You are on page 1of 12

Agenda

o
Adyenda
• Ayon kay Sudprasert(2014) ang agenda o adyenda
ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa
pulong.
• Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong
adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na
pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang
maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago
isagawa ang pulong
KAHALAGAHAN NG
PAGKAKAROON NG ADYENDA NG
PULONG
1.Ito ang nagsasaad ng sumusunod ng mga impormasyon:
a. Mga paksang tatalakayin
b. Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga
paksa.
c. Oras na itinakda para sa bawat paksa.
KAHALAGAHAN NG
PAGKAKAROON NG ADYENDA
NG PULONG
2. Ito ang magtatakda ng balangkas ng pulong
tulad ng pagkakasunod-sunod ng paksang
tatalakayin at kung gaano ito katagal pag-uusapan
3. Ito ang nagsisilbing talaan o tseklist ng lubhang
mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
KAHALAGAHAN NG
PAGKAKAROON NG ADYENDA
NG PULONG
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga
kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyonan.
5. Ito ay nakatutulong nang malaki upang
manatiling nakapukos sa mga paksang tatalakayin
sa pulong.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda

1. Magpadala ng memo na maaring nakasulat


sa papel o e-mail na nagsasaad na
magkakaroon ng pulong tungkol sa isang
tiyak na paksa o layunin sa gaganitong
araw, oras at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan
ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung
e-mail naman kung kinakailangang magpadala
sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo
nasa mga dadalo, mangayaring ipadala o ibigay
sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o
paksang tatalakayin at maging ang bilang ng
minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan
ito.
3.Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin
kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na o
nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan
ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format
kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong
magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan.
Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang
maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting
agenda ay may kaugnayan sa layunin ng pulong.
• 4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga
taong dadalo, isa o dalawang araw bago
ang pagpupulong.Bilang paalala ay
muling ilagay rito ang layunin ng pulong
at kung kailan at saan ito gaganapin.

5. Sundin ang nasabing adyenda sa


pagsasagawa ng pulong.
DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG
ADYENDA

• Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay


nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
• Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang
higit na mahahalagang paksa.
DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG
ADYENDA
• Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit
maging flexible kung kinakailangan.
• Magsimula at magwakas sa itinakdang oras
na nakalagay sa sipi ng adyenda.
• Ilahad ang mga kakailanganing dokumento
kasama ng adyenda.
DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG
ADYENDA

You might also like