You are on page 1of 44

S U L A T N G

PA G
TA L U M P A T I
TALUMPATI
•Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining.Maipapakita
rito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa
panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang
paniniwala,pananaw at pangangatwiran sa isang
partikular na paksang pinag-uusapan.Ang talumpati ay
kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan
ng tao kahit pa man ito’y biglaan.Ang pagsulat ng
talumpati ang susi sa mabisang pagtatalumpati.
TALUMPATI
•Ang talumpati ay isang proseso o paraan ng
pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang
pasalitang tumatalakay sa isang particular na
paksa. Ito ay karaniwang isinusulat upang
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang isang
talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na
talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng
madla.
Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati, mahalagang
magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati tungkol sa
kaalaman, pangangailangan, at interes ng kanyang magiging
tagapakinig. Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa kanilang
aklat na sining ng pakikipagtalastasang panlipunan, ang ilan
sa dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga
tagapakinig ay ang mga sumusunod:
1. ANG EDAD O GULANG NG MGA MAKIKINIG
Mahalagang alamin ang edad o gulang ng
nakararami sa mga tagapakinig. Iakma ang
nilalaman ng paksa at maging ang wikang
gagamitin sa edad ng mga makikinig.
2. ANG BILANG NG MGA MAKIKINIG-

Importante ring malaman kung ilan ang


mga taong makikinig sa talumpati.
3. KASARIAN
madalas magkaiba ang interes, kawilihan,
karanasan, sa kaalaman ng kalalakihan sa
kababaihan. Nagkakaroon din ng magkaibang
pananaw ang dalawa hingil sa isang partikular na
paksa.
4. EDUKASYON O ANTAS SA LIPUNAN

Mahalaga ring malaman ang antas ng edukasyon ng


nakararaming dadalo sa pagtitipon at maging ang antas ng
kanilang buhay sa lipunan. Kung ang mga makikinig ay
kabilang sa masang pangkat, mahalagang gumamit ng mga
salita o halimbawa na akma para sa kanila.
5. MGA SALOOBIN AT DATI NANG ALAM NG
MGA NAKIKINIG

Dapat mabatid din kung gaano na kalawak ang kaalaman at


karanasan ng mga nakikinig tungkol sa paksa. Kung may
alam na ang mga taga pakinig tungkol sa paksa, sikaping
sangkapan ito ng mga bago at karagdagang impormasyon
upang hindi sila mabagot o mawalan ng interest.
1. PANANALIKSIK NG DATOS AT MGA KAUGNAY NA
BABASAHIN
Ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at
pangangalap ng impormasyon sa ensayklopedya, aklat,
pahayagan, magasin, at dyornal. Mula rito ay maaaring
kumuha ng mahahalagang datos o kakailanganing
impormasyon tungkol sa paksa kasama ang sanggunian.
Mahalagang isiping higit na mahalaga ang nilalaman ng
talumpati kaysa sa ganda ng boses, husay sa pagbigkas, at
mga biswal na tulong sa presentasyon.
2. PAGBUO NG TESIS
Matapos makapangalap ng sapat na datos o impormasyon, ang susunod
na hakbang na gagawin ay ang pagbuo ng tesis o pangunahing kaisipan
ng paksang tatalakayin.
Mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ang pangunahing
mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig. Ang tesis ang magsisilbing
pangunahing ideya kung ang layunin ng talumpati ay magbigay kabatiran,
ito naman ay magsisilbing pangunahing argumento o posisyon kung ang
layunin ng talumpati ay manghikayat, at nagsisilbi naman itong pokus ng
pagpapahayag ng damdamin kung ang layunin ng talumpati ay
magtaguyod ng pagkakaisa ng damdamin ng mga makikinig.
3. PAGTUKOY SA MGA PANGUNAHING
KAISIPAN O PUNTO
Kapag may tiyak nang tesis para sa talumpati, maari
nang alamin ng mananalumpati ang mga pangunahing
punto na magsisilbing batayan ng talumpati.
Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahalagang
detalyeng bibigyang-pansin upang maging
komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati.
1. KRONOLOHIKAL NA HULWARAN
Gamit ang hulwarang ito, ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay
nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon.
Maaring isagawa ang paghahanay ng detalye mula sa unang
pangyayari, sumunod na mga pangyayari, at panghuling pangyayari.
Ang paksa ay maaring ding talakayin sa pamamagitan ng mga hakbang
na dapat mabatid at sundin ayon sa tiyak na pagkakasunog-sunod ng
mga ito.
2. TOPIKAL NA HULWARAN
Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay
nakabatay sa pangunahing paksa.
Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay
mainam na gamitin ang hulwarang ito.
Halimbawa, kung tatalakayin ang kultura ay maaaring hatiin
ito sa espesipikong paksa tulag ng sosyolohiya, antropolohiya,
at maging ang uri ng heograpiyang kinalalagyan ng mga tao.
3. HULWARANG PROBLEMA-SOLUSYON

Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang


pagkakahabi ng talumpati gamit ang hulwarang ito
ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa
solusyon na maaring isagawa. Kalimitang ginagamit
ang hulwarang ito sa mga uri ng talumpating
nanghihikayat o nagpapakilos.
1. INTRODUKSIYON

Ito ang pinakapanimula ng talumpati. Ito ay


naghahanda ang pambungad sa katawan ng
talumpati. Mahalaga ang isang mahusay na
panimula.
• A. MAPUKAW ANG KAISIPAN AT DAMDAMIN NG MGA
MAKIKINIG
• B. MAKUHA ANG KANILANG INTERES AT ATENSIYON
• C. MAIHANDA ANG MGA TAGAPAKINIG SA GANAPING
PAGTALAKAY SA PAKSA
• D. MAIPALIWANAG ANG PAKSA
• E. MAILAHAD ANG BALANGKAS NG PAKSANG
TATALAKAYIN
• F. MAIHANDA ANG KANILANG PUSO AT ISIPAN SA
MENSAHE
Maaring simulan ang talumpati sa pamamagitan
ng pagpapaliwanag sa ginaganap na okasyon o
pagdiriwang, paglalarawan ng isang tanawin o
pangyayaring kaugnay sa paksa, pagbanggit ng
isang salawikaing angkop sa paksa, pagbanggit
o paggamit sa sinabi ng isang tao o awtoridad,
pagtatanong tungkol sa isang isyu,
pagsasalaysay ng isang kuwentong nakatatawa,
at marami pang iba.
2. DISKUSYON O KATAWAN
Dito makikita ang pinakamahalahang bahagi ng
talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahalagang
punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito
ang pinakaluluwa ng talumpati. Narito ang mga
katangiang kailangang taglayin ng katawan ng
talumpati:
A. KAWASTUHAN

Tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng


talumpati. dapat na totoo at maipaliwanag ang
paksa. kailangang gumamit ng angkop na wika at
may kawastuhang pambalarila ang talumpati.
B. KALINAWAN
Kailangang maliwanag ang
pagkakasulat at pagkakabigkas ng
talumpati upang maunawaan ng mga
nakikinig.
MAHALAGANG TANDAAN ANG SUMUSUNOD:
1.Gumamit ng mga angkop at tiyak na salitang mauunawaan ng
mga makikinig.
2.Umiwas sa madalas na paggamit ng mahabang hugnayang
pangungusap.
3.Sikaping maging direkta sa pagsasalita at iwasang
magpaligoy-ligoy sa pagpapahayag ng paksa
4.Gawing parang karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap
sa mga tagapakinig
5.Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag ng
paksa.
C. KAAKIT-AKIT
Sikaping makabuo ng nilalaman na kaugnay sa
paksa at gigising sa kaisipan at damdamin ng mga
makikinig. Higit sa lahat, sikaping mapaniwala ang
mga nakikinig sa mga katotohanang inilalahad ng
talumpati.
3. KATAPUSAN O KONGKLUSYON
Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong
inilalahad sa katawan ng talumpati. Ito ay kalimitang maikli
ngunit malaman. Maaring ilagay rito ang pinakamatibay na
paliwanag at katwiran upang mapakilos ang mga tao ayon
sa layunin ng talumpati.
4. HABA NG TALUMPATI
•Ang haba ng talumpati ay nakasalalay kung
ilang minuto o oras ang inilaan para sa
pagbigkas o presentasyon nito. Malaking
tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang
pagtiyak sa nilaang oras.

You might also like