You are on page 1of 30

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO

ANG KABULUHAN NG
SIKOLOHIYANG PILIPINO:
ISANG PAGSUSURI
MA. CARMEN C. JIMENEZ
Kung binabanggit ang salitang
sikolohiya,
anu-anong mga bagay ang
sumasagi sa isipan ninyo?

2
 Madaming mga pinag-aaralan ang sikolohiya, lalo
na ang mga paksa na hubog sa banyagang
karanasan.
- Sikoanalitikong kaisipan ni Freud

 Maaaring ang pinag-aaralan ang kilos ng tao o


hayop, ngunit mas magandang tutukan kung ang
mga ito ay may kabuluhan sa tao.

 Maaring nagagamit ang sikolohiya laban sa tao


dahil hindi ito naaayon sa natural na interes niya.

3
Paano nagagamit ang sikolohiya laban sa interes ng tao:
Dalawang (2) Repleksiyon

Unang Repleksiyon:
MGA IPINAPALAGAY SA SIKOLOHIYA (Assumptions)

1. “Ang mga tao ay tinitingnan bilang isang indibidwal, hiwalay sa


kanyang paligid.”
 Ang pag-aaral sa katangian ng tao tulad ng damdamin, kilos, at
isipan, nakakalimutan na siya ay parte ng mas malaking
komunidad.
 Ang nakakaapekto sa indibidwal ay nakakaapekto sa nakararami.

4
 Ang tao ay produkto ng kanyang kapaligiran; dahil sa
sikolohiya, tinitingnan na umuunlad ng hiwalayang tao sa
paligid at nagiging “internal” ang mga suliranin.
 Dahil sa mababaw na kaisipan na ito, panandalian lamang ang
“lunas” kaysa tunay na pagbabago sa konkretong kondisyon na
nagdulot ng suliranin.
 Kinakailangan na kilalanin ang panlipunang katangian ng tao dahil
nagiging sanhi ng suliranin ang lipunan.

5
Paano nagagamit ang sikolohiya laban sa interes ng tao:
Dalawang (2) Repleksiyon

Unang Repleksiyon:
MGA IPINAPALAGAY SA SIKOLOHIYA (Assumptions)

2. “Ang mga tao ay magkasinghalintulad. Hindi gaanong mahalaga


ang bansa at panahong pinanggalingan
kaya’t maaring gamitin ang anumang teorya o eksamen sa pag-unawa
sa kanila.”
 Dahil sa kaisipan na ito, ginagamit ang teoryang banyaga
upang ipaliwanag ang karanasan ng mga Pilipino.

6
 Nahuhusgahan ang sariling kilos ng mga Pilipino sa
pamantayang banyaga, nawawala ang pansin sa
katutubong katangian kaya ang mga resulta ay nakakagulat.
 Unti-unting tinatanggap ng mga Pilipino ang maling palagay
(assumptions) tungkol sa kanyang sarili ng walang pag-aatubili.
 Ang konseptong panlahat ay hindi tinatakwil ngunit ito dapat ay i-akma
sa karanasan ng mga Pilipino o isantabi muna para gumawa ng
sariling teorya naayon sa karanasang Pilipino.

7
Paano nagagamit ang sikolohiya laban sa interes ng tao:
Dalawang (2) Repleksiyon

Unang Repleksiyon:
MGA IPINAPALAGAY SA SIKOLOHIYA (Assumptions)

3. “Ang Sikolohiya ay hindi kumikiling sa anumang sistemang


pagpapahalaga (value-free) o sa isang particular na uri sa lipunan
(class bias-free).”
 Dapat layunin ng Sikolohiya na tumulong ay lumutas sa mga suliranin
ng lipunan, hindi na magkubli sa “ toreng garing” upang
“magsuri ng mga datos o maglunsad ng di-
makabuluhang pag-aaral sa katahimikan”.

8
 Minsan sinusuportahan ang pananaliksik sa
sikolohiyang mga korporasyon ngunit ginagamit nila ang
datos para sa kapakanan ng mga may-kayang kakaunti (ex. advertising,
psych war).
 Kung sino ang sumusustento ng pananaliksik, siya ang umaani ng mga
resulta.
 Ginagamit din ang sikolohiya upang sirain ang anumang protesta
(pagaalboroto) at intelektwal napanunuri (baliw),
nagmimistulang “sandata” ang sikolohiya para sa iilan.
 Hindi kakayanin ng mahihirap ang oras ng isang psychiatrist (di tulad ng
mayayaman), kaya imposible na di ito kumikiling sa isang uri ng lipunan.

9
Paano nagagamit ang sikolohiya laban sa interes ng tao:
Dalawang (2) Repleksiyon

Pangalawang Repleksiyon:
METODO SA PANANALIKSIK (Methods in Research)

 Binabanggit ni Jimenez na ang mga kinikilalang


metodo (tulad ng eksperimento) ay maaaring kulangin pa din sa pag-
unawa ng karanasan ng mga Pilipino.
 Bagamat may katwiran sa pagiging unibersal ang
metodong eksperimento, hindi makakatulong ang pag-
unawa sa iilan para maintindihan ang nakararami at gawing makabuluhan ang
resulta ng pananaliksik.

10
Paano nagagamit ang sikolohiya laban sa interes ng tao:
Dalawang (2) Repleksiyon

Pangalawang Repleksiyon:
METODO SA PANANALIKSIK (Methods in Research)

Halimbawa:
 Nakatutok ang Behaviorism sa kilos ng organismo, tao man o hayop. Tuon
dito ang maliliit na aspetong tao, na tila pira-piraso ang pag-aaral sa tao.
 Dahil dito, nakakaligtaan na pag-aralan ang kabuuan ng tao, ang kanyang
pagkatao, at sa araw-araw nabuhay niya.

11
Paano nagagamit ang sikolohiya laban sa interes ng tao:
Dalawang (2) Repleksiyon

Ang Sikolohiyang Pilipino ay tungkol sa:


•- Kamalayan (damdamin at kaalamang nararanasan)
•- Ulirat (pakiramdam sa paligid)
•- Isip (kaalaman at pagkaunawa)
•- Diwa (haka at hinuha)
•- Bait (ugali, kilos, o asal)
•- Loob (damdamin)
•- Kaluluwa (daan upang tukuyin ang kanyang budhi).

12
Paano nagagamit ang sikolohiya laban sa interes ng tao:
Dalawang (2) Repleksiyon

Pangalawang Repleksiyon:
METODO SA PANANALIKSIK (Methods in Research)

 Ang anumang teorya na gagamitin ay dapat na makabuluhan at nauugnay sa


karanasang Pilipino.
 Ang teorya ang bunga lamang ng pagsanib ng mga konkretong karanasan at
ng kulturang pinagmulan nito.
 Ang anumang metodo ay dapat nagiging makabuluhan sa kulturang pinag-
aaralan, yaong nauunawaan at tinatanggap sa komunidad at angkop sa
paksang pinag-aralan.

13
ILANG BATAYAN PARA SA ISANG SIKOLOHIYANG PILIPINO

LAYUNIN:

• Matiyak ang pagkakaroon ng Sikolohiyang Pilipino bilang AGHAM


• Matalakay ang Sikolohiyang Pilipino bilang KATANGIANG KULTURAL

14
ILANG BATAYAN PARA SA ISANG SIKOLOHIYANG PILIPINO

ZEUS A. SALAZAR

 isang historian, anthropologist, philosopher of history na nagbunsod ng ideya ng


Pantayong Pananaw (The "We“ Perspective)
 kung kaya't siya'y mas naging tanyag at natamo ang "Father of New Philippine
Historiography“

Kinumpara din ni Zeus Salazar ang ating wika bilang isang "manunggul
jar" na kung saan mayroon itong panlabas at mayroon itong panloob, sa loob nito ay
may mga parte-parte din.

15
ILANG BATAYAN PARA SA ISANG SIKOLOHIYANG PILIPINO
1. (Unang Layunin) SIKOLOHIYANG PILIPINO bilang AGHAM

• Pinakadepinasyon ng alinmang agham ay ang unibersalidad nito


• Isang kabuuan ng kaalaman na maaringtaguriang Pilipino o
may patutunguhangPilipino at may katuturan para sa mga Pilipino
• Nakatuon sa agham bilang tagapagtanda, tagapagpaliwanag o taga-lutas ng
mgasuliraning di-pisikal o ibayong-pisikal ngbawat indibidwal na Pilipino.
• Layunin ng sikolohiya ay maunawaan angtaong bilang diwa at kaluluwa, bilang
kabuuang ispiritwal mananatiling aghampantao ang siyensiyang ito, partikular
samga grupo ng tao na may kakayahang itinatangi ang Pilipino.

16
Ano nga ba ang ibig sabihin ng agham?
— Ang agham ay isang kolektibong pananaw na dumaan sa
siyentipikong pag-aaral. Ito ay isang obserbasyon hinggil sa ating natural
at sosyolohikal na kapaligiran.

17
ILANG BATAYAN PARA SA ISANG SIKOLOHIYANG PILIPINO

3 Larangan upang maisagawaang pagsasa-Pilipino ng


Sikolohiya at alinmang agham-panlipunan

• Teorya — metodolohiya
• Nilalaman mismo
• Praktis o paggamit ng agham

18
ILANG BATAYAN PARA SA ISANG SIKOLOHIYANG PILIPINO

Adaptasyon at Orihinalidad ng Pilipino

"Hangga't hindi pa nagiging bahagi ng kulturang Pilipino ang


sikolohiya, hangga't hindi pa ito nagiging kamalayang panlahatan,
mananatiling laruan lamang ang sikolohiya ng ilang mga dalubhasang
sikolohista" o ‘di kaya'y ang mga ito ay magpapatuloy na laruan ng
banyagang sikolohiya sa halip na mag- umpisa ng isang malawakang
tradisyon ng sikolohiya sa loob ng sariling kulturang Pilipino."

19
ILANG BATAYAN PARA SA ISANG SIKOLOHIYANG PILIPINO

Sa sulating ito, ipinaliwanag ni Zeus Salazar ang tungkol sa:

• Sikoanalisis ni Sigmund Freud


• Libog (napapangiti)
• Eros at Thanatos
• Rorschach Inkblot
• Picture-frustration Study ni Rosenzweig —kanluraning ideya o pansiyudad (ang mga gagawin
ng isang tao kung nawawal ang susing kaniyang kotse)
• Skinner – teorya ng reinforcement at ngpraktika at paglawak ng advertising salipunanang
Amerikano; manipulasyon agpaghuhulma sa tao.
• Pavlov: pagkukundisyon (lipunang Ruso); lipunang ubod ng pagkarelihiyoso,
pagkamasunurinat pagka-awtokrata.

20
ILANG BATAYAN PARA SA ISANG SIKOLOHIYANG PILIPINO

Kaya nga daw ganun nalang din daw ang pagyakap natin sa mga teoryang ito ay dahil
mayroon tayong:

PROBLEMA SA PAGSASALIN
• Napakahalaga ng pagsasalin sa gawaing pag-aangkop, pagbabagay ng mga natuklasang
sikolohikal sa larangan ng teorya at metodolohiya.

WIKA
• "Nakaugat sa kultura, na siyang parang prisma ng interpretasyon ng pagpapakahulugan sa
realidad bilang loobin ng tao o kaya pagmamasid sa katunayang panlabas."

21
ILANG BATAYAN PARA SA ISANG SIKOLOHIYANG PILIPINO

Mahalagang kaalaman sa loob ng sulating ito ni Zeus Salazar


•"Ang pagsasa-Pilipino ay nangangailangan ng isang malalim na pagkaunawa
hindi lamang ng kulturang Pilipino, kaya bakit pa mag-aaksaya ng panahon sa
unang Gawain at hindi pa ito ibuhos nang husto sa pagsisiyasat ng kalinangang
Pilipino sa pagkakaugnay nito sa pagkataong Pilipino? Marami pang metodo at
metodolohiyang sikolohikal ang dapat suriin sa ganitong paraan upang maisa-
Pilipino o dili kaya'y tahasan nang itakwil sa kadahilanang walasilang katuturan sa
pagkakaunawa o pag- unawa natin sa ating mga problema at layunin sa sikolohiya."

22
• "Ang ibig sabihin nito, ang karamihan sa mga sikolohista sa
salinlahing ito ay dapat magkaroon ng mataas na uri ng malawak
na pananaw, sapagkat nakasalalay sa kanilaang pagpupunla ng
sikolohiyang Pilipino bilang agham. Habang pinapalagi nila
ang sikolohiya sa diwa at pagpupunyaging Pilipino, kanilang
mauunawaan ang sariling pagkatao at ang kakayahan ng
kanilang bansa. Ito'y isang interaksyong magiging palabinhian ng
isang mapanlikhang pagbabago ng sikolohiya mismo bilang agham na
Pilipino. Dito magsisimula ang ambag ng Pilipino sa sikolohiya
bilang pangkalahatang agham."

23
2 Larangan na maaaring mapag-ambagan ng Sikolohiyang Pilipino

1. Teorya ng pagkaugnay ng pagkatao at ng kultura


(personalidad at ng kalinangan)

2. Maging agham para sa lahat

24
Ano ang kahulugan nito sa praktika?

1. Dapat malaman kung nasaan nang-ayon ang sikolohiya sa Pilipinas at kung anong
bahagi nito ang Pilipino o maaaring maging Pilipino.
2. Kailangang isa wikang-Pilipino ang malaking bahagi ng sikolohiyang may
katuturan sa ating panlipunang kalagayan.

3. Pagtatag ng isang pambansang terminolohiya sa sikolohiya ay kailangan.

25
2. (Pangalawang Layunin) SIKOLOHIYANG PILIPINO bilang
KATANGIANG KULTURAL

• Pagsisiyasat, paglalarawan at pagpapaliwanag ng sikolohiyang


Pilipino; ang pagkataong Pilipino bilang indibidwal at bayan

• Nakatingin sa buong pagkatao ng kapilipinuhan sa Pilipino bilang


produktong sikolohikal ng isang natatanging karanasang
historiko-kultural

26
"Pagkataong Pilipino"
• Sikolohiyang Pilipino
• Permanenteng Katangian ng isang grupo ng tao
• Lahat ay nagbabago at binabago ng panahon
• Kasaysayan ang nagbibigay ng anyo sa isang bayan
• Pagtantiya ng katangiang panlahat
• Pansamantala sa agos ng kasaysayan

27
2. (Pangalawang Layunin)
SIKOLOHIYANG PILIPINO bilang KATANGIANG KULTURAL

• Permanente at pansamantalang katangian


• Pambansang personalidad
• Katangiang partikular sa isang grupo (nagtatakda ng komunidad)
• Culture personality
• Wundt (Voelkerpsychologie) pagtatakda ng karakter ng isang grupo ng tao sa
pamamagitan ng katutubong wika, relihiyon, at gawi nito
• Ang karakter ng isang bayan ay makikita sa kaniyang sariling kultura
• Arketipo ni Jung, unibersal na elementong makikita sa lahat ng mga leyenda
at mitolohiya, simpleng abersasyong indibidwal, na isang personal na gawi lamang.

28
Ano ba ang magiging pamamaraan ng Sikolohiyang Pilipino upang mapag-aralan
ang sariling mga katangian bilang grupong sosyo-kultural?

Kagaya na lamang ng mga sumusunod:


• Ningas-kugon
• Utang-na-loob
• "Bahala na"

29
Sources:

• https://www.scribd.com/document/486890498/Jimenez-Ang-Ka
buluhan-ng-Sikolohiya-Isang-Pagsusuri
#
• https://www.youtube.com/watch?v=0CjCoLVpwQo&t=314s

30

You might also like