You are on page 1of 98

KAKAYAHANG

PANGKOMUNIKATIBO NG MGA
PILIPINO

(KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O
GRAMATIKAL)
SUBUKIN!
Panuto: Tukuyin kung may mali o wala sa sumusunod na pangungusap.

1. Paano ba makatutulong sa lipunan ang isang kabataang tulad mo.


A
B C

2. Marami ang naniniwala sa kakayahang ng mga kaba taang pilipino.


A B
C
3. Sila ay mahusay sa iba’t - ibang larangan.
SUBUKIN!
4. Gabayan ay paalalahanan sina sa kanilang pagharap sa totoong buhay.
A B
C

5. Walang imposible kung ang bawat isa sa pamilya ay magkakaisa.


A B
C
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

 Nagmula sa linguist, sociologist, anthropologist, at folklorist


mula sa Portland, Oregon, United States na si Dell Hymes
noon 1966
 Kung nagagamit ang wika nang wasto o angkop sa mga
sitwasyon upang maihatid ang tamang mensahe at
magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong nag-uusap.
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

 Sumasakop sa mas malawak na konteksto ng


lipunan at kultura- Ito’y ang wika kung paanong
ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga
tuntunin nito.(Shuy 2009)
KAKAYAHANG LINGGUWISTIK

Ayon kay Savignon (1997)


 tumutukoy ito, kung gayon, sa anyong
gramatikal ng wika sa lebel ng
pangungusap.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIK
 Nahahanay dito ang kakayahang umunawa sa
mga morpolohikal, ponolohikal, at sintatik na
katangian ng wika at kakayahang magamit
ang mga ito sa pagbuo ng mga salita, parirala,
sugnay at mga pangungusap, at gayon din sa
pagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa
mga ito.
MGA PATINIG SA FILIPINO
a, e, i, o, u

MGA KATINIG SA FILIPINO


b,d,f,g,hj,k,l,m,n,ƞ,p,r,s,t,v,w,y,z
DIPTONGGO
 Tunog bunga ng kombinasyon ng mga
katinig na sinusundan ng malapatinig
na /y/ at /w/.
 iw, iy, ey, ay, ow, oy, at uy
 Halimbawa:
saliw, galaw, simoy
DIGRAPO
 sikwens ng dalawang katinig ngunit
may iisang tunog lamang.
 Halimbawa:
/ ts / tsismis
tseke
KLASTER
 Tunog na bunga ng dalawa o
magkatambal na katinig para sa iisang
pantig.
 Tinatawag ding kambal katinig.
KLASTER
 Halimbawa:
blusa
swerte
preso
kard
Pares Minimal
 Pares ng salitang magkaiba ang
kahulugan bagama’t magkatulad ang
kalaligiran maliban sa isang ponema sa
parehong posisyon.
 Maaaring nasa unahan, gitna o hulihan
Pares Minimal
 Halimbawa:
unahan pala-bala
gitna baka-bala
hulihan alok-alog
Ponemang Malayang
Nagpapalitan

 Magkaibang ponemang matatagpuan sa


magkatulad na kaligiran ngunit hindi
nakapagbabago sa kahulugan ng salita.
Ponemang Malayang
Nagpapalitan
 Halimbawa:
lalaki-lalake
totoo-tutoo
noon-nuon
Ponemang Suprasegmental

1. Diin
2. Tono/Intonasyon
3. Hinto/Antala
Ponemang Suprasegmental
Diin
Ang bigat ng pagbigkas ng pantig na
maaaring makapag-iba sa kahulugan ng
mga salita maging ang mga ito man ay
magkapareho ng baybay.
Ponemang Suprasegmental
Diin
Halimbawa:
/ha.pon/ afternoon
/Hapon/ Japanese
/bu.hay/ life
/buhay/ alive
Ponemang Suprasegmental
Tono/Intonasyon
Tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig
sa pagbigkas ng pantig sa isang salita,
parirala, o pangungusap upang higit na
maging malinaw ang pagsasalita at
magkaunawaan ang nag-uusap.
Ponemang Suprasegmental
Tono/Intonasyon
Halimbawa:
Nagpapahayag: Maligaya siya
Nagtatanong: Maligaya siya?
Nagbubunyi: Maligaya siya!
Ponemang Suprasegmental
Hinto/Antala

Tumutukoy sa saglit na pagtigil ng


pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ipinapahayag.
Ponemang Suprasegmental
Hinto/Antala
Halimbawa:
Hindi siya si Jose.(Hindi si Jose ang pinag-uusapan)
Hindi, siya si Jose. (Si Jose ang taong pinag-uusapan)
Hindi siya, si Jose. (Hindi ang taong
pinagbibintangan ang gumawa kundi si Jose)
MGA BAHAGI NG
PANANALITA

1. Pangngalan 6.
Pangatnig
2. Panghalip 7. Pang-
angkop
Pangngalan

Ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o


pangyayari.
Pangngalan
Uring Pansemantika:
1. Pantangi- tumukoy sa partikular na
tao, hayop, bagay, pook o pangyayari.
2. Pambalana- tumutukoy sa
pangkalahatang ngalan ng tao, bagay,
hayop, pook o pangyayari.
Pangngalan
Ayon sa Konsepto:
1. Basal- tumutukoy sa hindi material kundi sa diwa o
kaisipan. Hal: kasamaan
2. Tahas- tumutukoy sa mga materyal na bagay. Hal:
pagkain, damit
a. Palansak- pangkat ng iisang uri. Hal.
Buwig, kumpol
b.Di-Palansak- bagay na isinaalang-alang
nang isa-isa. Hal: tao, kapatid, diwata
Panghalip

Salita o katagang panghalili sa pangngalan.


Panghalip

Mga Uri:
1. Panao- humahalili sa ngalan ng tao.
Hal: ako, ikaw, mo, niya, iyo, tayo, amin
2. Pamatlig- humahalili sa pangngalan
na itinuturo. Hal: ito, ayan, ganito, nariyan
Panghalip
Mga Uri:
3. Panaklaw- sumasaklaw sa kaisahan, dami
o kalahatan ng tinutukoy. Hal: isa, lahat,
anuman, alinman, gaanuman, saanman
4. Pananong- humahalili sa pangngalan na
ginagamit sa pagtatanong. Hal: Ano, alin,
magkano
Pandiwa
Salitang nagpapakilos o nagbibigay buhay sa
isang lipon ng mga salita. Ito ay binubuo ng
salitang-ugat at panlapi.
Pandiwa
Aspekto Pandiwa:
1. Aspektong Naganap o Perpektibo-
nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
2. Aspektong Katatapos- katatapos pa
lamang ng kilos. Nabubuo ito sa pamamagitang
ng paglalagay ng panlaping ka at pag-uulit ng
unang pantig ng isang salita.
Pandiwa
Aspekto Pandiwa:
3. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo-
Ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring
ginagawa at hindi pa tapos.
4. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo-
nagsasaad na ang kilos ay hindi pa
nauumpisahan at gagawin pa lamang.
PERPEKTIBO KATATAPOS IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO

Nilikha Kalilikha Nililikha Lilikhain

Tumayo Katatayo Tumatayo Tatayo

Sinabi Kasasabi Sinasabi Sasabihin

Nag-alaga Kaaalaga Nag-aalaga Mag-aalaga


Pandiwa
Pokus- tawag sa relasyong pansemantika ng
pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.
Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na
panlapi ng pandiwa.
1. Tagaganap o Aktor- ang pandiwa ay nasa pokus na tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap
ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Hal: Nanguna ang pamahalaan sa pagsusulong ng katahimikan ng bansa.
Pandiwa
Pokus ng Pandiwa:
1. Tagaganap o Aktor- ang pandiwa ay nasa
pokus na tagaganap kapag ang paksa ng
pangungusap ang tagaganap ng kilos na
isinasaad ng pandiwa.
Hal: Nanguna ang pamahalaan sa pagsusulong
ng katahimikan ng bansa.
Pandiwa
Pokus ng Pandiwa:
2. Layon o Gol- Kung ang layon ay siyang
paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.
Halimbawa: Ginawa ang programang
pangkapayapaan para sa ikatatahimik ng bansa.
Pandiwa
Pokus ng Pandiwa:
3. Ganapan o lokatib- Kung ang paksa
ay lugar o ganapan ng kilos.
Halimbawa: Pinagdarausan ng
buwang-buwang pagpupulong ang
Malacañang.
Pandiwa
Pokus ng Pandiwa:
4. Tagatanggap o Benepaktib- Tumutuon
sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng
kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Ipinagawa ng
magandang batas ang mahihirap na
mamamayang palaging nagiging biktima ng
Pandiwa
Pokus ng Pandiwa:
5. Gamit o Instrumental- Tumutukoy sa
kasangkapan o bagay na ginagamit upang
maisagawa ang kilos ng pandiwa na siyang paksa
ng pangungusap.
Halimbawa: Ipinamigay ng pamahalaan
ang pondo sa mga naging biktima ng digmaan sa
Mindanao.
Pandiwa
Pokus ng Pandiwa:
6. Sanhi o Kusatib- Ang pandiwa ay
nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay
nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.
Halimbawa: Ikinatuwa ng Pangulo ang
pagtatagumpay ng hukbong Pilipino.
Pang-Uri

Salitang naglalarawan o nagbibigay-turing


sa pangngalan at panghalip.
Pang-Uri
Kaantasan:
Lantay- isang pangngalan o panghalip
lamang ang inilalarawan.
Pahambing- naghahambing ng dalawang
pangngalan o panghalip.
Pasukdol- Ang katangian ng isang
pangngalan ang pinakamatindi o nakahihigit
Pang-abay

Nagbibigay-buhay sa pandiwa, pang-uri o


kapwa pang-abay.
Pang-abay
Uri:
Pamanahon- Sumasagot sa tanong na
kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang
sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
Hal: Dumating kahapon ang mga
inampalan para sa taunang pagpili ng Gawad
Pambansang Alagad ng Sining.
Pang-abay
Uri:
Panlunan- Tinatawag na pariralang sa.
Kumakatawan sa lugar kung saan ginagawa
ng kilos.
Hal: Sa kongreso ipinasa ang batas
hinggil sa pagtangkilik ng estado sa mga
alagad ng sining at panitikan.
Pang-abay
Uri:
Pamaraan- Sumasagot sa tanong na paano
ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi
ng pandiwa sa pangungusap.
Hal: Bakit siya umalis na umiiyak sa
harapan ng hurado?
Pang-abay
Uri:
Pang-agam- Nagsasaad ng pag-
aalinlangan o walang katiyakan.
Hal: Matatapos na rin marahil ang
pagpili sa mga nagwaging alagad ng sining.
Pang-abay
Uri:
Kundisyunal- Nagsasaad ng kundisyon
para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa.
Hal: Matutupad ang layunin ng ating
pamahalaang mapaunlad ang ating sining at
panitikan kung ang lahat ay makikiisa.
Pang-abay
Uri:
Panang-ayon- Nagsasaad ng pagsang-
ayon.
Hal: Talagang mahuhusay gumuhit,
sumayaw, umawit at sumulat ang mga
Pilipino.
Pang-abay
Uri:
Pananggi- Nagsasaad ng pagtanggi.

Hal: Hindi tayo papayag na mawalang


kabuluhan ang kahusayan ng mga Pilipino.
Pang-abay
Uri:
Panggaano- Nagsaad ng sukat o timbang.

Hal: Tumaas ang bilang ng mga manunulat


na Pilipino nang limang porsyento.
Pang-abay
Uri:
Kusatibo- Nagsasaad ng dahilan ng
pagganap ng kilos ng pandiwa.
Pinangungunahan ng dahil sa
Hal: Tumaas ang antas ng sining at
panitikan ng bansa dahil sa ipinakitang
suporta ng pamahalaan.
Pang-abay
Uri:
Benepaktibo- Nagsasaad ng benipisyo
para sa isang tao dahil sa pagkakaganap sa
kilos ng pandiwa o layunin ng kilos ng
pandiwa.

Hal: Magpursige ka para sa


MGA PANG-
UGNAY
Pangatnig
Tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-
uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

Halimbawa: Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay


puspusang isinasagawa ng mga bisig ng batas.

Halimbawa: Matalino si Villar subalit maraming


isyung naglalbasan kaugnay sa kanya.
MGA PANGATNIG
at ni o kaya maging
man saka pati nang gayun
din kung alin sa halip kung
sino upang kung saan samantala
gayon datapwat subalit bagkus ngunit
habang maliban bagaman kung dahil sa
kundi kapag sakali sana bago
sapagkat kasi kung kaya palibhasa
sanhi ng anupa samakatwid sa madaling
salita
Pang-angkop

Mga katagang nag-uugnay sa panuring


at salitang tinuturingan.
Pang-angkop

na- ginagamit kung ang salitang


sinusundan ay nagtatapos sa katinig.

Halimbawa: malakas na bagyo


Pang-angkop

ng- ginagamit kung ang salitang


sinusundan ay nagtatapos sa patinig.

Halimbawa: bagyong malakas.


Pang-ukol

ginagamit upang matukoy kung ang


lunan o kung anong bagay ang mula o
tungo, ang kinaroroonan, pinangyarihan
o kina-uukulan ng isang kilos, gawa,
balak o ari ng layon.
Pang-ukol

Mga karaniwang pang-ukol:


sa ng/ng
mga
kay/kina sa/kay
nang may tungkol /kay
hinggil sa/kay ayon sa/kay
Pantukoy

Katagang ginagamit sa pagpapakilala sa


pangngalan.
Pantukoy

Pantukoy sa Pambalana: ang, ang mga,


at mga

Hal: Ang aso ay tumatahol


Ang mga aso ay tumatahol
Sila ay hinabol ng mga aso.
Pantukoy

Pantukoy na Pantangi: Si, sina, ni, nina,


kay, kina

Hal: Si Maria ay umiiyak.


Iniwan ni Pedro si Maria.
Pangawing

Pantukoy na Pantangi: Si, sina, ni, nina,


kay, kina

Hal: Si Maria ay umiiyak.


Iniwan ni Pedro si Maria.
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO:
PAGPAPALIT AT PAGLILIPAT
Pagpapalit

/o/ at /u/- Kapag inuulit o kapag ikinakabit


sa iba pang salita ang pantig na may tunog
na /o/, karaniwang nagiging u ang unang o.

Hal: ano + ano = anu-ano


kapos + palad = kapuspalad
Pagpapalit

/e/ at /i/- Kapag inuulit ang pantig na


may /e/.

Hal: lalake + -ng + lalake/lalaki=


lalaking-lalake
Pagpapalit

/d/ at /r/- Nagpapalitan ang /r/ at /d/ kapag


patinig ang tunog na sinusundan ng /d/.

Hal: ma+dami= marami


ma+dapat= marapat
Paglilipat
Tinatawag ding metatesis na
nangangahulugan ng paglilipat ng posisyon
ng mga ponema. Kapag nagsisimula sa /l/
o /y/ ang salitang-ugat, ito’y nilalagyan ng
gitlaping –in-, nagkakapalit ang /i/ at /n/ at
nagiging /ni-/.
PANGUNGUSAP
PANGUNGUSAP
Isang salita o lipon ng mga salita na
nagsasaad ng isang buong diwa.

May pangungusap na binubuo ng dalawang


panlahat na sangkap ang panaguri at
paksa/simuno.
PANGUNGUSAP
Paksa/simuno- Bahaging pinagtutuunan
ng pansin sa loob ng pangungusap. Nasa
paksa ang pokus na sinasabi sa loob ng
pangungusap.
Panaguri- Bahaging nagbibigay ng
kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.
PANGUNGUSAP

Dalawang Ayos:
Karaniwan-
Di-karaniwan-
PANGUNGUSAP
Karaniwan- Ang panaguri ay nauuna
kaysa sa paksa.

Halimbawa: Mabait si Boyet


PANGUNGUSAP
Di-Karaniwan- Nauuna ang paksa sa
panaguri.

Halimbawa: Si Boyet ay mabait.


PANGUNGUSAP
Estruktura ng Pangungusap:
• Ayon sa Gamit
• Ayon sa Kayarian
• Pangungusap na Walang Paksa
Uri ng Pangungusap
ayon sa Gamit
1. Paturol/Pasalaysay- ginagamit sa
pagsasaad ng isang pahayag. Ginagamitan ng bantas
na tuldok(.)

Hal: Mahalagang mapangalagaan ang karapatang


pantao ng lahat mayaman man o mahirap.
2. Patanong- nagsasaad ng isang
tanong. Gumagamit ng bantas na tandang
pananong.(?)

Hal: Sino ang dapat mangalaga ng ating


karapatan?
3. Pautos- pangungusap na nagsasabing
gawin ang gawin ang isang bagay.
Nagtatapos sa tuldok.

Hal: Simulan mo sa iyong sarili ang


pangangalaga ng iyong karapatan.
4. Padamdam- ginagamit sa
pagpapahayag ng matinding damdamin tulad
ng tuwa, galit, gulat. Gumagamit ng tandang
padamdam.

Hal: Naku, malaking hamon sa atin iyan!


Uri ng Pangungusap
ayon sa Kayarian
Payak- Ang pangungusap na ito ay may
isang diwa o kaisipan lamang.

Hal: Ang ating kabuhayan ay


napagsamantalahan.
Tambalan- Pangungusap na nagpapahayag ng
dalawang kaisipan at pinag-uugnay ng mga
pangatnig na magkatimbang tulad ng at, pati, saka,
o, ni, maging, ngunit, at iba pa.

Hal: Ang taong umiibig ay maaaring maging


marahas, sakim at palalo samantalang ang ibang
umiibig ay maaaring maging mabait,
mapagparaya, at mapagkumbaba.
Hugnayan- Pangungusap na binubuo ng isang
punong kaisipan(sugnay na makapag-iisa) at isa pang
katulong kaisipan (sugnay na di makapag-iisa).
Pinag-ugnay ito ng mga pangatnig na di-
magkatimbang tulad ng kung, nang, bago, upang,
kapag., sapagkat, at iba pa.
Hal: Ang pag-ibig ay maihahambing sa musika
dahil ang himig nito ay maaaring makapagpaligaya
ng isang tao.
Langkapan- Pangungusap na binubuo ng dalawang
punong kaisipam (sugnay na makapag-iisa) at isa
pang katulong na kaisipan (sugnay na di-makapag-
iisa).

Hal: Si Fidel ay umiibig sa kanyang pamilya/ at


hindi maipagkakailang umiibig din siya sa kanyang
bayan/ kaya’t nararapat lamang siyang tularan ng
lahat.
Pangungusap na
walang Paksa
Eksistensiyal- Pangungusap na
nagpapahayag ng pagkamayroon o
pagkawala.

Hal:
a. May mga pulis ngayon sa amin.
b. Wala pang dumarating.
Modal- Nangangahulugan ito ng gusto,
nais, ibig, pwede, maaari, dapat o
kailangan.

Hal:
a. Pwedeng pumasok?
b. Gusto mo ba nito?
Padamdam- Nagpapahayag ng matinding
damdamin.

Hal:
a. Sunog!
b. Nakakainis!
Maikling Sambitla- Mga iisahiin o
dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin.

Hal:
a. Ay!
b. Aray!
Panawag- Maaaring iisahing salita p
panawag na pangkamag-anak.

Hal:
a. Halika!
b. Hoy!
c. ate! Kuya!
Pamanahon- Nagsasaad ng oras o uri ng
panahon. May dalawang uri:

Penomental- tumutukoy sa kalagayan o


pangyayaring pangkalikasa o
pangkapaligiran.
Hal. Mainit ngayon.
Temporal- Nagsasaad ng mga
kalagayan o panahong panandalian.

Halimbawa: Gabi na.


Pormularyong Panlipunan- Mga pagbati,
pagbibigay-galang, at iba pa, na
nakagawian ng sa lipunang Pilipino.

Hal: Magandang umaga po.


SALAMAT SA PAKIKINIG!!

You might also like