You are on page 1of 43

Panuto: Ano-anong wika ba ang

nasasalita at nauunawaan mo?


Subuking ipahayag ang reaksiyon o
sasabihin mo para sa sitwasyon na
ibinigay gamit ang mga wikang
alam mo.
Nagkita kayo ng
isang kaibigang
matagal mo nang di
nakikita.
Inanyayahan ka ng isang kaibigan
para sa kanyang party pero hindi ka
makapupunta
Monolingguwalismo,
Bilingguwalismo, at
Multilingguwalismo
Chomsky 1965
- Ang pagkamalikhain sa wika ay
makikita sa kakayahan ng tao lamang at
wala sa ibang nilalang tulad ng mga
hayop.
Paz, et. al 2003
- Ang tao ay gumagamit ng
wikang naaangkop sa sitwasyon
o pangangailangan.
Unang Wika,
Pangalawang Wika at
Iba Pa
Unang Wika
- Tawag sa wikang kinagisnan mula sa
pagsilang at unang itinuro sa isang
tao.
- Katutubong wika, mother tongue,
arterial na wika
- L1
Pangalawang Wika
- Tawag sa pangalawang wika na
natututuhan ng tao.
- L2
Ikatlong Wika
- Ikatlong wika na natutuhan
- Panonood at pakikisalamuha.
- L3
i s m o ,
u w a l
o l i n g g , at
M o n l i sm o
g u w a o
B i l i n g w a l is m
l i n gg u
M u l ti
Monolingguwalismo
- Tawag sa pagpapatupad ng iisang wika
sa isang bansa.
- England, Pransya, South Korea, Japan at
iba pa.
- Wika ng komersiyo, wika ng negosyo at
wika ng pakikipagtalastasan sa pang-
araw-araw na buhay.
Bilingguwalismo
Leonard Bloomfield (1935)
• Amerikanong lingguwista
• “Ang bilingguwalismo ay paggamit o
pagkontrol ng tao sa dalawang wika na
tila ba ang dalawang ito ay kanyang
katutubong wika. ”
• Perpektong bilingguwal
John Macnamara (1967)
• Ang bilingguwal ay isang taong may
sapat na kakayahan sa isa sa apat na
makrong kasanayang pangwika
• Pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat.
Uriel Weinreich (1953)
• Polish-American
• Ang paggamit ng dalawang wika na
magkasalitan ay tinatawag na
bilingguwalismo
• Bilingguwal – ang taong gumagamit
nito.
Balanced Bilingual
• Paggamit ng dalawang wika na halos
hindi matukoy kung alin sa dalawa
ang una at ikalawang wika.
Bilingguwalismo sa Wikang Panturo
• Ang probisyon para sa bilingguwalismo
o pagkakaroon ng dalawang wikang
panturo sa mga paaralan at wikang
opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal
na transaksiyon sa pamahalaan man o sa
kalakalan.
• Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 SB 1973
Surian ng Wikang
Pambansa
- bilingual education
- “Filipino at Ingles” – Wikang
panturo
Bilingual Education
Wikang Filipino
• Social Studies/Social Science
• Work Education
• Character Education
• Health Education
• Physical Education
Bilingual Education
Wikang Ingles
• Science
• Mathematics
Multilingguwalismo
• Pilipinas
• 150 wika/wikain
• Nakakaunawa at nakakapagsalita ng
Filipino, Ingles at iba pang wika.
Mother Tongue Based-Multlinggual
Education
• Paggamit ng unang wika bilang wikang
panturo Kinder – Grade 3
Ducher at Tucker
- Mahalaga ang unang wika sa panimulang
pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang-
aralin at bilang matibay na pundasyon sa
pagkatuto sa ikalawang wika.
8 pangunahing wika
• Tagalog
Bikol
• Kapampangan
Cebuano
• Pangasinense
4 iba pang wikain
• Tausug
• Maguindanaoan
• Meranao
• Chavacano
(2013)
• Ybanag – Tuguegarao, Cagayan, at Isabela
• Ivatan – batanes
• Sambal – Zambales
• Aklanon – Aklan, Capiz
• Kinaray-a – Antique
• Yakan – ARMM
• Surigaonon – Surigao City
Filipino at Ingles
Ang pangunahing wikang panturo
sa elementarya, high school at
kolehiyo.
“ We should become tri-lingual as a
country. Learn English well and
connect to the World. Learn
Filipino well and connect to our
country. Retain your dialect and
connect to your heritage. “
- Benigno Aquino III
ACTIVITY
2
Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ng halimbawang
nagmula sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan.
Punan ang kahon ng tawag sa iyong Punan ang kahon ng tawag sa iyong Punan ang kahon ng isa pang
unang wika (L1) at isang pangalawang wika (L2) at wikang nalalaman mo (L3) at
halimbawang pangungusap gamit ito halimbawang pangungusap gamit ito. magtuturing sa iyo bilang
multilingguwal. Kung wala ay
sumulat ka ng tatlong salitang
katutubo sa Pilipinas na alam mo.

Batay sa iyong sariling karanasan, Paano mo naman natutuhan ang Kung mayroon kang nalalamang
paano nilinang sa iyo ang iyong iyong pangalawang wika? pangatlong wika, paano mo ito
unang wika? natutuhan? Kung wala, ano ang
maaari mong gawin upang matuto
ka ng ikatlong wika?
QUIZ
1.2
I. Tukuyin ang ipinapahayag
sa bawat bilang.
1. Ang tawag sa pangalawang
wika na natutuhan ng tao.

2. Tawag sa pagpapatupad ng
iisang wika sa isang bansa.
3. Ang lingguwista na nagbigay ng
kahulugan na ang bilingguwal ay isang
taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat
na makrong kasanayang pangwika

4. Ang nagsabi na ang paggamit ng


dalawang wika na magkasalitan ay
tinatawag na bilingguwalismo .
5. “Ang bilingguwalismo ay
paggamit o pagkontrol ng tao sa
dalawang wika na tila ba ang
dalawang ito ay kanyang
katutubong wika. ”
II. Ibigay ang hinihinging
kasagutan
1-3. Ibigay ang iba pang tawag o
termino ng unang wika.
4-5. magbigay ng 2 asignatura na
itinuturo gamit ang wikang Ingles.
6-8. magbigay ng 3 asignatura na
itinuturo gamit ang wikang Filipino
9-10. Ibigay ang wika/wikain na
ginagamit sa sumusunod;

9. Batanes –
10. Zambales -
1. Ikalawang wika
2. Monolingguwalismo
3. John Macnamara
4. Uriel Weinreich
5. Leonard Bloomfield
II.
1-3. Arterial na wika, Mother tongue, katutubong wika
4-5. Science, Math
• 6-8. Social Studies/Social Science
• Work Education
• Character Education
• Health Education
• Physical Education
9- ivatan
10. sambal

You might also like