You are on page 1of 18

MGA GAWING

PANGKOMUNIKASYON NG MGA
PILIPINO
 Bukod sa ang tao ay isinilang na kawangis ng
Diyos, kaakibat din ng kanyang pagsilang ang
karunungang ipinagkaloob sa kanya ang
makipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Ginagawa
niya ito upang matugunan ang kanyang
pangangailangan sa pang-araw-araw na
pakikipagsapalaran sa buhay.
 Sinasabing may iba’t ibang dahilan kung bakit
nakikipagkomunikasyon ang isang tao.(Adler
et.al.,2010 sa Bernales, 2019).
1. Pangangailangan upang makilala ang sarili.
2. Pangangailangang makisalamuha o
makihalubilo.
3. Pangangailangang praktikal.
MGA ELEMENTO NG
KOMUNIKASYON
 Bilang balik-aral, tatalakayin natin ang mga
sangkap o elementong bumubuo sa proseso ng
komunikasyon ayon sa mga sumusunod:
1. Tagapagpadala (Sender)-tumutukoy sa taong
nagpapadala ng mensahe sa ibang tao.
2. Mensahe (message)-ang impormasyong
ipinadadala.
3. Daluyan (Channel)-ang mga paraan kung paano
ipadadala ang mensahe sa tatanggap nito.
4. Tagatanggap (Receiver)- tumutukoy sa isang
indibidwal o pangkat na pinagpapadalhan at
tumatanggap ng mensahe.
5. Sagabal (Hindrance/Obstruction)-tumutukoy sa
iba’t ibang elemento ng komunikasyon na nagiging
dahilan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng
tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe na
nauuri sa mga sumusunod:
a. Pisyolohikal
b. Pisikal
c. Semantiko
d. Teknolohikal
e. Kultural
f. Sikolohikal
6. Tugon (Response)-elementong tumutukoy sa pidbak
o tugon ng tagatanggap ng mensahe batay sa
pagpapakahulugan sa mensahe.
7. Epekto (Effect)-tumutukoy sa kung paano
naapektuhan ang tagatanggap ng mensahe
(emosyonal, sikolohikal) ng mensaheng
ipinadala ng tagapagpadala o sender.
8. Konteksto (Context)-tumutukoy sa lugar,
kasaysayan at sitwasyon na kinapapalooban
ng komunikasyon.
ANG KULTURA
AT KOMUNIKASYON
 Ang wika na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon
at ang kultura ay dalawang bagay na magkabuhol
at hindi maaaring paghiwalayin.
 Ang kultura ay tumutukoy sa isang masalimuot na
na kabuuang binubuo ng karunungan, mga
paniniwala, sining, batas, moral, mga kaugalian at
iba pang mga kakayahan at mga ugaling nakamit
ng tao bilang isang miyembro ng lipunan.
(Tylor ,1871;sa Bernales, 2019).
 Inuri ni Edward Hall (1959),isang batikang
antropologo, ang kultura sa dalawang kategorya
batay sa pamamaraan ng pagpapadala ng mensahe
sa low-context culture at high-context culture.
 Ayon sa kanya, ang low-context culture ay
ginagamit ang wika nang direkta upang ipahayag
ang ideya, nararamdaman, saloobin at opinyon ng
isang indibidwal na kabilang sa ganitong kultura.
Para sa kanila, ang salita ang batayan ng
kahulugan.
Sa high-context culture naman, ang
pagpapakahulugan sa mga salita ay hindi lamang
nakabatay sa salitang ginamit ng isang indibidwal.
Malaki ang papel ng mga ‘di berbal na
palatandaan, pamantayan, kasaysayan ng
relasyon/ugnayan at ng konteksto ng
komunikasyon upang maiwasang masaktan ang
damdamin ng kausap at mapanatili ang relasyon
sa kapwa.
 Samantala, para sa mga sosyolohista at
antropolohista, mauuri rin ang kultura bilang
indibidwalismo at kolektibismo.
 Ayon kay Kendra Cherry (2018), itinuturing na
mahusay ang isang indibidwal na malakas, self-
reliant, mapaggiit at independent sa isang
lipunang indibidwalistiko. Sa isang banda, sa isang
kulturang kolektibo namamayani ang
pagsasakripisyo, pagiging matulungin at
mapagbigay at pagkakaroon ng isip na
mahalagang unahin ang kapwa kaysa kanyang
sarili.
 Sa katunayan, ang maaaring katanggap-tanggap sa
isang lipunan ay hindi naman katanggap-tanggap
sa iba. Patunay na komplikado ang komunikasyon
gaya ng pagiging komplikado ng kultura.
 Ang cultural sensitivity ay isang katangian ng
tao na mauri ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng kultura ng bawat lipunan. Mangyayari
lamang ito kung mulat o may kamalayan ang
isang tao nang walang pag-uuri kung alin ang
tama at mali sa bawat lipunan batay sa
kultura ng mga ito. Sa pamamagitan nito ay
nakakukuha ang tao ng respeto at pag-unawa
na nagbubunga ng epektibong komunikasyon o
interaksyon.
KOMUNIKASYONG
PILIPINO

 Ayon kay Melba Maggay (2002), isang aspekto ng


ating kultura na malimit na kinatitisuran ng mga
dayuhan ay ang mataas na antas ng pagkaalanganin
sa ating pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
 Mahirap matantya kung kailan tayo nagsasabi ng oo
at hindi, kung kailan tayo naiinis o nagagalit o kung
ano ba talaga ang gusto nating mangyari, dagdag
pa ang masalimuot na pagkakaugnay-ugnay ng
berbal at ‘di berbal na anyo ng komunikasyon sa
tuwing nakikipag-usap tayo bilang mga Pilipino.
Isang dahilan kung bakit mahirap tayong suriin at
pakibagayan ng ibang tao na bahagi rin ng
pagkakaroon natin ng high context culture.
 Ang ganitong penomenon ay tinatawag na pahiwatig.
Isa itong pangkagawiang komunikasyon na likas sa mga
Pilipino.
 Ayon pa rin kay Maggay (2002 ), ang pahiwatig ay isang
maselang na pamamaraan ng katutubong
pagpapahayag na ‘di tuwiran at may paglihis sapagkat
napapaloob sa kulturang matindi ang pagpapahalaga sa
niloob ng kanyang kapwa. Dagdag pa niya na ang
pahiwatig bilang konsepto ay madalas nag-aanyo at
nababalot ng ligoy, isang paikot-ikot at wari’y walang
katapusang pasakalye bago mailahad ang pakay ng
usapan. Ilan sa mga ito ang sumusunod:
1. Pahaging -mensaheng sinadyang sumala o magmintis.

2. Padaplis-mensaheng lihis dahil sinadya lamang na


makanti nang bahagya ang pinatutungkulan.
3. Parinig-instrumentong berbal para sa
pagpapabatid ng niloloob ng nagsasalita na
nakatuon hindi lamang sa kaharap kundi sa sino
mang nakikinig sa paligid.
4. Pasaring – ‘di tuwirang pahayag ng
pula,puna,paratang at iba pang mensaheng
nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga
nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.
5. Paramdam-mensaheng ipinaabot ng tao o
sinasabing gumagalang espiritu sa pamamagitan
ng manipestasyon.
6. Papansin-mensaheng humihingi ng atensyon.
7. Paandaran-mekanismo ng pagpapahiwatig na
karaniwang nakatuon at umiikot sa isang paksa o
tema na hindi mailahad nang tahasan at paulit-
ulit na binabanggit sa sandaling may
pagkakataon.
 Sa isang banda, may mga pangkagawiang
komunikasyon din naman ang mga Pilipino ng
pagpapahayag nang tahasan. Ilan sa mga ito
ay ang mga sumusunod:
1. Ihinga- pagpapaluwag sa sarili sa pamamagitan
ng pagbabahagi ng sama ng loob o pagsasabi ng
lihim.
2. Ipagtapat-pagsasabi ng totoo at hindi umiiwas
magsalita nang tuwiran.
3. Ilabas-paglalantad sa paningin ng madla sa mga
bagay na maselan o nakatago at ikinukubli.
4. Ilahad-maayos na pagsasalaysay; pag-uusap o
pagkukuwento ng mga pangyayari na lingid sa
iba maliban sa taong kapalagayan loob.
‘DI BERBAL NA
KOMUNIKASYONG PILIPINO
 Kung ang berbal na komunikasyon ay tahasang
pagpapahayag na ginagamitan ng salita, ang ‘di
berbal na komunikasyon ay pagpapahayag sa
pamamagitan ng kilos ng katawan, tono ng
pagsasalita, konsepto ng espasyo at ekspresyon ng
mukha na may iba’t ibang anyo batay sa mga
sumusunod:
1. Kinesiks-tumutukoy sa galaw o kilos ng katawan. Ilan
sa halimbawa ay ang pagtatampo, pagmumukmok,
pagmamaktol at pagdadabog .
2. Kronemiks-ang oras o ang paggamit nito na
nagtataglay ng mensahe.
3. Proksemiks-nakatuon sa espasyo o distansya sa
pagitan ng tao sa kanyang kapwa.
4. Haptiks-paggamit ng senso ng taong pahaplos sa
paghahatid ng mensahe na maari ring hawak, hablot,
hipo, pindot, pisil, tapik at batok.
5. Iconics- tumutukoy sa paggamit ng simbolo o icons na
may malinaw na mensahe.
6. Koloriks-mensaheng ipinahahatid ng kulay na
nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
7. Okyulesiks-paggamit ng mata sa paghahatid ng
mensahe.
8. Objektiks-mga bagay na naghahatid ng mensahe.
9. Olfactorics-nakatuon sa pang-amoy.
10. Piktiks-mensaheng ipinahihiwatig ng ekspresyon ng
mukha .
GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
 Bilang isang lipunang may sariling kulturang kinagisnan o kinamulatan,
maraming gawi ang mga Pilipino na nagpapakilala sa atin bilang isang lahi.
Masasabing ang ilan ay kaaya-aya at ang iba naman ay hindi. Kabilang sa mga ito
ang mga sumusunod:
1. Tsismisan
Mula ito sa salitang tsismis na nagmula sa saltang
Espanyol na chismis na tumutukoy sa isang kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng
ibang tao na ang impormasyon ay maaaring totoo o madalas ay hindi. Itinuturing na
relasyonal ito sapagkat ginagawa ito ng mga taong magkakapalagayan ang loob.
2. Umpukan
Kinabibilangan ng dalawa o higit pang kalahok na nagbabahagianan ng
impormasyon na kalimitang nagaganap ang kumustahan ng mga Pilipino ukol sa buhay-
buhay o usapin ng kani-kanilang pamilya, trabaho, kaibigan,kalusugan at maging usaping
pampulitika.

a. Salamyaan
Kilalang umpukan sa bansa na nagsimula sa lunsod ng Marikinaat bahagi ng
kalinangang Marikenyo. Ang mga matatanda ay sama-samang nagkukwentuhan, nagsasalo-
salo at namamahinga. Sa panahon ng dating alkade Gil Fernando nagsimula ang pagdami
ng salamyaan, panahong 60’s at 70’s. Inilalarawan na walang dingding, at tanging
mahahabang mesa na hapag-pahingahan atarima ang dito ay matatagpuan.
3. Umpukan
Gawaing pangkomunikasyon na nagpapakita ng pagiging dinamiko ng
komunikasyon.Nagsisimula sa simpleng kumustahan na napupunta sa mainit na
kwentuhan at nagtatapos sa simpleng ngitian at kainan.
4. Talakayan
Pagpapalitan ito ng kuro-kuro ng binubuo ng tatlo o higit pang
kalahok. Kalimitang tumatalakay sa problema na layuning bigyan ng solusyon o
mga patakarang nais ipatupad.
a. Panel Discussion
Isang pormat na ginagamit sa isang pulong o kumbersyon na maaaring
personal o birtwal na talakayan tungkol
sa paksang napagkasunduan.
b. Lecture-Forum
Isang anyo ng forum na isinasagawa upang
magbigay ng lektyur sa isang tiyak na paksa.
c. Simposyum
Pormal na akademikong pagtitpon na ang
Bawat kalahok ay pawang eksperto sa kani-kanilang
larangan.
5. Pagbabahay-bahay
Isinasagawa sa mga sitwasyong nangangailangan ng impormasyon ang isang
indibidwal ukol sa kalagayan o sitwasyon ng isang komunidadtulad ng gawain ng Philippine
Statistic Administraton.Ipinakikita dito ang pagiging bukas ng isang tao sa kanyang
kapwa na itinuturing na pinakamahalagang sikolohiko at pilosopikong konsepto ng
sikolohiyang Pilipino ayon nga kay Virgilio Enriquez.
6. Pulong-bayan
Isinasagawa ng publiko at ng mga kinauukulan. Ginagawa kung may nais ipabatid
MGA EKSPRESYONG LOKAL
ang mga kinauukulan hinggil sa isang proyekto gagawin na nangangailangan ng pagsang-ayon
ng mga mamamayan.Ipinakikita ng gawaing ito ang isang bayang may matatag na
demokrasya.

Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga


Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat,
pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. Sa talastasang
Pilipino, ang mga lokal na ekspresyon ang nagpapaigting at nagbibigay-
kulay sa mga kwento ng buhay na sumasailalim sa kamalayan at
damdamin ng mga Pilipino.( San Juan,et.al,2018; sa Bernales, 2019).

You might also like