KASTILA Nilalayon ng mga Layunin ng Pagkatuto (Objectives) Nailalarawanang Panitikang Filipino bago dumating ang mga Kastila; Naiuugnay ang pamumuhay na mayroon ang Panitikang Filipino noon sa pamumuhay na mayroon tayo ngayon, at Nakalilikha ng halimbawa ng kaalamang bayan na naririnig at mapahanggang ngayon ay patuloy na ginagamit. KAPALIGIRANG PANGKASAYSAYAN 1. ANG MGA NEGRITO O ITA Kauna-unahang nanirahan sa Pilipinas Walang sariling kulturang masasabi Wala silang nalalaman sa agham, sa paghahanapbuhay, sa pamahalaan, sa sining, sa pagsulat at sa pamumuhay. 2. ANG PAGDATING NG MGA INDONESYO Sila’ynakarating na sa Pilipinas may 8000 taon na ang nakaraan Ang unang sapit Ang ikalawang sapit Ang unang sapit ay may lahing Mongol at Kaukaso kaya’t sila’y mapuputi at manila-nilaw ang balat, matatangkad at balingkinitan ang kanilang katawan Ang ikalawang sapit ay mabulalas at matipuno ang mga katawan 3. ANG PAGDATING NG MGA MALAY Ang unang pangkat Ang ikalawang pangkat Ang ikatlong pangkat Ang unang pangkat ay nakarating dito noong humigit kumulang sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo May dalang panitikan gaya ng epiko, kuwentong-bayan, alamat, at mga pamahiin Ang ikalawang pangkat ay dumating dito mula noong 100 hanggang 1300 taon pagkamatay ni Kristo. Sila’y may dalang wika, alpabeto, awiting-bayan, kuwentong-bayan, mga alamat, at mga karunungang bayan. Ang ikatlong pangkat ay ang mga Muslim. Nagsidating sila noong 1300 at 1500 taon Nagdala sila dito ng epiko, alamat, kuwentong-bayan 4. ANG MGA INTSIK Sila’ynakarating sa Pilipinas sa pagitan ng ikatlo hanggang ikawalong siglo Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Intsik noong taong 1405-1417 Ang ilang kaugaliang sosyal ay galling sa kanila, gaya ng paggalang, pagkakalapit at pagkakaisa ng pamilya. Sila ang nagbigay ng Pangalang Luzon o Lusong sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas 5. IMPLUWENSYA NG MGA BUMBAY Ang Bumbay o Hindu ay nakarating sa Pilipinas noong ikalabing dalawang siglo 6. MGA ARABE AT PERSIYANO HADRAMAUT SAYYIDS -nagdala ng pananampalatayang Muslim at mga misyonerong Arabe na nanggaling sa Malaysia at dumating sa Pilipinas noong ika-16 siglo 7. IMPLUWENSYA NG IMPERYO NG MADJAPAHIT Ang mga bansang ito ay nagkalapit-lapit at nagkapalitan ng mga kalakal at kultura. 8. ANG IMPERYO NG MALACCA
Nagtatag sila ng Pamahalaang pinamumunuan ng
mga Sultan o Rajah Sinasabing ang karaniwang pahayag na “Allah- eh” sa Batangas ay impluwensya ng Imperyo ng Malacca. Dalawang Bahagi ng Panitikang Sinauna Kapanahunan ng mga Alamat Kapanahunan ng mga Epiko o Tulang Bayan BULONG Ang bulong ay isa ng uri ng tradisyonal na dula at ito’y labis na pinaniniwalaan ng mga unang Pilipino. Ang bulong ay ginagamit ng mga tao sa paghingi ng pahintulot sa pinaniniwalaang nuno sa punso. KUWENTONG BAYAN Ito ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Epiko Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. ALAMAT Ang salitang alamat ay panumbas sa Ingles na legend. Pinagmulan ng mga baga-bagay Mga Awiting Bayan Mga katutubong awit ng mga ninuno sa ating bansa noong panahon ng pre-kolonyal, na hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin. Mga halimbawa ng awiting-bayan Soliranin Diona Oyayi Dalit Kumintang Kundiman Talindaw Dung-aw Mga Karunungang Bayan/Kaalamang Bayan Bugtong Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Palaisipan Ang palaisipan ay isang suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas. Salawikain Isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal. Sawikain Patula rin at may sukat at tugma. Nagpapahayag ng katotohanan at nagpapakilala ng gawi o ugali ng isang tao. Kasabihan Ang kasabihan ay mga matatalinhagang salita na galing sa mga ninuno natin na nagbibigay ng moral o aral sa mga kabataan. Panunudyo Isang patulang panunukso o pagpuna sa isang gawi o kilos ng isang tao. THANKYOU