mga ito.
Pagyamanin
Unlocking Mo
of Difficulties
Gawin Natin
(Pangkatang Gawain)
Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na
sawikain. Hanapin ang kahulugan nito sa Hanay
B. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.
________
1.balik-harap a. mahigpit ang hawak
________

________
2. busilak ang puso b. mabuti ang pakikitungo sa
________
3. kapit-tuko harap ngunit taksil sa likuran
________
4. makapal ang palad c. iyakin
5. mababaw ang luha d. malinis ang kalooban
e. masipag
Gawin Moof Difficulties
Unlocking
Kupyahin ang sawikain sa bawat pangungusap.
1. Halatang masama ang loob ni Bb. Gan dahil hindi
siya nakasama sa mga nabigyan
ng parangal.
2. Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhin lagi na lang
nakaayon sa kalabang pulitiko.
3. Wow! Parang di madapuang langaw si Terso sa suot
nitong tuxedo.
4. Ang masasamang bagay na ginawa mo sa iyong
kapwa, gaano man kaliit, ay muling
babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
5. Ingat na ingat akong kausapin si Bb. Austria, balat-
sibuyas kasi siya.
• Ano ang sawikain?
• Ang sawikain o idioma ay salita o
grupo ng mga salitang
patalinhaga ang gamit. Ito’y
nagbibigay ng di tuwirang
kahulugan.
• Kadalasang malalim ang mga
gamit na salita at pinapalitan ang
pangkaraniwang pagtawag sa
isang bagay at ginagawang
matatalinghagang pahayag.
Isapuso Mo
Unlocking of Difficulties
Piliin ang titik ng sawikain na tugma sa isinasaad ng pangungusap. Isulat ang titik ng
sagot sa sagutang kuwaderno.
a. naniningalang pugad d. halik-hudas
b. kakaning-itik e. taingang kawali
c. isang kahig, isang tuka f. bantay-salakay

1. Binata na si Eric. Palagi siya sa kapitbahay na si Thelma. Si Thelma ay dalaga. Si Eric


ay _________________ na.
2. Tawag nang tawag ang ina kay Romy. Naririnig ni Rom yang tawag ngunit hhhinnndi
siya sumasagot. Patuloy siya sa ginagawa at parang walang naririnig. Siya ay
may_________________.
3. Gabi-gabi si Aling Linda ay nawawalan ng paninda. Nagtataka siya kung bakit
nagkagayon, samantalang may pinagbabantay naman siya. Naghihinala tuloy siya na
ang pinagbabantay niya ay isang _________________.
4. Matipid si Ana. Hindi siya palabili, hindi siya namimili ng mamahaling bagay. Ang kita
nila ay halos hindi sumasapat sa kanilang gastos. Sila ay __________________.
5. Sa lahat ng bata sa aming looban, kaawa-awang itong si Ramon. Kayang-kaya siyang
paiyakin ng kapwa at siya ay lagging tampulan ng panunukso. Siya ay
________________ sa aming pook.
Isulat Mo of Difficulties
Unlocking
Piliin ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. malikot ang kamay
a. palabati c. kasalanan
b. magnanakaw d. sinungaling
2. nagasgas ang bulsa
a. nabutas ang bulsa c. nadukutan ng malaki
b. nawalan ng pera d. nagkagastos ng malaki
3. pantay na ang paa
a. namatay na c. magkasintaas na paa
b. pareho ang paa d. nakatayo na
4. mainit na ulo
a. naguguluhan c. nilalagnat
b. nagagalit d. nakakapaso
5. di-maliparang uwak
a. liparan ng mga ibon c. ubod ng lawak
b. liparan ng mga hindi uwak d. ubod ng liit na paliparan
Quarter 1, Week 5

Ikalawang
Araw
Paano maipapakita ang pagmamahal sa kalikasan?
Ano ang dapat gawin upang mailigtas sa tuluyang pagkasira ang
kalikasan?
Paano ang wastong pagbigkas ng isang tula?
Pagbabaybay
Tuklasin Mo…

Bago natin pakinggan ang tulang


babasahin ng guro, alamin muna ang
kahulugan ng mga salitang nasa loob ng
maliit na kahon.

lanta naglilimayon

bilasa maylalang
Basahin Mo
Humanda na at makinig sa babasahin ng
guro. Kalikasan – Saan Ka Patungo?
ni: Avon Adarna
Nakita ng buwan itong pagkasira
Mundo’t kalikasan ngayo’y giba-giba,
Ang puno – putol nagbuwal at lanta
Ang tubig – marumi lutang ang basura

Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan


Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam
At nakipagluhaan sa Poong Maylalang
Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon
Nasira ng usok na naglilimayon
Malaking pabrika ng goma at gulong
Sanhi na ginawa ng pagkakataon!

Ang dagat at lawa na nilalanguyan


Ng isda at pusit ay wala nang laman
Namatay sa lason saka naglutangan
Basurang maburak ang siyang dahilan!

Ang lupang mataba na bukid-sagana,


Saan ba napunta, nangaglayag na ba?
Ah hindi.... naroon... mga mall na pala
Ng ganid na tao sa yaman at pera.
Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan,
Ginawa na ng tao na basurahan
At kung dumating ang bagyo at ulan
Hindi makakilos ang bahang punuan.

Ang tao rin itong lubos na dahilan,


Sa nasirang buti nitong kalikasan,
At darating bukas ang ganti ng buwan,
Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!
Tungkol saan ang binasang tula?
Ilan saknong mayroon ang tula?
Ilan sukat mayroon sa isang taludtod?
May tugma ba ang bawat taludtod?
Paano dapat bigkasin ang tula?
Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa kalikasan?
Pagyamanin Mo
Gawin Natin
(Pangkatang Gawain)
Babasahin ng bawat
pangkat ang tula nang may
wastong tono, diin, antala at
damdamin ang tula. Gabayan
ang mga bata sa wastong
pagbigkas ng tula.
Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula
• Tono – Ang taas o baba ng tinig na inuukol
sa pagbigkas ng pantig ng isang salita,
parirala, o pangungusap upang higit na
maging mabisa at maunawaan ang
pagsasalita.
• Diin – Ang bigat o lakas ng bigkas sa pantig
ng salita na maaaring makapag-iba sa
kahulugan ng salita kahit sa salitang
magkapareho ang baybay.
• Antala – Saglit na pagtigil o paghinto sa
pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
Ginawa ito upang ihiwalay ang ideya o
kahulugan ng nais ipahayag. Kuwit (,) ang
ginagamit sa antalang ito na simbolo ng /.
Isapuso Mo…

Bigkasin ang tula


nang may
wastong tono,
diin, antala at
damdamin.
Bigkasin Mo...
Gumamit ng rubric sa pagtataya sa mga mag-aaral ukol sa wastong pagbigkas ng tula.

Sana Ganito Ang Bayan Ko

Sana, ang bayan ko’y maging paraiso, Sana, sa bayan ko, gusali’y marikit
May payapang lugar, tahimik ang tao; Mataas na parang abot hanggang
May ibong Malaya, may hanging langit;
mabango, Bangko’t pamilihan, dito’y nakasandig
May diwang makabayan, di kayang
Upang kabuhayan ng bansa ay
matukso.
lumawig.
Sana, ang bayan ko’y sagana sa tanim
Ng mga produktong tanging likas Sana ang bayan ko ay aking matanaw
sa’tin, Na papaunlad na sa pangkabuhayan.
Sa bundok at parang lupa’y May trabahong lahat mga
bubungkalin, mamamayan
Masaganang ani ang pagyayaymanin. At sumagana itong ating pamumuhay.
Quarter 1, Week 5

Ikatlong
Araw
Paano naipapakita ang pagmamalasakit sa kapaligiran sa araling
ito?
Anu-ano ang gamit ng pangngalan sa pangungusap na ating
mababasa at mapakikinggan sa araling ito?
Tuklasin Mo…
Tukuyin ang mga
larawan.
Basahin Mo…
Basahin ang talata. Bigyang pansin ang mga salitang may
salungguhit.

Magkaibigang matalik sina Lawin at


Inahing Manok. Nagsumpaan sila na maging
matapat sa isa’t isa. Binigyan ng lawin ng isang
magandang singsing si Inahing Manok.
Tuwang-tuwa si Inahing Manok kaya
lumipad at nagmagara siya. Di-naglaon, nakilala
ni Inahing Manok si Tandang.
Ipinagkaloob niya ang singsing kay Tandang.
Nagalit si Lawin nang mabalitaan ang
pangyayari.
Pagyamanin Mo …

Isulat kung may salungguhit na pangngalan ay ginamit


na panaguri, simuno, layon, ganapan, o pinaglalaanan.

Hindi masamang minahin ng tao ang likas na


¹yaman ng daigdig. Ngunit magagawa ito nang hindi
masisira ang ²kapaligiran. Halimbawa, sa ³Montana,
Estados Unidos, ⁴karbon minimina. Ipasara ito ng isang
naging gobernador ng Montan. Tumutol ang mga
⁵minero. ⁶Pagmimina ang kanilang hanapbuhay.
Ipinaliwanag ng gobernador ang masamang ⁷epekto ng
⁸pagmimina ng karbon sa pulmon o baga. Aniya, hindi
mawawala ang ⁹karbon. Ito ay para sa bukas, hindi sa
ngayon. Maghintay tayo ng angkop na ¹teknolohiya sa
pagmimina ng karbon.
Isaisip Mo …

Isulat sa bilog ang gamit ng pangngalan


sa pangungusap.

Gamit ng
Pangngalan sa
Pangungusap
Ang pangngalan ay maaaring gamitin bilang simuno,
panaguri, layon ng pandiwa, layon ng
pang-ukol/pinaglalaanan, at ganapan.
• Simuno o Paksa – Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Ito ay may panandang ang o si.
Halimbawa: 1. Si Ana ay kaibigan ko.
• Panaguri – Ito ang nagsasabi tungkol sa simuno.
Halimbawa: 1. Kaibigan ko si Ana.
• Layon ng Pandiwa – Ito ang tumatanggap sa kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ito ay pinangungunahan ng
panandang ng.
Halimbawa: 1. Bumili si Janelle ng lapis sa tindahan.
• Pinaglalaanan – Ito ay pinangungunahan ng mga pang-
ukol na sa/sa mga, para kay/para kay/para kina, para
sa/para sa mga.
Halimbawa: 1. Ang mga donasyon ay nilikom nila para sa
mga biktima ng bagyo.
• Ganapan – Ito ang pinangyarihan o pinagganapan ng kilos
ng pandiwa.
Halimbawa: 1. Nagkagulo ang mga tao sa plasa.
Isaisip Mo …
Punan ng angkop na pangngalan ang mga patlang upang mabuo ang talata.
Walang patlang ang unang pangungusap upang magkaroon ka ng ideya tungkol
sa paksa. Ang pangngalan ay maaaring simuno, panaguri, layon, pinaglalaanan,
o ganapan.

Nakakita ka na ba ng mga pamayanan sa mga kabundukan? Paano


ito nangyari? Maraming ¹__________ang nag-iwan ng kinalbong bahagi ng
²__________. Pinuputol nito ang mga ³__________at hindi pinapalitan ng
bago. Dito pumapasok ang mga ⁴__________. Tinataniman nila ito ng
⁵__________ at ⁶__________. Pagkatapos ng dalawang ⁷___________,
hindi na nila ito tataniman. Kung maganda pa ang mga ⁸__________ na
ginawa ng mga ⁹__________. Maaaring may magtayo ng ¹⁰__________ sa
dating ¹¹__________, sa halaman, dadami ang mga ¹²__________ at ito’y
magiging munting ¹³__________ ng mga ¹⁴__________. Sisikapin nilang
taniman ang ¹⁵__________ upang makapag-ani. Ngunit dahil sa kakulangan
sa ¹⁶_________ hindi sila makapag-ani ng ¹⁷_________. At kung hindi
marunong maglinis, magkakalat sila ng ¹⁸___________.
Isaisip Nakakita
Mo … ka na ba ng mga pamayanan sa mga kabundukan? Paano
ito nangyari? Maraming ¹__________ang nag-iwan ng kinalbong bahagi ng
²__________. Pinuputol nito ang mga ³__________at hindi pinapalitan ng
bago. Dito pumapasok ang mga ⁴__________. Tinataniman nila ito ng
⁵__________ at ⁶__________. Pagkatapos ng dalawang ⁷___________,
hindi na nila ito tataniman. Kung maganda pa ang mga ⁸__________ na
ginawa ng mga ⁹__________. Maaaring may magtayo ng ¹⁰__________ sa
dating ¹¹__________, sa halaman, dadami ang mga ¹²__________ at ito’y
magiging munting ¹³__________ ng mga ¹⁴__________. Sisikapin nilang
taniman ang ¹⁵__________ upang makapag-ani. Ngunit dahil sa kakulangan
sa ¹⁶_________ hindi sila makapag-ani ng ¹⁷_________. At kung hindi
marunong maglinis, magkakalat sila ng ¹⁸___________.

Mga Pagpipiliang Pangngalan


kubo kabundukan tubig pamay tao
daan kaingero puno palay at mais basura
paligid magtotroso kaingin pamayanan
likha ikabubuhay bundok pag-aani
Isulat Mo
Panuto: May salungguhit ang pangngalan sa bawat
pangungusap. Isulat sa patlang kung ang gamit nito ay
simuno,panaguri, layon ng pandiwa, pinaglalaanan, o
ganapan.

________1. Sabik na niyakap niya ang kanyang


anak.
________ 2. Pinagsabihan siya ng kanyang mga
magulang.
________3. Bayani si Dr. Jose Rizal.
________4. Namili kami sa palengke kahapon.
________5. Magtulungan tayo para sa bayan
Quarter 1, Week 5

Ikaapat na
Araw
Ano ang talaarawan?
Anu-ano ang impormasyon makikita sa isang talaarawan?
Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng isang talaarawan?
Tuklasin Mo..
Arlene, kumusta
naman ang pagbisit Masaya, marami
a kaming pinuntahan
mo sa Tiya Carmen
at naranasan.
mo?

Ikuwento mo O sige, kukunin ko


naman sa akin. lang ang aking
talaarawan.

Nakagawa ka na ba ng talaarawan?
Basahin Mo..
Ang Talaarawan ni Arlene
Kalagayan: Papunta sa Lungsod ng Tanggub, Ozamis sina Arlene. Ang
paliparan ng eroplano o airport ay nasa Lungsod ng Dipolog. Sa Dipolog
nakatira ang kaniyang Tita Carmen at Tito Teddy. Doon muna sila
matutulog. Itinala miya sa kaniyang talaarawan ang mga karanasan niya sa
pagtigil doon.
Sabado, ika-3 ng Hunyo, 2006
Pagkakain ng agahan, ipinasyal kami ni Tita Carmen sa Rizal Shrine
sa Dapitan. Ito pala ay nasa baybay-dagat. Napakalamig at sariwang-sariwa
ang hangin na nagbubuhat sa dagat at napakalinaw ng tubig. Napasarap
langhapin ang sariwang hangin.
Linggo, ika-4 ng Hunyo, 2006
Pagkakain ng agahan, inihatid kami ni Tito Teddy sa Bus
Terminal patungong Ozamis. Alas dose na kami nakarating sa Lungsod ng
Tanggub. Dito kami titigil ng limang araw. Maulan ang lugar na ito, kaya
mura rito ang mga bungangkahoy. Napakalaki ang inihain sa aming saging.
Pagyamanin Ninyo…
Gawin Ninyo (Pangkatang Gawain)
Ayusin ang mga nakasulat sa ibaba upang makabuo ng tatlong talaarawan. gawing
huwaran sa pagsulat ang binasang talaarawan. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
Miyerkules
Abril 12, 2006
1. namalengke kami sa palengke
2. tinulungan naming bumangon ang matanda
3. nakita naming ang isang matandan nakadapa
Huwebes, Abril 13,2006
4. naglaba kami sa ilog
5. isang napakalaking sawa ang bumagtas sa ilog
6. isang batang lalaki ang tumakbong takot na takot
7. wala na ang sawa nang dumating ang mga tao
Biyernes
Abril 14, 2006
1. sabik na sabik kaming nagtungo roon
2. nagkayayaang mamasyal sa plasa ang aming pamilya
3. naglaro kaming magkakapatid habang nagkukuwentuhan sina Nanay at Tatay
4. tinulungan ko si Inay na maghanda ng aming babaunin
Tandaan
• Sa pagsulat ng talaarawan, isinusulat
muna ang araw at petsa bago itala
ang mga pangyayaring nagaganap sa
araw-araw. Ginagamit ang bantas na
kuwit sa pagitan ng araw at petsa,
petsa at bilang ng taon. Ginagamit
ang malaking titik sa simula ng
pangngalan ng araw at
buwan.Ipinapasok ang unang
pangungusap sa pagsasalaysay ng
karanasan.
Isapuso Mo…

Gumawa ng
talaarawan o
talaan ng mga
ginagawa mo sa
loob ng isang
linggo. Simulan
sa araw ng
Linggo.
Quarter 1, Week 5

Ikalimang
Araw
Paano naipapakita ang pagmamalasakit sa kalikasan/kapaligiran
sa araling ito?
Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng tula?
Tuklasin Mo ..
Basahin ang mga bugtong.

Malayo pa ang sibat,


Nganga na ang sugat.

Umulan man o
umaraw
May ulo, walang
Hanggang tuhod
buhok,
ang salawal.
May tiyan, walang
pusod.
Tuklasin Mo ..
Basahin ang mga bugtong.

Dalawang biyas ng
kawayan
Unahan nang unahan.

Bahay ni Doro
Punung-puno ng
bato. Dalawang tindahan,
Sabay kung buksan.
Ano ang napansin ninyo
sa mga salitang ginamit
sa bugtong?
Kailan magkatugma ang
mga salita?
Basahin Mo..
Wastong Pagkain
Ang taong malusog, lubhang Lilinaw ang mata, katawa’y
masayahin, lalaki,
matalas ang isip at hindi sa sariwang gatas, itlog, at
sakitin kamote,
katawa’y maganda at hindi malunggay at petsay, sa isda
patpatin, at karne,
pagkat alam niya ang wastong ang bata’t matanda, lulusog,
pagkain. bubuti.

Lusog ng katawan nasa Sa ating pagkain, laging


kinakain, tatandaan,
ang gulay at prutas, dapat na mga bitamina nitong
piliin tinataglay,
Sa dilis at tulya, sa puso ng Sa sariwang prutas, isda saka
saging, gulay,
lalakas ang buto, titibay ang lulusog, gaganda, hahaba ang
ngipin. buhay.
Pagyamanin Mo…

Sumulat ng
maikling tula na
may tatlo
hanggang limang
saknong tungkol
sa kalikasan.
Isaisip Mo…
Sumulat ng maikling tula na may tatlo hanggang limang saknong
tungkol sa kalikasan.

A. Tugma- nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin


mang paraan ng pagtutugma

B. Sukat – tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat


Mga Dapat taludtod
Tandaan sa C. Saknong – tumutukoy sa grupo ng mga linya o
Pagsulat taludtod

ng Tula D. Taludtod – linya sa loob ng saknong

E. Talinghaga – malalalim na salita


Isapuso Mo..

Sa pagsulat ng inyong tula, ipakita


ang pagmamalasakit sa kalikasan.
Ipabasa ang tulang nabuo ng
piling mag-aaral.
Salamat sa
Pakikinig

You might also like