You are on page 1of 22

MGA SALITANG

PANGKAYARIAN
Tinatawag na pangkayarian sapagkat ang
mga salita na ito ay walang gaanong naibibigay
na kahulugan ngunit kailangan sa pagbubuo ng
pangungusap.
May dalawang subdibisyon sa ilalim ng
mga salitang pangkayarian: mga pang-ugnay, at
mga pananda.
Mga pang-ugnay ang tawag sa salitang
nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, halimbawa ay ng dalawang salita,
o ng dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
Tatlo ang mga pang-ugnay: pangatnig, pang-
angkop, at pang- ukol

Ang ma pananda ay mga katagang nasisilbing


tagapagdadya ng gamit ng isang salita o
kaayusan ng mga bahagi ng pangungusap.
Mga pang-
ugnay pangatnig
1.Mga
Mga pangatnig ang tawag sa mga kataga o
salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o
sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
Halimbawa:
 Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay puspusang
isinasagawa ng mga tagapagpatupad ng batas.
 Ang pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim ng
mga gulay ay mabisang pang-agdong sa kinikita.
 Ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina ang
May dalawang panlahat na pangkat ng mga
pangatnig: (1) yaong naguugnay ng magkatimbang
na yunit (2) yaong nag- uugnay ng di magkatibang
na yunit.
Sa unang pangkat kabilang ang mga pangatnig
na at, pati, saka, o, ni, maging, subalit, atb. Ang
mga pangatnig na ito ay nag-uugnay ng mga salita,
parirala at sugnay na magkatimbang o sugnay na
kapwa makapag-iisa.

Ang unang pangkat ay maari ring uriin sa maliit na


Halimbawa sa pangungusap ng mga pangatnig na
nag-uugnay ng mga sugnay na magkatimbang.
 Ang wastong dami at wastong uri ng pagkain ay
nagdudulot ng kalusugan.
 Ang mabuting pagpapalaki sa mga anak pati ang wastong
pangangalaga sa kalusugan ay dalawang dahilan kung
bakit magplano ng pamilya.
 Ang pag-inom ng pildoras saka ang ritmo ay dalawang
paraan ng pagpaplano ng pamilya.
 Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa kung
napakalaki ng inyong pamilya,
 Ni ikaw ni ang iyong asawa ay walang gaanong maga-
gawa sa matagumpay na pagpaplano ng pamilya kung
 Maginhawa ang buhay ng maliit na pamilya habang ang
pamumuhay ng malaking pamilya ay mahirap.
 Matagumpay ang kanyang pagpaplano bagamat ritmo
lamang ang kanyang ginagamit.

Sa ikalawang pangkat naman ay kabilang ang mga


pangatnig na kung, nang, bago, upang, kapag o
pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung
gayon, sana, atb. Ang mga pangatnig na ito ay nag-
uugnay ng dalawang sugnay na di magkatimbang.
Sa ikalawang pangkat ay may mga pangatnig na
panubali tulad ng kung, kapag o pag. Ang dahil sa,
Halimbawa ng pangungusap ng mga pangatnig na
nag-uugnay ng mga sugnay na hindi magkatimbang.
 Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang
nagkasala ay nagsisisi.
 Ispiritwal at material ang pangangailangan ng tao sapagkat
ito ay binubuo ng katawan at kaluluwa.
 Sundin mo ang mga utos ng Diyos upang magtamo ka ng
biyaya sa langit.
 Mga relihiyoso ang mga anak, palibhasa’y mga relihiyoso
rin ang mga magulang.
 Sana’y di mo nilimot na ang pagsisisi ay nasa huli.
 Ritmo lamang ang maaari mong gamitin kung ikaw ay
katoliko.
 Hanggang sa liblib na baryo ay palasak na ito sapangkat
hanggang doon ay nakarating ang mga tuhan ng
pamahalaan.
 Noong una’y nahirapan sila sa pagkumbinsi sa mga
tagabaryo palibhasa’y hindi pa gaanong nauunawaan ng
mga ito.
 Laganap na laganap na ngayon ang pagplaplano ng
Mga pang-
pamilya kaya Malaki na ang ibinaba ng bahagdan ng mga
angkop
Ang mga pang-angkop
isinilang taun-taon. ay mga katagang nag-
uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
• Ang magandang talon sa Pagsanjan ay hinahangaan ng
lahat.
Dalawa ang pang-angkop sa Filipino: ang +na na at
–ng. Ang simbolong (+) sa +na ay
nangangahulugang ang pang-angkop na na ay hindi
ikinakabit sa salitang inaangkupan. Ang simbolong
(-) naman ay nangangahulugang ang pang-angkop
na –ng ay ikinakabit sa salitang inaangkupan.

Halimbawa:

 May mga bagong alkaldeng hinirang ang


pangulo ng bansa.
 Sariwang isda ang dala ni Gv mula sa Dulag.
Mga Pang-ukol
Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang
nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
sa pangungusap.
Halimbawa:
 Malapit nang matapos ang mahabang haywey sa Gitnang
Luzon.
Ang pang-ukol at sa kasunod nitong
pangngalan o panghalip ay bumubuong pariralang
pang-ukol.ang pang-ukol at ang kasunod nitong
pangalan o panghalip ay bumubuo n pariralang
Mga iba pang pang-ukol:
ng laban sa
alinsunod sa ukol kay
ni/nina tungkol kay
laban kay ukol sa
kay/kina tungkol sa
ayon kay hinggil sa
para kay hinggil kay
ayon sa alinsunod kay
para sa
Halimbawa ng pangungusap na ginamitan ng pang-ukol:

 Nag tayo ng ma pangkontrol sa baha sa Kamaynilaan.


 Winasak ng pamahalaan ang mga illegal na konstrukson sa mga
estrero upang mawala ang mga sagabal sa pagdaloy ng tubig.
 Ang mga estrero ng kamaynilaan ay nilinis upang malayang
makadaloy ang tubig hanggang lawa.

Tatlong uri ng kaugnayan ang naipahahayag sa pagganit


ng mga pang-ukol.
 Kaugnayan ng layon sa pandiwa
 Kaugnayan ng tagaganap ng pandiwa
 Kaugnayan ng panuring sa salitang tinuturingan.
Mga pang-ukol na nagpapakita ng isa o higit pang
uri ng kaugnayan:
sa kay
ni
Halimbawa:
 Nakipagtulungan sa maykapangyarihan ang mga taong-
bayon upang malinis ang malalaking kanal.
 Tahimik na namumuhay ang mga mag-aanak sa baybay-
dagat.
 Ang sigasig ni Chairman Pineda ng Komisyon sa Wikang
Filipino ay lubhang kahanga-hanga.
 Tinubos ni Kristo sa sala ang sangkatauhan.
o Sumangguni kay Mayor Santos ang ilang pi uno ng
Barangay.
Ang mga pang-ukol na ng at sa ay ginagamit
para sa mga pangngalang hindi pantanging ngalan
ng tao. Para sa tanging ngalan ng tao ay ginagamit
ang ni at kay. Makikita rin sa mga halimbawa na
ang pang-ukol na sa at kay ay hindi magagamit para
maipakita ang kaugnayan ng tagaganap ng pandiwa
sa pandiwa. Samantala, ang pang-ukol namang ni
ay hindi maaring msgpakita ng kaugnayan ng
layon sa pandiwa. Ang iba pang-ukol, yaong
nagsisimula sa ayon, hinggil, alinsunod, atb, ay
Mga
pananda
Ang pananda ay nag babadya o nag sisilbing tanda
ng gamit na pambalarila ng isang salita sa loob ng
pangungusap. Maari rin itong magbadya ng ayos ng
mga bahagi ng pangungusap.
Pantukoy
Ang mga pananda ng pambalarilang gamit ng
isang salita ay ang mga pantukoy na si, sina, ang at
ang mga.
Pantukoy- ang pantukoy ay katagang laging
Dalawa ng uri ng pantukoy:
Pantukoy sa pantanging ngalan ng tao at pantukoy
sa iba pang uri ng pangalan.
Ang si at sina ay mga pantukoy sa pantanging
ngalan ng tao. Ang at at ang mga ay mga pantukoy
sa pangngalan pambalana at pangngalang
pantanging ngalan ng pook o bagay.

Pang-ukol
mga pananda sa pang-ukol ay ang ng at sa. Sa
mga pananda ng pambalarilang gamit ay ibininlang
natin ang mga pang-ukol, sapagkat ang ga ito,
a. Pananda ng Pangngalang Ginamit na Layon ng
Pandiwa
Halimbawa: Nagtatayo ngayon ng paglontrol sa
baha sa kamaynilaan.

b. Pananda ng Pangalang Ginagamit na Panuring ng


Paari.
Halimbawa: Ang mga estrero ng kamaynilaan ay
nilinis upang malayang dumaloy ang tubig
hanggang sa lawa.
a. Pananda sa Pangngalang Ginamit sa Layon ng
Pandiwa
Halimbawa: Nakipagtulungan sa
maykapangyarihan ang mga taong-bayan upang
malinis nang mabuti ang mga ng mga malalaking
kanal.

b. Pananda sa Pangngalang Ginagamit na Panuring.


Halimbawa: Maliligaya at nasisiyahan ang mga
naninirahan sa paligid ng mga estrerong nilinis.
a. Ang ni Bilang Pananda ng Pangngalan
Ginagamit na Panuring na Paari.
Halimbawa: Ang talumpati ni Kalihim Torres ng
Kagawaran ng Paggawa a nagbibigay-diin sa
kahalagahan ng mga kursong bokasyonal.

b. Panandang ni sa Unahan ng Pangngalang


Ginagamit na Tagaganap ng Pandiwa.
Halimbawa: Ipinaliwanag ni Kalihim Torres na
higit nating kailangan ngayon ang mga dalubhasa
a.Ang kay bilang Pananda ng Pangngalan
Ginagamit na Layon ng Pandiwa.
Halimbawa: nakikipagtulungan kay Minister Roco
ang lahat ng mga direktor ng rehiyon sa lahat ng
kanyang mga proyekto.

b. Ang kay Bilang Pananda ng Pangngalang


Ginagamit na Panuring.
Halimbawa: Ang paggalang ng mga mag-aaral kay
Bb. Santos na kanilang guro ay kahanga-hanga.
Ang ay Bilang Pananda ng Ayos ng Pangungusap

nilinaw na ang ay ay hindi maituturing na


pandiwa sapagkat walang implekasyon sa mga
aspeto; wala itong pokus at gayon din ito, ito ay
nawawala sa ayos na panaguri-paksa ng
pangungusap nang hindi nasisira ang kayarian o
kahulugan ng pangungusap. Sa baliralang
tradisyunal, ito ay itinuturing na pandiwa kahit ito
ay wala ng mga katangian ng pandiwa.
Sa bagong pananaw, ang ay ay palatandaan ng
ayos ng pangungusap. Ipinapakita o ibinabadya nito
MAY
KATANUNGAN!?

You might also like